R5: Stalker

267 33 43
                                    

Tahimik lang akong nakaupo, nag-ii-scroll sa fb account ko, nagpapalipas ng oras. After a while, may sumulpot na sunod-sunod na messages.

Andrew:

Chat naman d’yan

Hello!

Hi, Zea! :)

How’s your day?


Tinignan ko lang ang chat niya; wala akong balak mag-reply. Nagtataka nga ako kung paano ko siya naging kaibigan sa facebook samantalang hindi ko naman siya ina-accept.


Andrew:

You seem so bored right now

Gusto mo, samahan kita?


Kumunot ang noo ko, at luminga sa paligid, ngunit wala naman kong nakita. Asan ba siya?!


Andrew:

Seen :( Di mo ba alam nakakasakit ka ng damdamin! T^T

Ang daya mo talaga!

Sige, i-seen mo lang ako! Lalo kitang bubwisitin! Bahala ka!


Natawa ako sa mga pinagsasabi niya sa chat. Kulang talaga ito sa atensyon. Bahala siya, hindi pa rin naman ako magre-reply sa kanya. Pinagpatuloy ko ang pag-i-scroll hanggang sa matigilan ako sa isang litrato na naka-tag kay Andrew.

Sa picture na iyon, apat silang nandoon. Si Andrew at Eren ay nasa magkabilang gilid, tapos may dalawang babae sa gitna. 'Yung Kathleen Frias ang nag-tag. Bigla kong naisip na i-stalk ang fb account ni Eren. Hindi ako stalker! Curious lang ako kung anong mga pinagpo-post niya. Ang totoo, we’re not mutuals on fb. Ni-click ko ang pangalan niyang naka-tag.

Grabe! Ang dami niya talagang taga-hanga sa campus; libo ang followers, at tambak ang mensahe sa message board. Gwapo rin siya sa profile niya. Sabagay, gwapo naman talaga siya. Masungit lang, saka medyo pangit ang ugali. Umawang ang bibig ko, at bumilis ang kabog ng dibdib nung mabasa ko ang bio niya.

Isa pang tingin at hindi ako magdadalawang isip na halikan ka!

Nang iangat ko ang aking mukha, lalong kumalabog ng dibdib ko nang magsalubong ang paningin namin ni Eren. Nakatayo siya, hindi kalayuan sa pwesto ko kasama ang kabanda niya na may kanya-kanya ring kausap.

Ako ba ang tinitignan niya? Bakit ba ang assumera ko? Teka nga... Lumingon ako sa likod ng bench na inuupuan ko. Nagulat na lang ako nang makitang walang ibang tao kung ‘di ako lang. Bigla na lamang akong napangiti.

Ang weird!

"Lagi mong sinasabi na abnormal ako, at kailangan ng dalhin sa mental. Pero, sa nakikita ko... mas malala ka pa sa'kin.” Sumama lang ang mukha ko sa mga sinabi ni Andrew at sa pag-upo niya sa tabi ko. “‘Wag ka ngang ngumingiti nang mag-isa. Para kang baliw!"

"Ano, naba-baliw ako?!" asik ko. Halos mahulog na nga ang puso ko sa gulat dahil sa biglaan niyang pagsasalita, at ano bang sinasabi niya?! Kailan ako ngumiti?! Hindi ako ngumingiti nang mag-isa!

RestartWhere stories live. Discover now