Rage. 37 Steve's Twin

483 19 14
                                    

Leslie POV.

    Sana hindi ako namalikmata sa nakita ko. Pumikit muna ako ilang minuto at dinilat ko ulit ang mata ko at hindi nga ito isang imahinasyon.

May nakita kasi akong pamilyar na mukha sa kabilang highway at nasa loob sya ng restaurant at ako naman ay nandito sa kabila, kumbaga harapan pero kailangan pang tumawid ng kalsada.

Pumasok ako sa loob ng restaurant na yun at hinanap ko agad sya. Nakita kong nakaupo sya malapit sa bintana kaya ko sya nakita kanina.  Lumapit ako sa kanya at tumapat sa harap nya kung saan sya nakaupo. Huminto sya sa pagsubo ng pagkain tsaka takang inangat ang ulo nya at tinignan ako ng nakataas ang kilay.

“Uh..why?” sabi nya ng may pagtataka kaya umupo ako sa kaharap nyang upuan. Napabuntong hininga muna ako bago magsalita.

“Steve hindi mo naba talaga kami maalala?!” May inis na sabi ko.

Nagulat ako ng para syang nabilaukan at pagkatapos nun bigla syang tumawa.

“W-wait…bwahahaha…
Hahaha.. a-anong…ahahahaha”

Walang emosyon ko lang syang tinignan dahil wala namang nakakatawa sa sinabi ko.

“Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?!” kunot noong tanong ko na may halos inis.

Uminom muna sya ng tubig at huminto na sa pagtawa pero nakangiti parin sya. May kinuha sya sa bulsa nya at may pinirmahan doon at tsaka nya pinunit at binigay saken. Nilapag nya iyon sa harap ko at mas lalo akong nainis dahil isa iyong tseke.

“Ok naba yan? Or kulang pa? Pasensya na pero hindi mo ako maloloko sa paganyan ganyan mo. Wala naba kayong ibang style para mang scam? Pero dahil mabait ako binigyan na kita kaya lumayas kana sa harap ko at kumakain pako ok?”
Nanlaki ang mata ko at napakuyom ng kamao sa galit.

“Anong sinabi mo?!” singhal ko sa kanya kaya medyo napaatras sya sa inuupuan.

“Oh? Bakit? Kulang paba yan? Sige dagdagㅡ”

Napatigil sya sa pagsasalita ng basagin ko ang wine glass sa kamay ko. Kita ko naman ang gulat sa mukha nya ng makitang unti unting tumulo ang dugo ko sa kamay pababa sa lamesa. 

“Una sa lahat hindi ako nagbibiro! Pangalawa hindi ako nanghihingi ng pera! Pumunta ako dito para kausapin ka ng maayos! Pero ano? Pinagtawanan mo pa ako at binibigyan ng pera?! Wow ha!” 

“S-sir ano pong problema?” Takang tanong nung waiter pero di ko sya pinansin dahil nakatuon lang ako kay Steve.

“Ahh… gets ko na.. naalala ko tinawag mo akong steve kanina?” sarcastic nyang sabi.

Pero hindi ako nagsalita..

“SEDRICK!”

Napalingon ako sa likod ng may babaeng sumigaw at padabog na lumakad palapit samin.

Teka? Sedrick?!

“SEDRICK! Nandito kalang pala kanina pa kita hinahanap!!” Sigaw
nung babae sa harap ni sedrick?

Nagpalit na pala sya ng name ngayon?! 

“Hoy ikaw! Sino ka naman?” sigaw naman nung babae saken at bumaba ang tingin nya sa lamesa at nakita nya yung tseke.

“Bakit ba hindi nyo tigilan ang kuya sedrick ko!? Mukha ba talaga syang mapera at lapitan ng scam?!”

“Wait… tinawag ka nyang Sedrick??” takang tanong ko at tinuro si Steve. 
Napakamot naman sya sa batok nya.

“Uhh.. ako nga si Sedrick… bakit mo ako tinawag na Steve kanina?”

Teka naguguluhan ako…

Rage of Death (On going) Where stories live. Discover now