R55: Other Side of Andrew

7 2 0
                                    

Kasusubo ko pa lang ng fried chicken nang magsalita si Andrew.

"Ang sarap ng ganito,” aniya, nakangiti. “Sana, hindi na matapos."

"Mas masarap kung may music tayo."

"Good idea!" saad niya at inilabas ang cellphone.

Agad ko siyang pinigilan na ipinagtaka niya. "Bakit?"

"Andrew, pwedeng mag-request?"

"Ano?"

"Pwede bang ikaw na lang ang kumanta?"

Sandali siyang natigilan… "Gusto mo bang magkalindol? Music na lang, mas maganda pa!"

Binitawan ko ang pinapapak kong pakpak ng manok at tinignan siya nang diretso sa mata. Nagbuhos ako ng kaunting tubig gamit ang mineral water. "Minsan ko ng narinig ang boses mo.”

Pinunasan ko ng tissue ang aking kamay. “Napakaganda, kaya bakit tinatago mo? Bakit hindi mo hinahayaang marinig iyon ng ibang tao? Alam mo ba, simula ng marinig ko ang boses mo, hindi ko na iyon makalimutan. Muntik na nga akong maiyak nung kantahin mo ‘yung Heaven Knows."

Ngumiti sa'kin si Andrew. “Dahil 'yan ang hiling mo, tutuparin ko 'yan."

"Talaga?!” Napapalakpak ako sa tuwa! Nakakapagtaka, akala ko mahihirapan pa ako bago ko siya mapakanta, pero tignan mo nga naman at kakanta talaga siya.

"Gusto mo bang Heaven Knows uli ang kantahin ko?"

Umiling ako. "H'wag, malungkot e. 'Yung masayang kanta na lang."

Nag-isip sandali si Andrew. Nang ngumiti siya sa akin, naisip ko na baka meron na siyang naisip. "Smile in Your Heart by Harana."

Habang kumakanta si Andrew, pakiramdam ko dinadala ako ng kanta niya sa nakaraan. Nakikita ko ang mga alaalang masaya ako, mga alaalang kasama siya at kaaway siya... Napangiti ako habang nakatitig sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang malakas na pagkabog ng aking dibdib, habang hinahaplos ng malamig na hangin ang aking balat.

Bakit ba ganito ang dating ng boses ni Andrew, kakaiba? Pumikit na lang ako upang mas madama ko ang inaawit niya. Thank you, Andrew… Kumurba ang aking labi. Thank you for choosing me not only when you’re happy, but also when you’re sad and lost. Put some tone, right lyrics, or even inspirational stanzas to my cruel world just like what you’re doing right now.

I swayed my head as his voice run through my ear canal, striking every corner of my heart… Let’s restart everything… with love and hope for it’s the magic behind every new beginning.

"Zea," tawag sa'kin ni Andrew. Napansin kong tapos na pala siyang kumanta. "Ang totoo…” Sinakop ng lungkot ang mga mata niya. “Hindi talaga ako kumakanta, Zea. Tumigil ako since my mom died."

Magaspang kong nilunok ang hanging naipon sa’king lalamunan. Sa kagustuhan kong malaman ang dahilan niya, naungkat pa ang patungkol kay Tita Hanna, sa nanay niya. "Sorry, pinilit pa naman kitang kumanta. Sana inaway mo na lang ako kaysa kumanta ka pa. I'm sorry, Andrew. Hindi ko intensyon na masaktan ka."

"Yeah, I did stop, but I love singing, Zea. Ito na lang ang magandang bagay at alaalang meron ako sa mama ko… May iba't ibang hatid na saya at lungkot sa buhay ko ang pagkanta. Ang pinakapangit at pinakamasakit na naramdaman ko ay noong mamatay si mama nang wala ako sa tabi niya. I was in a singing contest at that time… I got angry as I was battling alone. Naghintay ako sa pangako niya, pero hindi siya nagpakita, hindi siya dumating. Pakiramdam ko nun, iniwan niya ako sa ere at ibang tao ang sinuportahan niya."

Suminghap siya. "Alam mo ‘yung pakiramdam na kumakanta ka habang umiiyak kasi kahit isa... walang dumating para suportahan ka sa career na gusto mo? Pero ipinangako ko sa sarili kong mananalo ako kahit wala ang suporta nilang lahat. Mananalo ako kahit wala si mama."

Nagsisimula ng mapuno ng luha ang mga mata ni Andrew, pero pinigilan niya pa ring mahulog ang mga ito. "Galit ako no’n. Pinangako kong ipapakita ko sa lahat na ‘di ko sila kailangan... Kumakanta ako habang napupuno ng galit at inggit ang isip ko. Gusto kong magalit kay Eren, kasi siya palagi ang magaling sa paningin ni mama. Sabi ko sa sarili ko... kahit hindi niya ako suportahan at kahit si Eren lang lagi ang sinusuportahan niya sa lahat ng bagay, magagawa kong manalo…”

“At ayon nga, nanalo ako, dala-dala ko ang trophy ko para ipagmalaki sa kanilang lahat, pero pagkauwi ko ng bahay... sinalubong ako ni daddy at niyakap nang sobrang higpit. Hindi ko pa alam nun kung bakit humahagulgol nang ganun si dad.” Hindi na napigilan ni Andrew ang pagkahulog ng mga luha niya. “Hindi niya pala masabi sa'king wala na si mama..."

Kahit ako ay umiiyak na rin, damang-dama ko ang pinagdaraanan niyang sakit.

"Hanggang ngayon, nasa puso ko pa rin ang pagsisisi. Sana 'yung mga sandaling oras na ginugol ko sa contest, ibinigay ko na lang kay mama para makasama siya."

Lumapit ako kay Andrew at niyakap siya nang mahigpit. Walang sinabi ang sakit na nararamdaman ko sa pinagdaanan niya. Halos mabasa na ng luha niya ang damit ko na parang ang tagal niyang itinago ang sakit na iyon at ngayon niya lang nailabas. "Kung hindi ko pinilit na sumali sa contest na 'yon, sana hindi ako nagsisisi ngayon, sana nagawa ko siyang makausap bago siya mawala. Alam mo, naiinggit ako kay Eren kasi hanggang sa huli, siya pa rin ang kasama ni mama nung mga sandaling dapat ako iyong nandun, ako!”

“Akala ko kasi nung lumabas siya sa ospital... okay na siya. Malakas naman na kasi siya at masaya, pero nagkamali ako. Ngayon ko lang naintindihan lahat nung magkaisip ako, naintindihan ko ang mga bagay na hindi ko maunawaan nung bata ako. Dumating ako sa punto na kahit sa sarili ko ay nagalit ako, pero ano pang magagawa nun? Wala, kasi wala na si mama. Hindi ko na siya makakausap, hindi na ako makakahingi ng tawad sa kanya...”

“Now I realized that she loved me so much. My daddy told me the truth, my mommy supported me in so many ways, pero nagpabulag ako sa inggit. Wala akong alam na naniwala pala siya sa kakayahan ko, na magaling ako. Alam niyang matatag ako at hindi basta-bastang matitibag. Kaya pala lagi niya ‘kong tinatawag na Macho Baby Ace… Miss ko na ‘yung pagtawag niya sa'kin ng ganun… Zea, I miss my mom. I want to hug her, I want to kiss her... Gusto kong sabihin sa kanya na mom, happy birthday! Mom, Happy Mother’s Day! Mom, I love you so much! Mommy, mahal na mahal kita, pero paano ko pa magagawa 'yon? She's gone! Naiinis ako sa sarili ko. Napaka-swerte ko pala dahil siya ang naging mommy ko. Walang makakapantay sa kanya, Zea. Wala…"

Humigpit ang yakap niya sa akin habang ako’y iyak na rin nang iyak. Wala akong magawa kundi ang pakinggan lang siya. "Mama, sorry kung naging pasaway ako at makulit… Sorry po kasi wala akong ibang binigay sa'yo kung ‘di sakit ng ulo. Mama, I’m really sorry, at sana sa susunod na buhay natin, ikaw ulit ang maging mama ko."

Napahagulgol ako sa mga binitawang salita ni Andrew.

Nahihirapan na siyang magsalita dahil sa pag-iyak pero alam kong naisigaw niya ng lahat ng gusto niyang sabihin sa mama niya. Alam ko, kung nasaan man ang mama ni Andrew ngayon, nadinig niya ang mga sinabi ng anak niya, nadadama niya ang pagmamahal ni Andrew para sa kanya.

To be Continued...

RestartWo Geschichten leben. Entdecke jetzt