Rage 3. The Ring Necklace

1.1K 89 20
                                    


Clariz POV.

     Napahawak ako ng mahigpit sa singsing na kwintas habang nakasuot ito sa leeg ko. Hindi ko ito kayang alisin dahil ito nalang ang tanging naiwan saken ni Steve. Napabuntong hininga ako habang hinihintay ang resulta habang nasa di ako kalayuan sa cemetery kung saan nakalibing si Steve. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali dahil kinakabahan ako sa magiging resulta, nag utos kasi ako ng tao para maghukay sa libingan dahil gustong gusto ko ng malaman ang totoo, ang katotohanan sa pagkamatay nya. Kung sakali mang patay na talaga si Steve tatanggapin ko pero hindi ko maipapangako sariling magiging maayos pa ang buhay ko. .

Pero kung. .

Pero kung buhay pa sya hahanapin ko sya at magsasama kami ulit gaya ng dati. Napakagat ako sa ibabang labi dahil ang lakas parin ng tibok ng puso ko. Bigla nalang bumuhos ang ulan kaya mas lalong hindi ako mapakali habang mahigpit na nakahawak sa manubela. Napakunot ako nang noo ng tumatakbo dito palapit sa kinaroroonan ko ang isa sa inutusan kong mag hukay. Binuksan ko ang bintana kaya hingal na hingal syang huminto.

"M-miss hindi po namin natapos ang paghuhukay may umatake po sa amin" natatakot nyang sabi kaya galit akong lumabas ng kotse kahit pa nababasa na ako.

"Sinong umatake sa inyo?"

Taas kilay kong tanong pero takot na takot syang lumingon sa pinanggalingan nya kanina kaya napatingin na din ako at may nakita akong lalaki na may hawak na samurai habang may tumutulo pang dugo sa patalim nito.

"Ahhh... ayoko pang mamatay!!" Bigla nalang tumakbo yung lalaki kaya hinayaan ko nalang.

"Tss what a coward" nakangiwi kong sabi at bored na tinignan ang papalapit na lalaki.

Hindi ko makita ang mukha nya dahil natatakpan ng black cap ang mukha nya habang nakayuko syang papalapit dito. Hindi ako gumalaw sa pwesto ko habang nakacross arm. 

Tumakbo palapit yung lalaki sakin kaya niready ko na din ang sarili ko. Iwinasiwas nya ang samurai sa akin pero agad akong nakaiwas at sinipa sya sa tyan gamit ang takong kong may lason ang dulo pero mabilis syang nakailag at tatamaan nya sana ulit ako ng samurai nya pero nagblack flip ako at sinipa sya sa mukha kaya tumilapon ang cap nya. Napairap ako ng makilala ko kung sino,

"Tss! Bakit ba nakikialam ka nanaman cheldon?!" Inis kong sigaw sa kanya kaya tumayo sya ng maayos at nginitian ako.

"Hindi ko hahayaang mahuli ka clariz"
Napa tss nalang ako at lumakad papunta sa libingan ni Steve pero humarang sya sa dadaanan ko.

"Hindi ako papayag na bumalik ka ulit doon" seryoso nyang sabi kaya sinuntok ko sya sa inis pero pinigilan nya lang ang kamao ko gamit ang isa nyang kamay at hindi na ako binitawan.

"Pwede ba Cheldon!! Please! Gusto kong malaman ang totoo!!" Sigaw ko kasabay ang malakas na ulan at kulog pero wala akong pake.

Nagulat ako ng niyakap nya ako ng mahigpit.

"Tanggapin mo nalang kase ang katotohanan na patay na si Steve clariz! Patay na sya!"

"HINDI!! Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo!! Nararamdaman kong buhay pa sya!!"

Halos mapaos na ako sa pagsigaw at napaiyak nadin ako dahil ayokong maniwala na patay na si Steve.

"Gusto mo talagang malaman ang totoo?! Pwes!" Galit nyang sabi at hinila ako papasok sa kotse ko at pilit akong isinakay sa backseat at mabilisan nyang pinaandar ang kotse.

"S-saan tayo pupunta ha?!" Galit kong sigaw sa kanya pero tinignan nya lang ako sa rearview mirror.

"Diba gusto mong malaman ang totoo?!"

Rage of Death (On going) Where stories live. Discover now