Rage 28. Fortitude

382 20 0
                                    


Fortitude- mental strength and courage that allows someone to face danger.

Sion's POV.

     Tinitigan ko lang si Chan habang nagsasalita tungol sa nangyare sakanya.

“Im sorry ulit kung naglihim ako sa ginawa kong desisyon” sabi nya habang nakayuko.

Pinasingkitan ko sya ng mata pero binawi ko din agad yun at napabuntong hininga.

“Sa susunod magsabi ka ng magiging plano mo kung ayaw mong ipahamak ang sarili mo, nandito kami para tumulong wag kang maging selfish Chan”

Tumango tango ako sa sinabi ni Leslie.

“Tama si Leslie.. kahit kame may kanya kanya ding responsibilidad pero sinasabe namin sa isa't isa para magtulungan.. pasalamat ka nalang at naabutan kapa namin kundi tigok kana”  Pang aasar ko pa sa kanya.

“Yeah.. yeah.. Im sorry ok?” sabi nya habang nakataas ang dalawang kamay na parang susuko.

Napalingon kaming sabay sa pinto ng bigla nalang itong bumukas.

“UH..hi? Nadistorbo ko ba kayo?” sa pagkakatanda ko sya si Henna.

Tumayo na si Leslie kaya nagkatinginan kame. Sabay tingin namin kay Chan na nagtataka sa segway namin.

Hindi nya ba gets na kailangan nilang mag solo?

“Ahm… mabuti pa siguro magpahinga ka muna Chan nandyan Na rin naman si Henna” pang aasar ko at kinindatan sya.

“FUCK! Tumigil ka nga Sion”

Lumabas na agad kameng pinto at nung nadaanan ko si Henna tinapik ko sya sa balikat.

“Goodluck! Take care of our friend”
Tumango tango naman sya at nag thumbs up pa.

Nilagay ko na sa bulsa ng jacket ang kamay ko at nagsimula na kameng maglakad papunta sa kwarto ni Terrence. Pagkabukas ko ng pinto napataas ako ng kilay ng wala kameng terrence na naabutan dito sa loob.

“Terrence?” hanap ni Leslie sa banyo pero wala. Nagkatinginan ulit kame at dali daling lumabas. Tumakbo kame sa may nurse station baka may ginawa lang silang test kay Terrence.

“Ahm.. excuse me” tawag ko sa nurse na nasa station. Nagulat naman sya ng makita ako at kita kong namula ang pisngi nya.

Haist.. ang hirap maging pogi shet..

“Yes sir?”

“About sa patient na nasa room 402 Teruel ang apelyedo.. may nakasched bang test nya ngayon?”

Napaisip sya saglit at may chineck sa parang notebook.

“Ayon dito Sir wala pa naman dahil hindi pa nagigising yung pasyente”

“Shit! He fooled us”

Napakuyom ako ng kamao at nagtanguan kame ni Leslie at sinugod namin ang opisina ni Kristian. Pagkabukas namen ng pinto naabutan namin syang nagbabasa ng kung ano anong test result. Napalingon sya samen ng nagtataka. Hinila ko agad ang kwelyo nya at nilapit ang mukha ko sa mukha nya.

“You! Bakit mo sinabing hindi na magigising si Terrence?”

Tinapik nya lang ang kamAy ko kaya nabitawan ko sya.

“What the hell? I don’t know what are you talking about?”pagmamaangan nya.

Lumapit na din si Leslie sa amin.

“Kristian tell us the truth…”

“Tsk! Ano bang pinagsasabi nyo? Sinasabi ko lang ang nalalaman ko as a doctor” sagot nya at inalis ang salamin nya.

Rage of Death (On going) Where stories live. Discover now