Rage 21. Enigma

667 35 4
                                    

[Note: Clariz pronounce as kle-riz
Clarix pronounce as kla-riks]

Devien POV.

“Magkano”

“150 pesos po” binigay ko na yung pera at kinuha yung cup noodles at inumin na binili ko dito sa convenience store tsaka dumeretso sa may upuan na kaharap ang transparent glass na bintana.

Nagsalin muna ako ng mainit na tubig sa cup noodles ko at bumalik sa pwesto. 

Nakakatawa lang dahil hindi na ako nakakakain ng maayos dahil puro instant foods lang ang kaya kong bilhin. Hindi naman ako pwedeng magpakita kay Kuya Dave baka magalit sya sa ginawa kong pagtakas.  May mga customer ng umupo sa magkabila kong tabi kaya mas ibinaba ko yung hood ng jacket ko at yumuko habang sinisimulang kainin ang noodles. 

      Pagkatapos ay nagmadali na akong lumabas at sinuot na ang surgical mask kong black.  Nilagay ko yung kamay sa bulsa ng jacket habang naglalakad ako sa highway.  Napangiwi ako ng sa bawat madaanan kong poste ay may nakapost na pagmumukha ko. Ou sumuko ako sa mga pulis dahil sa guilt na nagawa ko pero hindi ko kayang manahimik nalang sa kulungan habang hindi pa tumitigil si Ericho sa binabalak nya. 

Nasa eskinita na ako kung saan malapit ang pinagtataguan ko ng may mga humarang sa akin sa daraanan ko.  Nilagpasan ko lang sila pero mas humarang sila sa daan. 

“So ikaw pala ang sinasabi nilang bagong siga dito” sabi nung isang lalaki na nasobrahan sa pula ng mata dahil sa drugs, eto siguro yung leader nila. Tumayo ako ng maayos at bored ko silang tinignan.

“Wala akong alam sa sinasabi nyo” walang gana kong sabi sabay hikab,  inaantok na ako.

“At may gana kapa talagang humikab sa harap namin ha!” sigaw nung isang tauhan nya.

Hayy naku sinasayang lang ng mga ito ang oras ko.  Hindi ko parin inaalis ang kamay ko sa bulsa habang nakaharap sa sampung feeling gangster. Nilabas nila yung mga patalim nila at nakangising tinignan ako na parang wala akong laban sa kanila.  Sumugod yung isa kaya mabilis kong nasipa yung hawak nyang kutsilyo kaya tumilapon yun sa isa nyang kasama.

Boom sapul sa noo…

“Oppss” pang aasar ko kaya sabay sabay na silang sumugod sa akin.

Tumalon ako sa trashbin tsaka sinipa sa ulo yung mga malapit. Pinilipit ko yung braso nung isa at ginawa ko syang pagsangga habang namimilipit sya sa sakit.  May nakita akong tubo malapit sa basurahan kaya mabilis ko iyong hinablot at sinangga sa pag atake. Lima nalang ang natitira at tumba na ang iba. 

“Boss hindi sya basta basta” dinig kong sabi nung isa sa boss nya kaya napasmirk ako. Tinanggal ko na ang surgical mask ko at ibinaba ang hood ng jacket ko. 

“Boss…Boss” nanginginig na sabi nung madaldal nyang tauhan pero nakatayo lang doon ang boss nya habang hindi gumagalaw.

“S-slaughter!!  Yung Slaughter!!” biglang sabi nung boss nya habang nakatitig sa likuran ko.  Napataas naman ako ng kilay kaya sinundan ko ng tingin ang tinitignan nilang Slaughter kuno. 

Sa hindi kalayuan may lalaking naka lightgray ang buhok at nakamask sya ng black at may tatak na Creepy smile.

(Imagine nyo nalang si Kaneki sa tokyo ghoul) 

Naglikha ng ingay ang hawak hawak nyang kadena na may patalim sa magkabilang dulo. 

“T-T-Takbo!!!” para namang mga tuta silang nag unahan sa pagtakbo. Palapit ng palapit dito yung lalaki pero hindi parin ako umaalis sa pwesto ko habang nakasandal sa poste.

Rage of Death (On going) Where stories live. Discover now