Rage 9. Clarix

779 44 3
                                    


Rage 9. Clarix

Chan Hanzel POV.

"Uhhh.. sa wakas nakarating din" dinig kong angal ni vinxx habang nag iinat, ako naman ibinaba ko ang cap at sinuot ang mask.

"Wow. . So this is the philippines" bigla namang sabi ni Henna Dela Fuente.

Nauna na akong naglakad sa kanila at kumaway yung nagdala ng kotse ko.

"Welcome back" sabi nya kaya tumango lang ako.

Binuksan ko na ang pinto at pinauna kong papasukin si Henna at si vinxx naman sa likod.

"Bakit ba biglaan kang bumalik dito?"

Napatingin ako sa rear view mirror ng biglang itanong ito ni Vinxx. Tinanggal ko ang cap at mask tsaka nag smirk sa harap ng salamin.

"I guess malapit lang dito ang slaughter" sagot ko at tinuon na ang pansin sa daan.

"Chan pwede bang kumain muna tayo? Hindi pa tayo nag lalunch" dinig kong reklamo ni Vinxx at tinignan ko din si Henna na tumango tango. Napailing nalang ako dahil nagkasundo agad sila. Niliko ko nalang ang sasakyan ng may makita akong Restaurant.

"Welcome po maam and Sir. . Eh? Chan?" nanlaki ang mata ko at napahinto din ako sa paghakbang dahil hindi ko inexpect na makikita ko si French dito. Agad akong nakabawi sa gulat at binalik ang cold expression.

Natawa sya sa sarili habang umiling iling. Napakamot sya sa batok at inassisst na kami sa table namin. Binigyan nya kami ng menu habang iniiwas ang tingin sa akin. Hindi ko kasi pinansin ang sinabi nya.

Napaangat ako ng tingin sa kanya at nagbago na ang expression ng mukha nya. Hindi na sya nakangiti tulad ng kanina. Ito namang mga kasama ko walang pakilam sa paligid.

"Excuse" paalam ko at tumayo na dahil may kailangan akong itanong.

Pumunta ako sa likuran ng restaurant at nakita ko sya doon habang nagtatapon ng basura. Humakbang ako palapit pero alam kong naramdaman nyang papalapit din ako dahil huminto sya sa ginagawa.

"French we need to talk" walang emosyon kong sabi kaya lumapit na din sya saken.

"What do you want to talk"

"Kamusta na si Dad? Nagkikita paba kayo?"

Pagkatanong ko sa kanya nun bigla nalang syang tumawa.

A sarcastic laugh. .

"Woah. . Ako pa talaga tinanong mo? Bakit hindi ikaw ang umalam?"

"Tsk. . This is nonsense" tinalikuran ko na sya dahil wala pala akong mapapala sa taong to tss.

Pagkabalik ko sa loob tapos na pala silang kumain,

"Let's go" aya ko kaya napatingin sila saken.

"Hindi ka kakain?" Tanong ni Vinxx kaya umiling ako.

"I don't have an appetite" sagot ko at inunahan ko na silang lumabas.

Bigla nalang nag ring ang phone ko kaya napahinto ako sa paglakad at sinagot ang tawag.

"So. . . . Youre already here"

Napalingon lingon ako sa paligid baka nasa paligid lang ang Slaughter habang pinapanuod ako.

"And. . Youre with Dela Fuente's Daughter right?"

Napahawak ako ng mahigpit sa phone at nilingon si Henna habang nakaupo parin habang kausap si Vinxx.

Rage of Death (On going) Where stories live. Discover now