Rage 6. Old School

949 43 3
                                    

Clariz POV.

Shit! Saan ko ba kasi naiwan yun?

Damn it! Yun nalang ang tanging ibedensya ko sa kasal namin ni Steve pero nawala pa urgh!

"Ms Clariz sinearch na po namin lahat ng mansion pero wala po kaming makitang singsing" sabi nung butler ni Cheldon kaya napasabunot nalang ako sa buhok sa inis.

May bigla akong naalala kaya nagmadali akong lumabas pero may humarang sa akin.

"Ms. Clariz bilin po ni young master wag kayong papalabasin"

Napairap ako sa ere at pilit na lumalabas pero itinutulak parin nila ako papasok.

"Aish! May importante akong gagawin alis kayo sa dadaanan ko" seryoso kong sabi sa kanila pero parang wala silang narinig.

Padabog nalang akong bumalik sa kwarto ko at binagsak ang pinto sa sobrang inis.

Sinubukan kong tawagan si Cheldon pero ayaw nyang sagutin tss. Napatihaya nalang ako sa higaan dahil hindi ko na alam anong gagawin ko.

Napabuntong hininga nalang ako ng ilang beses dahil naiinip na ako. Naisipan kong tumayo na at puntahan ang kwarto ni Cheldon.

Napasimangot ako ng nakalock kaya sumandal nalang ako sa pinto. May naalala ako kaya agad akong bumaba at pasekretong pumasok sa storage room.

Pagkapasok ko napatakip agad ako ng ilong dahil medyo masangsang ang amoy. Isinara ko ang pinto at sinindi ang ilaw.

I gasp ng makita ang loob. . Para itong isang mini laboratory. Nakaramdam ako ng hilo kaya napasandal ako sa pader at hinilot hilot ang sintido ko. Parang umiikot ang paligid ko kaya pinilit kong maglakad pero natumba lang ako at napakapit ako sa lamesa.

"Magbabayad kayo sa ginawa nyo saken!"

Kahit nanlalabo ang paningin ko ay nakikita ko ang batang ako na nakaupo sa puting higaan habang may kadena ang paa.

"Ouch" daing ko ng lalong sumakit ang ulo ko.

Pilit kong minumulat yung mata ko para makita ng malinaw pero laking gulat ko ng nasa harapan ko na ang batang ako at nakatingin sa akin ng walang emosyon sa mukha. Ang puti ng balat at ang putla ng bibig. May luhang tumulo sa mata nya kaya hahawakan ko sana pero nagulat ako ng pagkatapos ng luha kasunod nun ay dugo ang tumulo sa bibig nya.

Tuluyan na akong natumba sa sahig at mahigpit na hinawakan ang ulo ko. Sobrang sakit ng ulo ko at parang mabibiyak sa sakit.

"Eugine. . "

Napapigil ako ng paghinga at nandidilat na ang mata ko.

"Clariz!! Clariz!!! Shit! Bakit nyo sya hinayaan na makapasok dito!"

Naririnig ko ang boses ni Cheldon na umeecho sa tenga ko pero tanging dilim lang ang nakikita ko.

"Eugine. . ."

Narinig ko nanaman ang boses na tumatawag sa dati kong pangalan. Pilit kong hinahanap yung tumatawag pero hindi ko sya makita.

Napaatras ako ng may biglang lumitaw sa harap ko at ito ang sarili ko. Nakangiti sya saken at pilit inaabot ang kamay ko.

"Clariz. . "

Tawag nya ulit at bigla nalang nyang hinawakan ang kamay ko.

"Ikaw ay ako. . Ako ay ikaw" sabi ng sariling ako at parang umeecho ang tinig nya sa tenga ko.

Napailing ako at tinakpan ang tenga ko,

"Noooo. . . Tumigil kana!" Sigaw ko at parang nanlambot ang tuhod ko.

Rage of Death (On going) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt