Rage 38. Rapt

272 17 5
                                    

[RAPT- mean showing complete interest in something]

[AN: Guys huhu sorry talaga kung ngayon lang ako nakapag update neto sorry kung napabayaan ko ang pagsusulat sobra ko kaseng busy sa school pero don’t worry I will Do my best para mapagpatuloy ang story na to. Sorry po sa mga nag hintay ng update :( at eto napo ako nagbabalik :D sana po ay magpatuloy kayo sa pagbabasa maraming salamat ]

RECAP for Last Happenings in some Chapters :

      Nagkasama sama na ang ibang member ng 12 saints na sina Chan Hanzel Lim, Leslie Lee, Sion Oh, Terrence Michael Teruel, Dave Angelo Cruz. At nakausap na din nila si Kristian Han at kinumbinsi sya na tumulong sa pagligtas kay Steve sa kamay ni Ericho pero hindi pumayag si Kristian. Walang maalala si Steve sa kanyang pagkatao pero hindi sumusuko si Clariz para maalala sya. Pero nasa mga galamay sya ni Ericho at binrainwash nya eto at sinabing si Clariz ang nagtanggang pumatay sa kanya at sa kapatid nya.

Nahuhulog na ang loob ni Cheldon kay Clariz dahil sa taglay nitong karisma. At mas kinailangan sya ni Clariz dahil nagkaroon si Clariz ng Blood Cancer.

Hindi parin mapatawad ni Leslie si Dave dahil sa nakaraan. Nalaman na din ni Brenna kung sino ang pumatay sa kuya nya walang iba kundi si Clariz ang taong nagligtas sa kanya sa kamay ng mga Yakuza. Si Devien Cruz naman ay patuloy na nagtatago sa mga kapulisan dahil isa syang takas na bilanggo. Nalaman nya kase ang balak ni Ericho kaya gusto nyang tulungan ang kuya nya pero ang nakakapagtaka hindi na sya nakabalik sa bahay nya kung saan ang tagpuan nila ni Dave. Si Chan naman ay patuloy na hinahanap ang Slaughter pero si Henna Dela Fuente ay bumalik sa amerika para ayusin ang gulo sa business nila kung saan kasama nya ang fiance na si French Gomez. 

Nasa puder naman nila Terrence ang step sister ni Steve na si Samantha at ang totoo sa pagkatao ng sinasabi nilang kakambal daw ni Steve na si Sedrick.


Mahahanap kaya si Clariz ng tunay nyang ina at kapatid na si Tristian Kim?

Abangan sa susunod pang mga kabanata. . .


Clariz POV.

       Dahil hindi ako mapakali kanina pa ako silip ng silip sa pinto ng kwarto ni Steve. Nagpupunas kase ako ng mga display dito sa hallway kung saan malapit sa Kwarto nya. May dumaan na maid at may bitbit syang tray at mukhang mga gamot yun ni steve.

“Uhm.. para saan yan?” kahit alam ko na kung para saan kailangan kong makuha yun sa kanya.

“Kay sir Steve..oras na kase para uminom daw sya ng gamot” sagot nya kaya kunwareng tumango tango ako.

“Ako na maghahatid” sabi ko at inagaw sa kanya yung tray.

“Uhm..” may sasabihin pa sana sya pero nginitian ko lang sya ng pagkalapad.

“Nakita ko sya kanina mukhang wala sya sa mood gusto mo bang masigawan nun? Nakakatakot daw yun kapag galit” pagsisinungaling ko.

“G-Ganun ba? O sige ikaw nalang! Balik nako sa trabaho” parang natataranta nyang sabi at dali daling umalis sa harap ko.

Napatawa naman ako at malapad na napangiti kase gusto ko ulit makita si Steve. Lumapit na ako sa harap ng pinto nya at kumatok ng tatlong beses pero ilang minuto na ang nakalipas hindi parin nya binubuksan ang pinto.

Rage of Death (On going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon