Rage 36. Esoteric

293 18 0
                                    

Esoteric - Only taught to or understood by members of a special group.

Sion's POV.

     Nakapanlumbaba lang ako sa lamesa habang sinusundan ko ng tingin si Terrence na kanina pa pabalik balik ng lakad habang nakasabunot pa sa sarili. Nakunot ang noo nya kaya naman tumikhim na ako dahil ako nahihilo sa kanya eh.

“Eherm! Can you please calm down?!”

Inis kong sabi kaya napahinto naman sya sa paglakad lakad at ako pa ang sinamaan nya ng tingin.

“Akina yung phone mo at ako ang tatawag!” pwersahan kong kinuha sa kamay nya yung phone at dinial ang number ni Mr. Stephen Kang..

Don’t worry yung phone na ginamit ko ay hindi madedetect yung gps. Tsaka automatic iba ang boses ko sa kabilang line.

Nakatingin lang ako kay Terrence habang hinihintay naming may sumagot. Sya naman ay nakatingin sa phone hanggang sa sinagot na ang line.

[Who the hell are you?!]

“Mr. Kang long time? Hindi mo ba kakamustahin ang anak mo?”

Nakangisi kong sabi at ramdam kong nanggigigil na yun sa sobrang galit.

[Pag may nangyaring masama sa anak ko hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sayo kung sino ka man] seryoso nyang sabi pero hindi ako nasindak.

“Madali naman akong kausap Mr. Stephen Kang… ibibigay ko ang anak mo pabalik sayo sa isang kondisyon”

[Damn! Ibibigay ko lahat ng pera na mayroon ako kahit ano pang gusto mo ibibigay ko!! Basta ibalik mo lang saken ang anak ko tarantado!!!] 

Medyo inilayo ko ang phone sa tenga dahil sa sigaw nya. Natatawa namang napapailing si Terrence na nakikinig lang.  Napangiwi ako saglit at nilapit ulit ang phone sa tenga.

“Really? You can give everything I want?! Hmm… then give me your eldest son”

[WHAT!!!? Are you crazy!!?]

“You said you can give everything? Ha! Kung ayaw mong sumunod sa usapan pwes ihanda mo na ang burol para sa bunso mong anakㅡ”

[W-wait! Wag na wag mong sasaktan ang anak ko!]

“Kung ayaw mo syang masaktan ibigay mo saken ang anak mong si Steve kapalit ng anak mong si Samantha!”

Huminga muna ako ng malalim dahil hindi ko kayang umakting sheet! Hanggang modeling lang ang kaya ko pero ang umakting labas na ko don.

“Natahimik ka Mr. Kang?? Hmmm.. bibigyan kita ng 24 hours para magdecide.. before 10 pm tommorow ibibigay ko address na pupuntahan ng anak mo. Kapag wala sya sa ganoong oras hindi ko maipapangakong makikita mo pa ng buhay ang anak mo ” pagkatapos kong sabihin yon ay pinatay ko na ang tawag.

“Pfffttt!! Bagay mo pala maging kidnapper Sion hahaha” pang aasar ni Terrence kaya binato ko sa kanya yung phone na nasalo naman nya tsaka ko binagsak ang sarili sa sofa.

“So paano yan? Paano kung hindi tumupad ang matandang yun sa usapan?” tanong nya at umupo sa kaharap kong sofa habang nagsisindi sya ng sigarilyo at ipinatong ang paa sa lamesa tsaka nagbuga ng apoy. 

Nakatingin lang ako sa kanya ng ilang minuto kaya taka syang lumingon saken.

“Oh? Kung makatingin ka dyan?” Inis nyang sabi habang salubong ang kilay.

Napacross arm naman ako sabay iling.

“Hindi ko alam na marunong kana palang magsigarilyo ngayon?!”

Rage of Death (On going) Where stories live. Discover now