R65: Dismayado

55 10 0
                                    

The next, next, next day...

Napalingon ako nang tawagin ako ni Jodie. Ngumiti ako sa kanya. "Sabay na tayong bumaba," aniya. Tumango na lang ako habang naglalakad. "Zea, alam mo na ba?"

Napalingon ako sa kanya. "Alam ang ano?"

"Hindi mo pa ba nababasa ang bagong campus newspaper? Nasa front-page headline na kasi ang disbandment ng Mirage. Ang dami ngang nagulat at nag-iyakang estudyante. Maging ako, hindi makapaniwalang disbanded na sila."

Napanganga ako sa pagkabigla sa mga sinabi ni Jodie sa akin. Kahit na alam kong pwede talagang mabuwag ang Mirage, hindi ko pa rin maiwasang hindi magulat. Ilang araw pa lang ang nakalipas nung pag-awayan 'yon nina Jam at Eren, bakit sobrang aga naman? Paano na ngayon ang umaasa at naniniwalang mga estudyante sa Mirage Band? Si Eren, paano na ang pangarap niya?

"Nakakalungkot naman. Crush na crush ko pa naman si Carl. Ano kayang dahilan at binuwag nila ang banda?"

Tumingin ako kay Jodie. "Pasensya na, Jodie, may pupuntahan kasi ako ngayon."

Pagkasabi ko nun ay tumakbo na agad ako, hindi ko na nga inantay pang sumagot si Jodie. Bigla na lang akong kumilos, pero hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. Nagmamadali akong bumaba sa hagdanan. Nang makarating sa ibaba, hinanap ko si Eren sa paligid, pero hindi ko siya makita.

Tumakbo ako papunta dun sa may puno na madalas din niyang tinatambayan, pero wala siya dun. Tumakbo ulit ako at hindi ko na alam kung saan siya hahanapin. Anong dahilan at binuwag nila ang banda nang ganun lang?

Sa pagtakbo ko ulit, natigilan ako nang may humawak sa braso ko. Agad ko siyang nilingon, puno ng pagtataka ang itsura niya habang nakatingin sa akin. "Zea, bakit ka tumatakbo?"

Hinihingal akong tumingin sa kanya. "Andrew, totoo bang disbanded na ang Mirage?"

Natigilan si Andrew at malungkot na tumingin sa mga mata ko. "Oo."

Nanlumo ako sa aking narinig. "Bakit?"

"'Yon ang gusto ng banda, ni Eren, at hindi ko siya mapipigilan sa gusto niya."

"Anong gusto ni Eren? Hindi 'yon ang gusto niya... Sinabi niya sa’kin na gusto niyang makilala ang Mirage Band, kaya bakit bubuwagin niya ang pangarap niya? Isa pa, mama mo ang nagbigay ng pangalan ng bandang ‘yon. Hahayaan mo na lang bang maging alaala na lang 'yon?!"

Natigilan si Andrew sa sinabi ko. Hinatak ko ang braso ko na ikinabigla ni Andrew. "Hahanapin ko si Eren.”

Aalis na sana ako nang magsalita siya dahilan kung bakit ako napahinto. "Anong magagawa mo, Zea? Kung sakali nga na makita mo siya, mababago mo ba ang isip niya? May magbabago ba?"

Seryoso kong nilingon si Andrew, pero malungkot na itsura niya lang ang nakita ko. Nakaramdam ako ng konsensya, pero ayoko namang walang gawin sa mga sandaling ito. Kailangan ako ni Eren.

"Andrew, wala ka bang pakialam sa kaibigan mo? Hahayaan mo na lang bang bitawan niya ang pangarap niya?!"

Nag-iba ang itsura ni Andrew sa mga sinabi ko. "Sa tingin mo ba... ganun ako kasama para sabihin mong wala akong pakialam sa kaibigan ko? Sige, hanapin mo siya at itanong mo kung bakit nagdesisyon siyang buwagin ang Mirage," dismayadong saad ni Andrew at pagkatapos ay tinalikuran niya na ‘ko.

Natulala ako sa sinabi ni Andrew at sa ginawa ko. Pakiramdam ko, ang sama-sama ko sa inasta ko sa kanya. Sunod ko na lang nakita, nakalayo na siya sa’kin.

Gusto ko siyang habulin pero hindi ko na magawang maihakbang ang mga paa ko papunta sa kanya. Saka ko lang naisip ang mga sinabi ko kay Andrew. Ako ata ang hindi nakakaunawa sa mga nangyayari. Bago ko nakilala si Eren, matagal na nga pala silang makaibigan ni Andrew.

Napapikit na lang ako.

NATAPOS ang maghapon ko na lutang ang aking isip. Nalulungkot ako dahil wala man lang paramdam sa’kin si Andrew. Marahil, nasaktan ko talaga siya sa mga sinabi ko. Bakit kasi hindi ako nag-iisip bago magsalita?

Napatingala ako sa langit nang may pumatak na tubig sa braso ko. Kinuha ko ang payong sa aking bag bago pa bumuhos ang malakas na ulan. Biglang pumasok sa isip ko si Andrew, iniisip ko kung may dala ba siyang payong... Napabuga na lang ako ng hangin at nagpatuloy na sa paglalakad.

Natigilan ako nang makita ko si Eren na nakasandal sa pader ng isang restaurant na sarado.  Pinapagpagan niya ang suot na itim na jacket. Basa rin ang kanyang buhok, mukhang dito na siya naabutan ng ulan sa lugar na ito.

Huminga muna ako bago dahan-dahang naglakad palapit sa kanya. Nabigla pa nga siya nang makita niya ‘ko sa harapan niya. Pinilit niyang ngumiti kahit bakas naman sa mukha niya ang lungkot. Sinara ko ang payong at pumwesto sa gilid para sumilong.

"Zea."

"Anong nangyari? Bakit bihira kitang makita ngayon sa campus?"

"May inaasikaso kasi ako."

"Eren, bakit–" Huminto ako at alangan pa sa aking itatanong.

"Bakit hindi ka pa umuwi, Zea? Samantalahin mo ang mahinang patak ng ulan bago pa ito lumakas."

"Eren," sambit ko kasunod nang pagyakap ko sa kanya. Hindi siya nagsalita. Alam kong sobra siyang nalulungkot sa nangyari. Niyakap ko siya para pagaanin ang loob niya. Nang aalis na ako sa yakap, siya naman ang yumakap nang mahigpit sa akin.

Nabitawan ko ang payong na hawak ko dahil sa mainit niyang pagyakap. "Kahit sandali lang," bulong niya. Hinayaan ko siyang yakapin ako. Oras ko na siguro para bumawi sa kanya. Kahit ngayon lang ay matulungan ko siya. Sa tuwing nalulungkot ako nun, dumarating din siya para pagaanin ang loob ko. Kaya sa pagkakataon na 'to, ako naman ang magpapagaan ng loob niya.

Naramdaman ko ang pagluwag ng yakap niya at pag-alis ng mga kamay niyang nakapulupot sa’kin. Seryoso niya akong tinitigan at nagulat na lang ako nang dahan-dahan niyang ilapit sa akin ang mukha niya. Para akong natuod at hindi ko siya maitulak, kaya naman mariin ko na lang naipikit ang aking mga mata, pero si Andrew agad ang nag-popped up sa isip ko. Bago pa man magdikit ang mga labi namin ay naiiwas ko na agad ang mukha ko kay Eren.

Naramdaman ko ang paghawak ni Eren sa ulo ko kasabay ng pagsandal niya sa pader. Nilingon ko siya. "Salamat," aniya. "Gumaan ang loob ko."

Lumunok ako bago nagsalita. "E-Eren, bakit? Bakit n'yo binuwag ang Mirage Band?" Inilihis ni Eren ang tingin niya sa akin. Tumahimik siya at mukhang wala siyang balak na sagutin ang tanong ko. "Eren!"

"Alam mo, Zea, ang babaeng 'yon, kamukha mo talaga siya."

Natigilan ako sa sinabi niya. Iba ang sinagot niya sa tanong ko.

"Sino? Si Shiena ba?"

Napalingon sa'kin si Eren. “Alam mo na?" tanong niya at tumango lang ako. "Siguro, iniisip mo na nakikita ko siya sa’yo dahil magkamukha kayo." Umiling si Eren. "Para sa akin, Zea... iba ka at iba si Shiena."

"Mahal mo pa rin ba siya?"

"Ano bang magagawa ng pagmamahal?"

"Marami, Eren, maraming magagawa ang pagmamahal."

Tumingin sa akin si Eren at natawa kahit halata pa rin sa mga mata niya ang lungkot. “Hindi lahat ng bagay ay masosolusyunan ng pagmamahal. May mga bagay rin tayong gusto na kailangang bitawan para maging masaya ang ibang tao."

To be Continued…

RestartWhere stories live. Discover now