R16: Unexpected Voice

68 13 7
                                    


Gumuhit ang ngiti sa labi ko; naalala ko na kung sino iyong lalaking naka-formal attire. Tatay siya nung batang bumangga sa'kin. Hindi naman nasayang ang pagngiti ko dahil batay sa hilatsa ng mukha niya, natatandaan niya rin ako, a bit uncertain tho. "Zea?” he recalled, smiling. I slightly waved my hand. “O-order ka ba?”

Agad niyang sinenyasan ang babaeng kausap niya kanina. "Ah, ang totoo po,” singit ko, kabado at nahihiya. “Nakita ko kasing may nakapaskil na hiring sa labas… Magtatanong po sana ako kung hiring pa?"

"Ah!" tugon niya, nakangiti. "Sakto, kailangan namin ng dalawang empleyado."

"Ibig pong sabihin kayo po ang may-ari nito?!" gulat kong sambit. Tumango siya. "Nakakabigla! Kaya lang, estudyante pa lang po ako."

"Well, mapag-uusapan naman iyan kung willing ka pa ring magtrabaho dito."

His response made me smile.

Matapos ang ilang saglit ay inanyayahan ako nitong pumasok sa office niya para doon na pag-usapan ang pag-aapply ko.

Wala naman siyang masyadong itinanong sa’kin. More on personal info. The rest ay puro biruan na lang...

Halatang masayahing tao ang papa ni Kyle. Hindi rin mahirap kausap; naiintindihan daw niya ang class schedule ko dahil, sabi niya, may anak siyang lalaki na kasing edadan ko. Ang kailangan ko lang daw gawin ay magpasa ng resume bukas, saka ilang requirements na meroon ako, then ‘yung iba, to follow. Need daw kasi ng kumpletong dokumento ng aplikasyon.

Wala namang problema sa'kin ‘yon. Ang mahalaga ay may trabaho na ‘ko.

"You can start tomorrow. Just give me your class schedule so I could fix your working hours. You're a part-timer and a student at the same time, kaya bibigyan kita ng pagkakataong makapag-aral. Basta sabihan mo lang ako kapag hindi ka makakapasok o may biglaang events or happenings.”

Tumango lang ako, hudyat para muli siyang magsalita. "Wala ka bang gustong itanong?”

"Ah, name mo po, sir… or sir po ba ang itatawag ko o boss?"

"Just call me Sir Renjie."

"Okay po, Sir Renjie."

"Ano pa ba? Hmm. We have three rules that you also have to follow: be respectful, be honest, and enjoy... at kung may mangyari mang gulo sa loob ng shop, just tell me, ako na ang bahalang umayos."

Napaawang ang bibig ko sa kabaitan niyang taglay. I think, he’s a good boss.

"Thank you, sir, for the chance,” pasasalamat ko. “Also, for trusting me kahit wala pa po akong experience."

Natawa siya. "No problem. Hindi ko hinahanapan ng working experience ang isang aplikante na wala pang karanasang magtrabaho. Lahat ay welcome dito sa UDream Coffee Shop, basta ba willing na matuto at may pagpapahalaga sa trabaho. For me, novices need to be hired first para magkaroon ng experience, Tama? By the way… good luck tomorrow, Ms. Zea."

Napapangiti ako paglabas ng coffee shop. Nilanghap ko ang simoy ng malamig na hangin. Simula bukas, may trabaho na ako. Ngayon na lang yata nangyari uli ang swerte ko.

KINABUKASAN, nahinto ako sa paglalakad patungong laboratory nang may marinig akong tinig. Mahina lang ito. Intrigued, I traced the direction of his voice. He’s singing Heaven Knows by Rick Price.

Nang maabot ko ang pangalawang kwarto mula sa dulo, bigla na lamang huminto ang kanta. Sumilip ako sa nakaawang na pinto. Natigilan ako nang muli niyang sinimulan ang pagkanta.

Ang ganda ng boses niya!

Bakit ganun? Tumatagos sa kaibuturan ng puso ko iyong kanta niya. Magkatulad sila ni Eren na umaawit, pero iba ang kay Andrew, may kakaiba sa paraan ng pagkanta niya.

Napahawak ako sa aking dibdib... parang ang sakit ng kada-notang iniiwan nya sa hangin. Parang ayokong maniwala na si Andrew ang naririnig kong kumakanta roon. Iyong pag-iisa niya, saka boses na sumisiksik sa bawat sulok ng kwartong matahimik, walang ibang nakakarinig at nakakakita no’n kung hindi ako lamang.

"Zea." Nagulat ako nang may humawak sa balikat ko, pero hindi naman ako napatili.

Agad kong nilingon ang lalaking nakatayo sa likuran ko. It’s Eren. Napatingin din ako sa guitar bag na nakasabit sa kanyang kaliwang balikat.

Mabilis niyang nilagay ang pointing finger niya sa kanyang labi. “Ssh...” Napangiti siya at sinilip si Andrew na inulit-ulit ang lyrics ng kanta. "Nahuli mo siyang kumakanta."

"Marunong pala siyang kumanta?"

Tumango si Eren, kaya lalo akong hindi makapaniwala.

“Hindi ko maipagkakaila na talagang maganda ang boses ni Andrew,” I murmured. “Isa pa, hindi ko inaasahan sa personality niya ‘to. Ang alam ko nga... wala siya sa tono kapag kumakanta."

"Halika,” aya sa’kin ni Eren. “Sumunod ka sa'kin."

"Saan?" tanong ko habang nakasunod sa kanya.

Sa ilang ulit naming paghakbang sa hagdan, nasagot ko na ang aking tanong: sa rooftop.

Binuksan ni Eren ang pinto nito’t ibinaba ang guitar bag niya sa gilid. Ipinagtataka ko kung bakit isinama niya ako rito…

"Zea…” He turned to me. “Ayaw ni Andrew na naririnig siyang kumakanta ng ibang tao."

Kumunot ang aking noo. “Bakit?"

Matagal bago siya umimik. "Hindi ko rin alam… pero ayaw niyang pinag-uusapan ang tungkol sa boses niya. Kaya sana, huwag mo na lang sa kanyang sabihin na narinig mo siyang kumanta ngayon."  

Sa mga sinabi ni Eren, bigla akong nakaramdam ng lungkot na hindi ko maipaliwanag. Nakikita ko sa mga mata niyang alam niya ang dahilan ngunit hindi niya iyon masabi. Bakit nga kaya?

KINAGABIHAN, natapos ang araw ko na masaya. Kahit maraming tao sa coffee shop buong maghapon, hindi man lang ako nakaramdam ng pagod. Ito nga at panay pa ang pagtakbo ko sa hagdanan paakyat ng station; I’m just so excited to lay down on my bed.

Naupo ako sa bench para huminga. Ngayon lang nangyari ito... Kinakapos ako ng hangin dahil siguro sa lakas ng kabog ng puso ko.

Habang hinihintay ang susunod na bagon, napunta ang paningin ko sa harapan. I was stunned to see Eren. Nakaupo ito sa kabilang station. Hindi ko napansin ang train na paparating dahil nakatitig lang ako sa kanya, hanggang sa gumitna na lang ang tren sa pagitan naming dalawa.

Nakasuot ako ng salamin kaya mas nakikita ko nang malinaw ang paligid, pati na rin ang mukha ng mga tao ngayon.

Ilang minuto pa'y umalis na ang bagon na nakaharang, at hindi ko na rin nakita pa si Eren sa kanyang kinauupuan. Nilinga-linga ko pa ang paligid, nagbabaka-sakali na hindi pa siya nakakasakay pero... wala na eh.

"Ako ba ang hinahanap mo?"

Biglang nag-init ang mukha ko sa hiya kaya agad akong nag-deny. "Hindi! Ano lang, binabasa ko lang ‘yung signboard doon!" turo ko sa pinanggalingan niya kanina.

Natawa siya kaya natawa na lang din ako kahit hindi ko alam kung naniwala ba siya sa palusot ko.

To be Continued...

RestartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon