Rage 33. Fiance

484 22 6
                                    

[PAPLUG IN LANG: Readers sana suportahan nyo yung bago kong ipupublish na love story "Mainlove ka sa Panget" ang title since 2013 ko pa yun natapos ngayon ko lang ipupublish sayang naman kung itatago ko nalang dont worry tapos na yun kaya no problem na sa update eto lang talaga ang Rage of Death still ongoing na sinusulat ko thank you po .. sana mabasa nyo rin iyon :) ]

Cheldon POV.

Pawis na pawis akong napabangon dahil sa masamang bangungot. Ayoko na ulit maranasan ang hirap na ginawa sa akin ni Ericho. Huminga muna ako ng malalim tsaka bumangon na at dumeretso sa shower.

Napatitig ako sa mukha ko sa salamin. Nagbago ako ng dahil kay Clariz, masyado ko na syang inispoiled na maging sunud sunuran sa kanya.

Baka nakakalimutan mo Cheldon kailangan mo sya para sa paghihigante sa mga ginawa nila sayo.

Nasuntok ko nalang ang salamin sa sobrang inis. Bakit ba kasi nahulog ang loob ko sa babaeng yun. Tumulo ang dugo ko sa kamao pababa sa salamin at yung iba sumabay sa agos ng tubig. Napasandal nalang ako sa pader sa sobrang frustration. Inoff ko na ang Shower at lumabas para magbihis.





"Sir Cheldon?" napalingon ako sa pinto ng pumasok yung isang katiwala ko. Nakapagdamit narin naman ako kaya okey lang.

"Why?"

"Sir Ms. Clariz po"

Napakunot naman ako ng noo.

"What happen to her?"

"Nagcollapse po syaㅡ"

Hindi ko na sya pinatapos magpaliwanag at nilagpasan ko sya para tumakbo kung saan ngayon si Clariz. Naabutan ko syang nakahiga na sa sofa habang walang malay. Hinawakan ko ang pulso nya. Buti nalang maayos parin ang tibok ng puso nya.

"Ako ng bahala sa kanya" sabi ko kaya nagsialisan na yung mga katiwala ko. Nandito kasi kami ngayon sa bahay ko dahil nga gustong matutunan ni Clarix(other Clariz) kung paano magmanage ng kompanya. Tinignan ko ang mukha nya. Pawis na Pawis sya kaya hinaplos ko ang buhok nya tsaka tinap.

"Don't force yourself too much"

Binuhat ko na sya papunta sa kwarto nya. Inayos ko ang kumot sa kanya tsaka ko sya hinalikan sa noo.
Aalis na sana ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko.

"Steve wag kang umalis!" sigaw nya habang nakapikit.

Nanlaki ang mata ko dahil....

Minulat nya ang mata ng dahan dahan at napalingon saken.

"Cheldon?" kunot noo nyang sabi tapos nalipat ang tingin nya sa kamay ko na hinawakan nya. Agad naman nya iyong binitawan.

Napahawak sya sa ulo nya at umupo.

"Ano bang nangyari?"

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi. Nagulat naman sya sa ginawa ko pero nevermind.

"Clariz? Ikaw naba yan?"

"Teka nga! Bitawan mo nga ako ugh!"

Napangiti ako ng sobrang lapad. Hindi ko alam pero ang saya ko na nagbalik na sa normal si Clariz.
Mas gusto ko pang kasama yung hardheaded na Clariz kaysa sa isang katauhan nya na sunod sunuran lang ako.

"Cheldon tell me everything"

seryosong sabi nya kaya sinabi ko lahat sa kanya ang mga ginawa ni Clarix.

× × ×

"Ano bang binabalak nya?" inis nyang sabi.

"Hindi ko naman nababasa ang nasa isip nya pero isa isa nyang tinatarget ang 12 saints"

Rage of Death (On going) Where stories live. Discover now