Rage 25. Perilous

642 29 7
                                    

Perilous- mean full of Danger

Cheldon POV.

        Tumunog ang phone ko at sinilip yung caller. Napangiwi ako ng si Chairman nanaman ang tumatawag saken.

Urg! Ano bang kailangan nya?

Pinatalsik na nya ako sa pwesto ko wala na akong silbi ngayon sa kanya. In off ko nalang ang phone para walang distorbo sa ginagawa ko.  Pinaandar ko na ang kotse at napatingin ako sa side mirror at nakita ang sarili kong repleksyon. Tinanggal ko na ang maskara ko bilang “X” at dumeretso sa construction site. Bumaba ako ng kotse at pinagmasdan ang lugar. May paparating na pulang ferrari at pumarada din tulad ko. Bumaba ang driver nito at walang emosyon nya akong tinignan.

“What the hell are you doing here” nakataas kilay nyang tanong.

Napabuntong hininga nalang ako at napasandal sa kotse habang nakacross arm.

“Stop this game of you Clarix” walang emosyon kong sabi sa kanya.

Tinignan nya lang ako ng ilang minuto tsaka sya sumakay sa kotse nya ng hindi man lang nagsalita. I sarcastic laugh dahil hindi ko nga pala sya mapipigilan sa gusto nya.
Hindi ko alam kung ano itong laro ang ginagawa nya.  Hindi ko sya mapigilan dahil kahit kailan hindi sya nakikinig saken. Pumasok nalang ulit ako sa kotse at napagdesisyong umuwi. Pero may humarang na dalawang kotse sa akin kaya hindi ako makaalis. Naghanap ako ng pwedeng malusutan pero masyado silang mautak kaya hindi ako makalabas. Bumukas yung dalawang kotse kaya ako nanatili lang sa loob. Lumabas silang dalawa at wala akong makitang emosyon sa mukha nilang dalawa. Kinatok nila ako sa bintana pero hindi ko iyon pinapansin, hindi din naman nila ako makikita dahil tinted ang bintana ko. 

Sino pabang nasa labas?

Ang member lang naman ng 12 saints na sina Sion at Leslie.
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila dito pero mukhang may kinalaman ito sa ginawa ni Clarix. Pumikit muna ako ng mariin bago ko sukatin ang distansya ng dadaanin ko para makatakas sa dalawang ito. Inapakan ko na ang turbo at mabilis na lumipad ang kotse ko at dumaan sa gilid na daan. Napangiti ako ng makalabas ako sa daan at malagpasan ang kotse nilang nakaharang. Nakita kong pumasok na din sila sa kanya kanya nilang kotse kaya lumusot ako sa eskenita at dumaan sa ibaba kung saan ang underground park. Nagulat ako ng makita sila sa likod na mabilis ding nakasunod.

Tss ano bang gusto nila?!

Iniliko ko ang kotse ko at lumabas ulit sa may eskenita hanggang makalabas ako sa highway. Nakita ko ang kotse ni Clarix na nakahinto.
Akala ko ba nakaalis na sya?
Napatingin ulit ako sa side mirror ng makitang malapit na silang makasunod.

“Ano bang binabalak nya?!” sigaw ko kahit hindi nya ako marinig.

Nalagpasan ko na sya dahil sa bilis ng takbo ko. Naabutan na sya nung dalawa kaya mabilis nyang nilabas ang kamay at may hawak syang baril. Huminto muna ako at mabilis na niliko sa tabi.  Pinaputukan nya ang gulong nung dalawa kaya nagpagewang gewang ang kotse nila at bumangga sa may puno ang isa.. yung isa naman sa may side wall. Mukhang hindi naman sila napuruhan dahil nakapagbreak agad sila. Mabilis na umandar ang kotse ni Clarix at nilagpasan ako. Pinaandar ko na din yung akin at sinundan sya.

Xxx

Nauna syang pumasok sa loob ng bahay nya kaya sumunod ako. Naabutan ko syang nagsisindi ng sigarilyo kaya agad ko iyong inagaw sa kanya.

“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ha?! For your information may sakit si Clariz! May cancer sya kaya tigilan mo na ito!”

Hindi nya pinansin ang sinabi ko at nilagpasan lang ako.

Rage of Death (On going) Where stories live. Discover now