R62: Three Red Roses

41 9 0
                                    

Nandito ako ngayon sa bench, inaantay si Andrew na dumating. Tumawag kasi siya sa'kin kanina na pumunta raw ako rito. Nakakakilig! Pwede naman siyang mag-text na lang, pero tumawag pa talaga siya. Ayaw niya raw kasing mangyari ‘yung nangyari dati, nung nakulong ako dun sa management building.

Naisip ko na lang na kunin ang libro ko at magbasa habang hinihintay si Andrew. Natigilan ako sa pagbabasa nang biglang may lumitaw na three red roses sa ibabaw ng libro. Agad akong tumingala at nakita ang nakangiting si Andrew. Napangiti ako sa dala niya at lalong-lalo na sa mukha niya, halatang nahihiya siya sa ginagawa niya.

"Tanggapin mo na 'to, nangangawit na ako." Nakangiti kong tinanggap 'yon. "Sabi sa'kin nung nagbebenta n'yan, mas sweet daw ang tatlo kaysa bouquet, kaya ayan ang binili ko. It means, I love you," nahihiya niya pa ring sabi. "Nagustuhan mo ba?"

Hindi ako makapagsalita kasi gustong-gusto ko talaga ang mga pulang rosas. Napatango na lang ako sa sayang nararamdaman ko. "Bakit bumili ka pa? Sana namitas ka na lang sa Eternity Garden."

"Sa susunod. Binili ko kasi 'yan dun sa matandang naglalako diyan sa may gate. Sabi ko, dahil ako ang buena mano niya, sisiguraduhin kong mauubos ang paninda niya, at ayon, one shot lang, naubos agad."

"Kung ganun, ang galing mo pala?"

"Tumulong akong magbenta e. Sakto, maraming bumili sa kanya na mga estudyante."

"Naks naman, ang bait!"

"Well, lumalakas ang macho kapag in love."

Natawa ako sa sinabi niya. "OA mo!"

Nagkatinginan kami ni Andrew at kapwa na lang kaming nailang, pero sa huli ay natawa na lang din kami parehas... Hindi naman kami ganito dati. Madalas nga ay nagbabangayan at nag-aasaran kaming dalawa sa tuwing nagkikita, pero ngayon, iba na. Sa isang iglap, nagbago ang lahat nang aminin niya sa aking gusto niya rin ako.

Sa isang araw ay maraming nangyari. Siguro nga, maswerte pa rin ako. Akala ko nung una si Eren ang gusto ko, pero si Andrew, isang araw bigla na lang pumasok sa puso ko at ginulo din ang isip ko. Binulabog niya ang mundo ko… "Andrew, ‘di ba sabi mo gusto mo na ako noon, paano ba nagsimula?” tanong ko. “Kung natatandaan mo pa, paano ba kita nakilala?"

"Gusto mong malaman?" nakangisi niyang saad. "May bayad, kiss sa pisngi."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Hoy! Hindi pa tayo! Nanliligaw ka pa lang! Baka gusto mong dumanak ang dugo rito."

Sumimangot siya sa sinabi ko kaya natawa ako.

"Hindi ko rin sasabi––" Natigilan siya sa pagsasalita nang bigla ko siyang halikan sa pisngi.

Ngumiti na lang ako. Kahit ako, nagulat din sa ginawa ko. "Sabihin mo na."

Muling namula ang mukha ni Andrew. "Zea, para akong nasa langit!"

"Talaga? Paakyatin talaga kita dun kapag kinaltukan kita."

"Ang brutal mo!"

"Ano nga? Paano? Gusto kong malaman. Dapat kumpleto 'yan kundi yari ka talaga sa akin."

Ngumiti siya sa sinabi ko. "A at B. Lagi mo akong tinatawag na A at si Bryan naman ay B."

RestartWhere stories live. Discover now