R28: Badboy

41 12 7
                                    

"Nahihiya ako sa’yo!"

"Meron ka pala nun?" saad ko na ikinabigla niya pero ikinanguso niya rin na parang bata.

Natawa ako.

"Marunong din naman akong mahiya. Sorry talaga! First impression ko kasi sa'yo, katulad rin ng iba."

"Okay lang! Sanay na ako. ‘Di mo kailangang humingi ng tawad kung 'yon ang tingin mo sa'kin. May iba't iba naman tayong opinion at pananaw sa ugali ng ibang tao. Patas lang. Ganon din naman ako minsan o baka nga mas madalas pa."

Alanganin siyang ngumiti at tumitig sa'kin na para bang may gusto pa siyang sabihin.

"May sasabihin ka pa ba?"

"Gusto mo ba si Eren?" straight to the point niyang tanong, pero hindi ako umimik.

Ngumiti na lang siya at tumango. "Alam ko na ang sagot. Pasensya na talaga kahapon."

Manipis akong ngumiti kay Jam. Hindi naman mahalaga kung anong isipin niya. Hahayaan ko na lang kung ano ba 'yang nasa utak niya. Hindi ko naman iyon mababago. Mapapagod lang akong ipilit ang sarili ko sa kung ano dapat ang tingin niya sa'kin.

"Okay na 'yon. ‘Wag mo ng alalahanin. Napatawad na rin naman kita."

Nagulat na lang ako nang bigla niya ‘kong niyakap. "Teka..." awat ko.

"She really looks like you, Zea."

Inalis niya agad ang pagkakayakap sa'kin.

Nakatingin lang ako sa kanya at nag-aantay ng eksplanasyon sa ginawa niyang pagyakap. At sino ba 'yong tinutukoy niyang kamukha ko? Naiintriga na talaga ako sa babaeng 'yon.

"Sino bang kamukha ko?"

"My best friend, the woman I like the most… and Eren's ex."

Parang nabingi ako sa huling sinabi ni Jam. Ex ni Eren? May hinala na ako pero nagulat pa rin ako. "Ano ulit? Kamukha ko ang ex ni Eren?"

Tumango si Jam sa'kin. "I don't want to say this, but I don't want you to be Shiena's shadow in Eren's eyes."

Sumingkit ang mga mata ko. Parang narinig ko na ang pangalan na 'yon. Hindi ko lang maalala kung saan.

"Alam mo, nung una kitang nakita, akala ko ikaw siya pero habang tinititigan kita, nalaman ko na magkaiba pala kayo ng ilong at mas matangkad din pala siya sa'yo."

Tinitigan ko siya nang masama. "I-I didn't mean anything,” he defended himself. “Don't get mad at me."

"Hindi ko alam kung nanlalait ka ba o nagsasabi ng totoo?"

"Sorry na nga! Hindi kasi ako 'yong taong inililihim 'yung mga bagay na gusto kong sabihin."

"Halata nga! Siguro 'yan ang dahilan kung bakit kayo nag-aaway ni Eren. Masyado kang prangka at hindi mo man lang iniisip ang mararamdaman ng iba."

"Siguro iyan din ang dahilan kung bakit napalapit sa’yo si Eren. Ang kilos mo, pananalita... walang pinagkaiba kay Shiena."

Lumunok ako at tinitigan si Jam... "Malaki ang pagkakaiba naming dalawa. H'wag mong isipin na iisa kami. Kailanman, hindi ako magiging si Shiena dahil ako si Zea. Kung may nagagawa man ako na nagagawa ni Shiena, marahil nagkataon lang iyon. Kung kamukha ko man siya, siguradong may pagkakaiba kami. Iba ako sa kanya at hindi ako mabubuhay sa anino ni Shiena dahil magkaibang tao kami at alam kong iyon din ang nakikita ni Eren sa aming dalawa."

Malungkot siyang ngumiti sunod ay tumango. "You're right… Perhaps, I’ve become like this because nobody wants to stay with me. They don’t like my behavior. I am difficult to understand. ‘Have a short temper, and always interfere with other people. Even Shiena doesn't like me because of my immaturity. Tanggap ko naman na mas lamang sa akin si Eren sa lahat ng bagay at magiging anino niya lang din ako. Pero, thank you, Zea, sinabi mo ang mga 'yan. Pinaramdam mong ako nga pala si Jam at hindi anino ng kung sino. Thank you!"

"Jam! Let's go!” sigaw ng isang babae. “Have you forgotten? I told you not to talk to other girls or else I'm gonna kill you!"

"Yes, baby!" sambit ni Jam. Lumapit sya sa'kin at hinawakan ako sa ulo. "Sige, Zea, alis na ako."

Tumaas ang kilay ko nang makalapit na si Jam dun sa babaeng nakasuot ng sexy outfit. Halos makita na nga ang kaluluwa nung babae e.

Alam mo 'yung parang gusto mong ikaw na lang ang sumapak sa mukha ni Jam? Akala ko ba mahal niya 'yung Shiena? Hindi ba may pag-asa na siya dahil ex na lang iyon ni Eren, eh bakit may baby siya?

Gaano ko ba kamukha ‘yung Shiena? Alam din kaya ni Andrew na kamukha ko ang ex ni Eren? Nakaramdam talaga ako ng lungkot sa mga nalaman ko. Naisip kong tanungin na lang si Eren, kaso baka kapag inungkat ko pa ang mga bagay na 'yon, layuan niya na ako at hindi na kausapin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at talagang lutang ang isip ko. Bakit parang napakalayo ng mga bagay? Sa dami ba naman kasi ng magiging kamukha ko sa mundo, ‘yun pang ex ni Eren. Tuloy naging magulo. Kaya siguro naging posible ang imposible noon: ang makausap ko ang isang Eren Jay Lopez.

"OH MY GOD!" sigaw nung babae.

Nanlaki ang mga mata ko nang matapunan ako ng juice. Hindi ko napansin ang nangyari dahil lutang nga ako. Hindi ko alam kung sino ang may kasalanan, o baka ako talaga.

"Tanga mo!” sigaw niya sa'kin. “Bakit kasi hindi ka tumitingin sa daan?!"

Wala akong nagawa kung ‘di ang humingi ng tawad. "Sorry!” pagpapakumbaba ko para hindi na lumaki pa ang gulo. "Sorry, sorry talaga!"

Paulit-ulit akong humingi ng tawad habang binabalot ako ng kahihiyan; parami na nang parami ang nakikinood.

"Lagi ka na lang nagso-sorry! Alam mo ba, mas mahal pa ang juice na binili ko sa pangit at cheap mong damit! Ginigigil mo talaga akong babae ka! Alam mo namumuro ka na sa'kin e!"

Tumiklop ang kamao ko sa inis.

Bumuka ang bibig ko sa gulat; may dumaan sa gitna namin, natapon din ang hawak niyang chocolate shake sa damit ng babaeng maarte.

"Oops..."  

"WHAT THE HELL!" sigaw nito.

"Sorry, miss! Nakaharang ka na naman kasi sa daan.” Pumamulsa ang nanapon. “Subukan mo kayang tumabi kasama ang mga alagad mo?"

"Andrew…" mahina kong sambit.

Ngumiti sya sa'kin.

"Ikaw na naman?! Ba't ba ang epal mo?!" himutok nung isang babae na kasamahan ata no’ng nanigaw sa'kin. Nakita ko ang pagsita sa kanya nung isa pero hindi ito nagpatinag.

"Epal ako?!" pag-uulit ni Andrew habang nakaturo sa sarili.

"Zyra, tama na 'yan. Si Andrew 'yan, ‘yung sinabi ko sa'yo."

"H’wag n'yo akong pigilan dahil naiinis na talaga ako sa mukha ng babaeng to!"

Natigilan ang lahat nang may lalaking naglakad palapit sa'min. Nakapamulsahan ito at ang astig maglakad. Naagaw niya ang atensyon ng mga taong nakikiisyoso.

Napalunok ako nang makilala ko ito. Humigpit ang kapit ko kay Andrew.

"What's going on here?" tanong niya sa mataas na tono.

"Bryan, look! Nadumihan ang favorite dress ko…” paawa nito. “Sobrang mahal pa naman nito tapos tinapunan lang ng lalaking ‘yan! Ew, kadiri! Chocolate shake!"

Pumulupot ang braso niya kay Bryan. Tinignan kami nang matalim ni Bryan at ngumisi naman ang maarteng babae na 'yon.

Napalunok ako dala ng labis na kaba.

To be Continued…

RestartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon