Rage 7. Cheldon Lee

875 42 9
                                    


"Revenge is my only privilege"

Cheldon POV.

"Doc! Doctor Lee Wait!" napahinto ako sa paglakad at nilingon yung tumawag. 

"T-thanks po dahil success ang operation ni mama, thank you po talaga" nginitian ko lang ang babaeng. . Hmm. . Siguro 16 palang sya.

Tinap ko nalang ang ulo nya kaya napaangat sya ng tingin at nginitian ko.

"Don't worry trabaho namin ang magligtas ng mga pasyente" sabi ko kaya tumango tango sya.

"Doctor Lee. . Pinapatawag ka ng chairman" sabi ni Nurse Jane

Huh? Bakit kaya ako pinapatawag?

"I need to go. . Just take care of your mother okey?"

Habilin ko kaya ngumiti naman sya at tumakbo na papunta sa room ng mama nya.

Pagkabukas ko ng pinto nasilip kong may kausap si Chairman na lalaki at mukhang hindi ko pa yun nakikita dito sa hospital.

Kumatok muna ako at niyaya na akong pumasok.

"Oh? Doctor Lee. . I'm glad youre here" bati ni chairman kaya umupo ako sa kaharap nyang table.

"Here is Mr. Kang the one who sponsored this Hospital" sabi ni chairman kaya tinignan ko naman yung kausap nya kanina. May katandaan na din ang itsura pero mukhang hindi sya basta basta.

"Hmm... What is the reason why you called me here chairman?" tanong ko kay chairman sabay tingin doon sa lalaki.

"Let me introduce you first. . Mr Kang this is Doc. Cheldon Lee and Doc. Lee this is Mr. Stephen Kang" pakilala ni chairman sa amin kaya napatitig ako sa lalaking kaharap ko.

Hindi sya marunong ngumiti base sa nakikita.

"Ok. . I will answer your question Dr. Lee . . Ikaw ang pinakamagaling na Doctor dito sa Hospital nato kaya ikaw ang napili kong ipakilala kay Mr. Kang. . Sya na ang bahala magpaliwanag sayo kung bakit kailangan nya ng magaling na Doctor" paliwanag ni Chairman kaya tumango nalang ako at nakipagkamay kay Mr. Kang.

"Dr. Cheldon Lee . . Nakita ko ang performance mo kanina lang at napatunayan kong magaling ka and with that kukunin kita bilang personal Doctor for my son who is in coma over 1 year"

Napakunot naman ako ng noo. .

"Where is your son? Bakit hindi nyo nalang sya dito sa hospital dalhin para mas mabantayan ang kalagayan nya?"

Depensa ko pero umiling si chairman.

"I'm sorry Dr. Lee but this is for personal issues kaya hindi pwede. . Kaya nga kailangan ka nya para matignan mo ang kalagayan ng anak ni Mr. Kang"

Medyo naiinis na si Chairman pero ayoko, tumayo na ako at naglakad palabas pero napahinto ako ng marinig ko ang sinabi ni Mr. Kang.

"I know your secrets Dr. Cheldon Lee"

Napakuyom ako ng kamao dahil sinusubukan nito ang pasensya ko.

Rage of Death (On going) Onde histórias criam vida. Descubra agora