R1: Destiny

603 36 76
                                    

Zea's POV

Ito ako't nakaupo habang pinagmamasdan ang magulo at mabilis na pagkilos ng mga tao sa paligid. Lahat sila ay may hinahabol na oras; mga nagmamadali. May isa kaya sa mga taong nandito ang katulad ko?

Nag-vibrate ang cellphone ko, kaya naman dinukot ko ito mula sa bulsa ng pants ko. Notification lang pala. May nag-share lang ng link sa fb account ko, at nakuha pa talaga akong i-tag.

Saglit kong binasa iyon...

If you were to choose between a TIME MACHINE that could bring back the time and a RESTART button that could initiate the creation of a new beginning, would you rather pick the first one or the latter?

Hindi ko na natapos ang pagbabasa dahil sumakay ako nung may humintong bagon sa harapan ko. Napangiti pa ako nang makitang maluwag ang loob. Madalas kasi ay siksikan ang mga pasareho rito, lalo na kapag rush hour.

Pumwesto ako ngayon sa tapat ng bintana at humawak sa safety handrails, tapos isinalpak ko agad ang earphone sa'king tenga, dinadama na ang bawat linya ng kanta: Rainbow by South Border.

Malungkot kong pinagmasdan ang labas kagaya ng madalas kong ginagawa kapag naririto ako.

Pumihit ang aking paningin sa gawing likuran nang may mangalabit, subalit nagtinginan lamang sa akin ang mga pasaherong naroroon, hanggang sa naagaw ng isang lalaki ang aking atensyon.

Siya lamang ang hindi lumingon sa gawi ko. May suot siyang puting sumbrero, at ang kulay ng kanyang damit ay plain gray. Familiar! Nagkibit-balikat na lang ako at ibinalik ang atensyon sa pagbutingting ng aking cellphone.

Inis akong lumingon nang mayroon na namang nangulbit. Agad na nagusot ang mukha ko nang ituro ng batang malapit sa'kin ang lalaking kanina'y umagaw sa'king pansin.

Pabagsak kong ipinatong ang kamay ko sa balikat niya, dahan-dahan niya naman akong nilingon na may alanganing ngiti.

Sabi na nga ba!

"Oi, ikaw pala 'yan, Zea," aniya, pakunwari pa. Nagpakawala ito ng matamis na ngiti. Sa sobrang ganda ay pwede na siyang maging endorser ng toothpaste.

Awtomatikong umarko ang kilay ko. "May kailangan ka ba? Bakit mo 'ko kinalabit?"

"Ano?! Tsk!" tanggi niya. "Masama ang nambibintang, nai-in love sa'kin."

Ngumisi ako nang nakakaloko at saka itinuro ang batang nambisto sa kanya.

"Tinuro pala ako," saad niya, nakangisi siyang napakamot sa kaniyang ulo.

"Ewan ko sa'yo!" Siniringan ko siya ng tingin bago ako tumalikod.

"Ang sungit! Hindi ka ba natutuwa na nagkasabay tayo ngayon? Don't you think this is... destiny?" nakangiti niyang hirit.

"Asa!" bulalas ko na hindi siya tinitignan. "Kung alam ko lang, edi sana nag-bus na lang ako."

Pinagpatuloy ko na lamang ang pagi-scroll sa fb; hindi na ako nagpakita pa ng interes sa mga pinagsasabi niya.

I'm Zea Mae Forteza, 21-year-old. College Student. Hmm... Alamin n'yo na lang kung anong ugali ko. As for the guy na ang agang mambwisit, Andrew Ace Matteo's the name. Ang palayaw niya'y ABNORMAL, because he is!

"Ang ganda mo sa picture." Turo niya pa, saka bumungis-ngis na ikinayamot ko.

"Hinihingi ko ba opinion mo?"

"Hindi!"

"Yon naman pala, edi manahimik ka!"

"Ano ka ba," protesta niya. "Totoo naman na maganda ka sa picture mo. Kaya lang... kapag may filter."

Inis kong iniwas ang cellphone ko at sinamaan siya ng tingin. Nakuha pa ako nitong punain, "Lagi ka na lang nakasimangot."

Lumapit siya nang kauntian, saka mahinang bumulong. Sa sobrang hina, kami lamang ang nakakarinig. "Aminin mo nga, may diarrhea ka ba? Nako, mahirap pigilan 'yan. Gusto mo ng tulong? May gamot ako dito, suppository."

Muntik ko na siyang mamura buti na lang at naitikom ko ang bibig ko. Pisti!

"Kapag 'di ka nanahimik, puputulin ko 'yang dila mo," pigil ang galit ko ngunit may paghahamon sa tono ko.

"Tapang!"

"Hindi ako nakikipagbiruan. Manahimik ka kung ayaw mong ako ang magpatahimik sa'yo."

Biglang lumapad ang ngisi sa labi niya na ikinailang ko. "So, what will you do? Patatahimikin mo ba ako ng pagmamahal mo?" May landi sa tono niya, animo'y kinikilig din sa sariling sinabi.

Napabuga ako ng hangin sa inis, saka sinuklay ang buhok gamit ang kamay ko para pakalmahin ang aking sarili.

Masama ko siyang tinitigan na ikinangisi niya lalo. Diyan talaga ako naba-badtrip sa mapang-asar niyang ngisi. "H'wag mo akong punuin, Andrew. Nanggigil na ako sayo." May diin sa bawat salita ko, ngunit kita naman na hindi niya 'yon kinatakutan.

"Edi mas maganda. Alam mo ba 'yung kasabihan na... the more you hate, the more you love!"

"Baka kamo, the more you hate, the more you hate!"

"Hala, nagpalit na pala! Kailan pa?"

"I said shut up!" pagsabog ko. "And don't talk to me! Gets? Manahimik ka na! Ang aga-aga binabadtrip mo 'ko!" Nawala na yata ako sa katinuan dahil sa sobrang inis ay nakalimutan kong nasa train pa pala kami. Nilingon ko ang paligid, halos lahat ng pasahero ay nakatingin sa amin. Bwisit naman! Naipikit ko ang mga mata ko dahil sa hiya, samantalang patay-malisya lang si Andrew sa tabi ko at pangiti-ngiti.

Argh! Ang sarap sapakin!

Inirapan ko na lang siya at saka umayos ng tayo. Tinanggal ko na ang earphone sa'king tenga't inilagay sa bulsa ng palda ko, dahil malapit na akong bumaba. Nag-scroll na lang ako sa Facebook habang naghihintay sa paghinto ng tren.


Saktong pagbukas ng pinto, hinablot ni Andrew ang cellphone ko na parang snatcher sa kanto. Napanganga na lang ako sa pagkakabigla, at nang matauhan ay inis akong tumingin sa kanya.

"Cellphone ko! ANDREW!!!"

"Pahiram muna!"

Tumakbo ako upang humabol, subalit malakas akong napatili nang matisod sa paang nakaharang.

"Sorry!" sambit no'ng lalaking paharang-harang ang paa.

"'Yon lang talaga ang sasabihin mo?" asik ko.

Humarap siya sa'kin na nakasimangot. Isinara nito ang hawak niyang aklat. "Anong gusto mong gawin ko, umiyak ng dugo? Kung ayaw mo ng sorry, edi h'wag! Basta nag-sorry ako." Pagkasabi niya noon ay tumayo na s'ya at naglakad papalayo.

Napalingon na lang ako sa lalaking nag-abot ng kamay. Hindi ko iyon tinanggap, sa halip ay tumayo akong mag-isa. Pinagpagan ko ang sarili, at siya'y inirapan. Siguradong tuwang-tuwa siya dahil nadapa ako. Iyon naman ang kaligayahan ng isang Andrew: ang bwisitin ako araw-araw.

"Ayos ka lang?" tanong niya.

Naghuhurumintado ang isip ko sa sobrang inis at gusto ko siyang sabunutan ngayon din. "Nagtanong ka pa! Halata namang tuwang-tuwa ka!"

"Oi, hindi ah. Concerned nga ako sa'yo eh. Pero, curious lang. Ilan ba ang nahuli mo?" hirit niya, tumatawa. "Siguradong wala!"

Inis kong hinablot ang cellphone kong hawak niya at padabog na umalis. Bwisit! Bwisit ka talaga, Andrew!

"Zea, sandali!" pigil niya. "May naiwan ka!"

Nilingon ko 'yong tinutukoy niyang naiwan ko, subalit kumuyom lang ang palad ko nang makitang nakaturo siya sa sarili niya. "Naiwan mo ako!"

"Hindi ako nagdadala ng basura!" bawi ko, saka nagpatuloy na sa paglalakad.

To be Continued...

RestartWhere stories live. Discover now