Rage 31. Tatto

451 27 4
                                    

Sorry for long no updated guys :(
Wala na kasing free ang globe hehe

Leslie POV.

Naglalakad ako sa hallway ng makita ko si Kristian habang may kausap ding doctor. Napagdesisyon kong lapitan sila kaya napalingon sya saken at nagpaalam na sa kausap.

“Ano nanamang kailangan ninyo?!” nakataas kilay nyang sabi.

“Easy… hindi ako lumapit sayo para makipagtalo ok?”

“Sa office nalang tayo mag usap” Sabi nya at naunang naglakad saken kaya sumunod nalang din ako.

“Kristian sorry sa inasta namen noong nakaraan” panimula ko at umupo sa kaharap nyang sofa.

“Tss…”

I cleared my throat..

“About kay Steve…may plano kabang makipag cooperate samen para mabawi sya sa kamay ni Ericho?”

Napasuklay sya sa buhok gamit ang mga daliri.

“Nakapagdesisyon na akong hindi na muling makikisali sa gulo gaya ng nagdaang taon… you know naman kung anong nangyare dati diba?”

Napasimangot nalang ako sa sagot nya.

“Ang hard mo naman… para namang wala tayong pinagsamahan”

kunyareng nalungkot ako pero langya di man naapektuhan. Alam ko namang muntikan na syang mamatay noong huli naming nakaharap si Ericho.  Tinitigan nya lang ako na parang nanunuod sya ng boring na palabas.

“Fine! Hindi kita pinipilit ah? Sinasabi ko lang kung makakatulong ka pero fine kung yan ang gusto mo” nagkibit balikat nalang ako at tumayo na.  Nasa harap na ako ng pinto ng magsalita sya.

.
“Wait”

Hindi ko sya nilingon hinihintay ko Kung ano ang sasabihin nya.

“I know na nagdisguise si Ericho bilang Ced Santos”

“And?”

Alam naman pala nyang kumikilos si Ericho hindi man lang sya kumilos para pigilan si Ericho sa balak nya tss. Hindi ko alam kung tama bang pinuntahan ko pa sya. Pero nasa puder nya parin kasi ang ate ni Ericho kaya hindi titigil si Ericho hangga't Hindi nya nakukuha ang ate nya. Kaya wala na akong choice kundi ang kausapin parin sya at makipagtulungan samen.

“Ako ng bahala kapag bumalik ulit sya dito sa hospital…. Kung dumating man ang panahong magkaharap ulit kame”

Tumahimik na sya kaya binuksan ko na ang pinto.

“I have to go”

**

“Sion? Buti naisipan mong pumunta dito akala ko pa naman wala kanang balak sagutin tawag ko”

Natawa lang sya sa salubong ko. Pagkapasok ko kasi dito sa room ni Chan nakita ko sya habang prenteng nakaupo sa sofa.

“Easy… dahil nandito narin naman si leslie magsimula na tayo” pagputol ni Chan sa convo namin.

Lumapit ako sa kanilang dalawa. Si Chan nakaupo sa bed nya at kami ni Sion sa couch habang may lamesa sa harapan namin. Nagkatinginan lang kaming tatlo kaya si Chan na ang nagsimula.

“Ok! Ako na muna ang magsisimula…eherm* well sa totoo lang may huling mission si Dad na iniwan saken” may kinuha sya sa notebook at inilabas nya yung papel na pinagdikit dikit ulit gamit ang tape.

“Eto ang letter nya at sinabi nya ang tungkol kay Steve”

“Wait!” pigil ni Sion at may inilabas din syang papel sa bulsa ng jacket.

Rage of Death (On going) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu