Rage 27. Terrence Letter

507 30 5
                                    


Devien POV.

       Napabuntong hininga nalang ako habang naglalakad sa hallway. Kailangan kong mag aral ulit dahil noong nakulong ako hindi pa ako tapos. Balik ulit ako sa pagiging nerd at first day of school ngayon.

“Tignan mo nga naman may wimpy kid na nakapasok dito” may humarang sa Akin na apat na estudyante. Tinignan ko lang sila at nilagpasan.

“At saan ka naman pupunta bata?!”

Urgh! Mukha ba akong bata?

Hinila nila ang bag ko at pinalibutan.
“Saan ang pera mo.. bigay mo samen”
Hindi ako umimik at tinignan ko lang sila ng 'are you kidding me?'

Chineck ko ang relo ko at may 10 minutes pa bago ang start ng klase.

“If you want follow me” malamig kong sabi at nagtawanan sila.

“Oh really?! Anong akala mo samen followers mo?! Mag isip ka nga bata!” napapikit ako ng mariin ng sinapak sapak ako ng gagong ito.

Calm down Devien …

Nag ring na ang bell pero parang wala namang pake itong mga ito na pumasok. Mga feeling siga at feeling high.

Hinila ako nung isang matangkad  papunta sa likurang bahagi nitong school. Nagusot pa Tuloy ang uniform ko.

“Ano bata! Wala ng makakatulong sayo dito bigay mo na kase!” napairap nalang ako at mukhang wala na akong choice…….

………Kundi ang patahimikin ang mga ito. Tinanggal ko muna ang salamin ko at tinabi.

“Aba matapang ah?” sabi nung isa at sinapak ulit ako pero sa pangalawang beses sinalo ko ang kamay nya.

Nagulat naman sya sa ginawa ko. Kinuha ko sa bag ang Dagger na nakuha ko sa Slaughter at sinaksak sya sa mukha. Napasigaw naman sya sa saket kaya umatras ang tatlo.

“Halimaw ka!” naduwag na sabi nung isa.

Napairap nalang ako at nag smirk sa kanila. Pinatong ko sa balikat ang dagger at unti unting lumapit sa kanila.

“Sa tingin nyo ba makakatakas pa kayo? Kung sana naging mabait kayo sa pag welcome sa Akin edi sana naging mabait din ako sa inyo” nakangisi kong sabi.

Kinabit ko sa wrist ko ang kadena na nakakabit sa dagger. Kapag initsa ko ito sa malayo babalik lang saken kapag hinila ko.
.

“Ang tatakbo mamamatay ang hindi tatakbo mamamatay mamili na kayo”

“I-ikaw yung slaughter na sinasabi nila!”

Slaughter? Pfftt…

Bigla nalang tumakbo yung leader leaderan na ang lakas ng loob sapak sapakin ako. Initsa ko sa kanya yung dagger at tumama iyon sa likod ng ulo nya. Hinila ko pabalik ang dagger at pinaikot iyon Kaya naputol ang ulo nung dalawa. Pinagpag ko muna ang kamay ko at pinahid sa uniform nilang puti ang dugo na kumapit sa dagger.

Bumalik ako sa sulok kung nasaan ang nerdy shade ko at sinuot iyon. Inayos ko din ang nagusot kong uniform at sinabit na ang bagpack sa likod ko at naglakad na parang walang nangyare.

(Para sa mga nakaalala sa School of Psycho yung time na may namatay na studyante tapos nakita sya ni Chan sa crowd habang nakatingin din sa kanya.. si Devien po ang killer sa school noon dahil hawak sya ni Ericho noon katulad ni Dave. Parang pinaglaruan sila)


Chan Hanzel POV.

“Wala kana bang ibang sasabihin bago ka mamaalam?” nakangising sabi ni ericho habang nakatutok parin ang baril nya saken.

Rage of Death (On going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon