R3: Token

64 11 1
                                    


Nahinto ako sa pag-iisip nang makarinig ng sunod-sunod na pagkatok. Hinatak ko ang earphone na nakapatong sa side table, at sinuot 'yon saka nagpatugtog nang malakas.

Nang magsawa ay sinundan niya ng pagpihit sa knob at pagtulak sa pinto. "Anak..." Naramdaman ko ang paglapit niya sa gilid ng kama ko, pati na rin ang pag-upo niya rito. "Nandito ka lang pala. Bakit hindi ka sumasagot? Kanina ko pa kinakatok ang pinto ng kwarto mo."

Nagsalubong ang mga kilay ko. Hindi ba halata? May bago ba sa araw-araw kong pakikitungo sa kanya? Natural, hindi ako sasagot dahil ayaw ko siyang kausap. Sa kabila ng naghuhuramentado kong isip, nanatili akong walang imik.

"Zea... Alam kong naririnig mo ako. Kausapin mo naman ako."

Inalis ko ang suot na earpiece. Tamad ko siyang tinanong, "May kailangan ka ba?"

"Gusto mo bang mag-shopping? Mag–"

"Maybe, next time," pagputol ko. "Marami pa akong research projects na dapat tapusin."

"Ah." Sinulyapan ko siya, subalit binigyan niya lang ako ng malamyang tingin. "I apologize for bothering you. But may I ask? Kailan ba 'yung next time?"

"I don't have time," simple kong tugon. Almost 2 years ko ng idinadahilan iyong next time na 'yon, kaya bakit hindi pa rin siya masanay-sanay? Ako kasi, sanay nang gano'n ang sagot. Yeah, I know. I have a bad attitude, but this is me, and I won't change it for them. "I'm on a tight schedule."

"No, I understand. Nakakapanghinayang lang na hindi ka namin makakasama. Matagal na rin kasi ang huli nating bonding bago pa nung maghi–"

"Tapos na ‘yon, mom," apela ko. "Huwag na nating pag-usapan."

Natigilan siya't nahihiyang tumingin sa akin. Kaysa pagtalunan ulit namin ang usaping 'yon, pinili ko na lang na umiwas. "I'm sorry, but I have to sleep now. Marami pa po akong kailangang gawin bukas nang umaga."

Bumuntong-hininga siya't malungkot na tumango. "Sige, basta kapag may free time ka sabihan mo lang ako."

Mukhang may gusto pa siyang sabihin dahil hindi pa rin siya umaalis. At hindi ako nagkamali.

"Zea... Naiintindihan kita sa pinagdadaanan mo."

Tinapik pa nito nang mahina ang balikat ko na gusto ko sanang tabigin. It's just that, she would never understand what I've been going through. Hindi kailanman. "H'wag mo sanang kalimutan na nandito lang ako," dagdag pa niya. "Palagi. Handang makinig sa'yo."

Nagtungo na siya sa pinto, at saglit pa akong sinulyapan bago lumabas nang tuluyan.

KINABUKASAN, nakatanaw lamang ako sa langit, nakapangalumbaba, walang pakialam sa ingay ng paligid. Dahil sa pagsagi sa isip ko nung ginawa kong pagtrato kay mama kagabi, napabuga ako ng hangin.

Nagusot ang mukha ko nang may magdikit ng sticky note sa'king noo. Inis ko iyong tinanggal, at pinakatitigan. May naka-drawing ditong smiley face. Nilamukos ko ito't ibinato sa mukha ni Andrew.

"How rude of you! Hindi magandang gawain 'yan, Zea," panenermon niya. "Hindi tama."

"So, anong tamang gawin?" pagtataray ko. "Ang mambwisit ng kaklase?"

"Ang sungit mo na naman. Ano bang pinaglalaban mo?"

"Pakialam mo ba?!" paglaban ko, hindi na napigilang magtaas ng boses. "Pwede ba, lubayan mo ako kahit minsan lang? Araw-araw ba talaga, kailangan mo akong badtripin?"

"Baka naman kaya lagi kang badtrip kasi..." Lalong lumawak ang ngiti sa labi niya, tila may nabuo na namang pantasya sa kanyang utak. "...may special feelings ka na para sa'kin? Aminin!"

Tumayo ako mula sa pagkakaupo na ikinaatras naman ni Andrew. Masama ko siyang tinitigan bago lumabas ng room.

"Where are you going?"

"Sa lugar kung saan 'di ko makikita 'yang pangit mong mukha. Naba-badtrip ako."

Tumawa siya sa sinabi ko. "Hoy Zea, hindi mo ba alam na ang mukhang 'to ang nagpapatunay sa salitang gwapo?!" sigaw niya, pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. "Para sabihin ko sa'yo, maraming nababaliw sa kagwapuhan ko!"

Iyong feeling na sobra ang inis mo dun sa tao, pero wala ka namang magawa sa kakulitan niya at pang-aasar. Itong pagkainis ko kay Andrew, simula pa 'to noong mga bata kami. Tumindi lang ngayon dahil labis-labis na ang pangungulit niya.

Paglabas ko ng pinto napahinto ako, muntik ko na namang mabangga si Eren. Buti na lang at nakaiwas agad ako. Nagtama ang mga mata naming dalawa, at nakita ko na naman ang mukha niyang parang nilamukos ng sampung tao.

Sandali lang niya akong tinignan, at pagkatapos ay umalis na rin. Akala ko nga ay magbabangayan ulit kami. Ayoko na ngang mainis eh. Inis na nga ako kay Andrew, dadagdag pa siya.

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad at dumiretso sa harapan ng vending machine. Naghulog ako ng barya't kinuha ang soft drinks in can.

Habang umiinom, napansin ko ang baryang gumugulong sa sahig. Huminto 'to sa'king paahan. Ilang sandali ko 'yong tinitigan bago ko naisip pulutin.

"Token ko!" habol ng kung sino man, kaso sa pag-angat ko ng mukha, sabay kaming napasigaw dahil sa sakit.

Napaupo ako sa sahig kasabay ng pagkatapon ng hawak ko. Tinitigan ko siya nang masama, hawak-hawak ko ang aking noo.

"Akin 'tong token," sambit ni Andrew, akala mo aangkinin ko iyong pag-aari niya.

"Ano ba 'yang ulo mo bakal?!"

"Bakit? Nasaktan din naman ako, mukha ngang may bukol na eh," aniya, may paiyak-iyak pa, wala namang luha.

Tumayo ako, balak ko ng bumalik sa room, ngunit mabilis kong naramdaman ang paghawak ni Andrew sa kamay ko. "Zea, teka."

"Ano ba? Ang kulit mo!" Hinatak ko ang kamay ko't napabitiw naman ang abnormal.

"Sige na nga, sa'yo na 'tong token ko." Inilahad ni Andrew sa harap ko ang palad niyang may nakapatong na token, at saka ngumiti nang matamis.

Inis kong tinapik ang kamay niya. "Bakit mo ba ako ginugulo?" Halata ang pagkabigla sa mukha niya nang mahulog ang barya sa sahig at gumulong sa kung saan. Bakit niya ba 'ko ginugulo? "Hindi ka ba masaya sa buhay mo? Masaya ka bang iniinis ako?! Kung sa tingin mo lahat ng biro mo nakakatuwa, mali ka! Naaasar na ako sa'yo! Mawala ka na lang kaya sa paningin ko!"

Natahimik siya't ang mga mata'y nanatiling nakatitig sa sahig... "Sayang kasi ang pagkakataon, Zea." Biglang lumambot ang puso ko nang marinig ang malungkot niyang tinig. "Hayaan mo na. Next time na lang siguro."

Nilagpasan niya ako at hinanap ang token na nahulog sa sahig. Diyan na ako napabuntung-hininga. Naaawa ko siyang nilingon habang pilit na kinukuha ang token na pumasok sa ilalim ng vending machine.

Masama ba ako dahil sa ginawa ko? Alam kong masama ako, pero dapat ba, makaramdam ako ng konsensya? Siya naman kasi ang nangungulit eh. Bakit ako ang dapat na magpasensya at makonsensya?

Tumayo siya na hindi ako nililingon, pagkatapos ay umalis nang walang sinasabi. Bumagsak ang balikat ko habang pinapanood siyang maglakad papalayo. Bakit pakiramdam ko, nasaktan ko siya nang sobra dahil lang sa isang token?

Tsk! Ang sensitive!

To be Continued...

RestartWhere stories live. Discover now