R10: Respect

81 15 7
                                    


Sandali kong tinitigan ang cup ng iced coffee na ginawa kong lagayan ng ballpen. Bahagya akong ngumiti nang maisip kong itago ito kaysa itapon. Pagkalabas ng kwarto, nagtungo na ako sa dining area ngunit ako ay natigilan.

"Talaga, Jessa, uuwi ka na?”

Dumiin ang pagkakakuyom ng kamao ko.  Mabilis na dumaloy sa sistema ko ang damdaming hindi ko gustong maramdaman o pangalanan.

"Dito ka na rin mag-aaral? That's a good idea, Jessa! Magkakasama-sama na rin tayo,” masayang sambit ni mama. "Oo, narito si Zea… Baka busy lang kaya hindi nasasagot ang email mo... Hindi iyan totoo. Siguradong miss ka na rin ng kapatid mo."

Lalong sumama ang loob ko sa mga sinabi ni mama. Nang magpakita ako sa kanya, naibaba niya ang hawak na cellphone at dali-dali iyong pinatay.

"Zea, gutom ka na ba?" alanganin niyang tanong; halata ang pagkabalisa nito.

"Bakit kailangan mong sabihin na nami-miss ko si Jessa?"

Nahinto si mama sa paghahanda sa lamesa at malungkot na tumingin sa'kin. “She’s missing you, anak."

“And so? Kailangan ba talagang magsinungaling na nami-miss ko siya? Kahit kailan hindi ko ma-miss ang mga taong naging dahilan ng pagkasira ng pamilya natin.”

Inis ko siyang tinalikuran. Tinawag niya ko, ngunit hindi ako humarap.

Nahinto ako nang makasalubong ko ang lalaking kinakasama ni mama. Iniwas niya ang tingin sa'kin; puno ng pagkadismaya ang itsura niya sa mga narinig subalit hindi man lang ako nakaramdam ng guilt sa mga sinabi ko.

I glared at him, saka ako tumakbo paakyat ng kwarto ko. Dito ay nagkulong ako at umiyak na parang bata. I hate this feeling!

Nakarinig ako ng magkakasunod na katok ngunit hindi ko iyon inintindi. Sa halip ay mariin kong tinakpan ang aking tenga upang hindi ko marinig ang mga katok na 'yon. I couldn’t stop the tears from coming out. Bakit kailangan pa niyang bumalik dito?

Nakakainis! Mabubuo ang pamilya nila!

Ayoko ng ganitong pakiramdam. Ayoko!

THE OTHER DAY, habang kumakain ng almusal, tahimik lang ang lahat. Anong bago? Sa araw-araw kong buhay sa bahay na 'to, ganito na ang takbo ng umagahan ko. Hinahayaan ko lang na magsalita si mama. Sumasagot naman ako, pero maikli lang at mabibilang sa daliri ang mga salita.

Matapos ang mga nangyari kagabi, pinipilit niyang maging maayos ulit ang lahat pero imposible iyon. Tingin ko, maaayos lang ulit ang lahat kung maghihiwalay sila. Naramdaman ko na naman ang pag-iinit ng mga mata ko.

"Uuwi na pala si Jessa. Maybe, this week. I only have one request, Zea." Suminghap siya bago nagpatuloy. "Please, show her some respect even as a friend or as a person na lang. I am begging you."

Natigilan ako sa pagkain.

Matunog kong ibinaba ang kutsara at tinidor na hawak ko. "Can't she just finish her studies in Italy? Sabagay, mahirap talagang mag-aral sa abroad."

"That's not the reason, Zea. Uuwi siya dahil gusto niya tayong makasama, ang pamilya niya."

"Pamilya n'yo lang.”

"Zea!" singhal ni mama.

Magsasalita pa sana siya nang hawakan ng kinakasama niya ang kamay niya para siya’y patigilin.

"Wag mo ng ipilit sa kanya,” anito. “Naiintindihan ko siya, Jane."

Inurong ko ang upuan. "Tapos na po akong kumain."

"Pero,” awat ni mama sa pag-alis ko, “hindi pa nangangalahati ang pagkain mo.”

Kahit sino ay mawawalan ng gana kapag ganito ang senaryo sa hapag-kainan.

"Mala-late na po ako. Hayaan n'yo po, kapag dumating naman si Jessa, may ka-bonding na kayo.” Napuno na ng sarcasm ang pananalita ko, at hindi ko na ito magawang kontrolin. “Isa pa, mas mahal mo naman siya kaysa sa anak mo, hindi ba, mama?”

Kitang-kita ko ang sobrang pagkabigla nilang dalawa.

Yumuko ang lalaki, at pinili na lang manahimik kaysa ang magsalita at diyan ako lalong nainis. Bakit hindi niya ipakita sa'kin ang ugali niya? Gusto kong makita ni mama ang tunay na ugaling itinatago ni Tito Jun. Hipokrito!

I stormed out, bitbit ang aking mga gamit. "Zea!" tawag ni mama; I did not look back. What for?

Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko kaya naman wala akong nagawa kung ‘di ang lingunin siya.

"Kung ayaw mo sa kanila, sana man lang... respetuhin mo sila bilang tao. Hindi mo ba alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko sa tuwing nagkakaganyan ka at sa tuwing binabastos mo sila?"

"Pwes, huwag mo akong pilitin! H'wag mo akong piliting magustuhan sila!" sigaw ko.

Mabilis na napuno ng luha ang mga mata ko; nag-uunahan pa ang mga itong mahulog. Marahas kong pinunasan ang aking pisngi. "Sorry po kung masama akong anak. Hindi ko na kasi alam kung saan ko pa ilalagay ‘yung sakit na nararamdaman ko. Sabi mo kanina, nasasaktan ka. You do? Pero ako, hindi ba? Hindi ba ako nasasaktan?" umiiyak kong sambit habang nakaturo sa’king dibdib.

Lalapit sana siya nang umatras ako.

"Zea, hindi ba pwedeng maging masaya ka na lang sa pinili naming buhay ng papa mo? Hindi ba pwedeng... turuan mo ang sarili mong tanggapin ang katotohanan? I'm sorry kung wala akong magawa sa sakit na nararamdaman mo ngayon," naluluha niya ring saad.  

"Masaya ka naman na, mama e. Masaya kayo ni daddy, pero ako? Hindi ko magawa, hindi ko magawang maging masaya dahil naiipit ako sa sitwasyon niyo. Madalas nagtatanong ako, saan ko ba dapat ilugar ang sarili ko o meron pa nga ba akong lugar? Kasi, parehas na kayong masaya... habang ako, umaasang mabubuo pa uli ang matagal ng sira!" sigaw ko at agad na tumakbo palabas ng bahay.

Bakit ba lagi kong tinatakasan ang sitwasyon? Dahil ba takot akong malaman ang totoo? Takot ba akong malaman na mali ako dahil pinipilit ko ang mga bagay na imposible na?

NAKAUPO ako ngayon sa waiting shed. Kanina pa rin akong nakatulala sa kawalan. Napagod na lang ako sa kaiiyak kaya kusa na lamang huminto ang pagluha ko.

Habang nag-iisip, malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan.

"Ang aga naman ng buntong-hininga mo. Ang lalim pa."

Napalingon agad ako nang makilala ko ang boses na 'yon.

"Eren!"

"May problema ka ba ulit? O baka kailangan mo ulit ng panyo?"

"Panyo?" Agad kong naisip 'yung panyong matagal ko ng gustong ibalik sa kanya. Binuksan ko ang zipper ng bag ko para kunin ang panyo niya. Lagi ko 'yong dala para maibalik sa kanya kapag nagkita na kami. "Salamat dito."

Napangiti siya nang iaabot ko iyon sa kanya. "I already gave that to you, Zea,” sambit niya.

Naibaba ko ang kamay ko dahil sa hiya, pagkatapos ay naupo pa si Eren sa tabi ko.

"Teka,” nasambit ko. “Naaalala mo pa pala ang pangalan ko?"

"Of course. It’s not hard to remember, Zea."

I laughed as I realized that I only have three letters in my name. At talagang bihira ko lang naman din gamitin ang second name ko.

"Hmm… Zea, naniniwala ka bang iiyakan ka ng taong binigyan mo ng panyo? I mean... halimbawa, may chance bang iyakan mo ako dahil binigyan kita ng panyo?"

"H-ha?"

To be Continued...

RestartWhere stories live. Discover now