R49: Sling bag

5 2 0
                                    


"Zea," tawag niya.

"Hindi ako tumatanggap ng puso... na pag-aari na ng iba." Kumunot ang noo ni Andrew, pero agad ko ding iniwas ang tingin ko sa kanya. Nilagpasan ko siya. Wala akong balak ipaliwanag sa kanya ang ibig kong sabihin. "Maghanap na tayo ng pangregalo para kay Xyrille."

Luminga-linga ako sa mga boutique na nakikita ko. Nilapitan ko ang tindahan ng bag. Naagaw ng isang sling bag ang atensyon ko. Gandang-ganda ako rito at hindi ko maintindihan kung bakit nakita ko agad ang sarili ko na suot iyon. Bagay sa akin kaso... mas bagay ito kay Xyrille.

"Andrew, ito na lang,” turo ko nang hindi lumilingon sa kanya. “Bagay ang sling bag na 'to sa personality ni Xyrille."

"Maganda…" aniya.

Hindi ko alam kung anong reaksyon niya sa ginawa kong pag-iwas sa sinabi niya.

Alam kong mali. Sinasampal na ako ng katotohanan. Bawal akong kiligin dahil may girlfriend si Andrew. Malungkot akong bumaling sa kanya. Kumabog nang malakas ang puso ko nang makita kong sa akin siya nakatitig at hindi sa bag na itinuro ko. Àasa na naman ba ‘ko, tulad ng naramdaman ko kay Eren? Parang mas masakit ata 'to kapag nagkataon.

"Mas maganda ka," hirit niya pa.

Iniwasan ko iyon saka nagsalita. "Punta lang ako sa restroom. Kaya mo naman na ‘yang bilhin, ‘diba?"

"Sige, hintayin na lang kita dito."

Tumango ako at nagsimula ng maglakad… Nang makarating sa restroom, agad akong humarap sa salamin at bumuga ng hangin, paulit-ulit. Grabe kasi ang lakas ng tibok ng puso ko. Binuksan ko ang gripo at naghugas ng kamay.

"Bye, mom!" Napalingon ako sa babaeng kapapasok lang dito sa loob. Nagkatinginan kami’t agad siyang ngumiti sa akin. " Zea! Buti na lang pala nandito ka. Oo nga pala, sana makarating ka sa birthday celebration ko. Kinulit ko na rin si Andrew na isama ka niya."

Nagulat ako sa bilis ng pangyayari. Hindi naman kami ganung ka-close, pero bakit iniimbitahan niya akong pumunta sa birthday niya? "Zea, gusto kitang mas makilala at maging ka-close pa. Gusto kong maging kaibigan ka, c––ah."

Sandali siyang natigilan. "Ah,  wala, wala... Basta, aasahan kita sa birthday ko. Sana pumunta ka kasi malulungkot ako kapag hindi ka nakarating," nakangiti niyang sabi.

Sa amo at lambing ng mukha niya, tanging pagtango na lang ang nagawa ko. Para bang nakakahiyang tumanggi sa isang tulad niya. Hindi dahil nakakahiya, kung ‘di dahil ang friendly niya at madaling pakibagayan.

"Ah, oo sige. Ano, cr muna ako."

Ngumiti siya at tumango.

Pumasok ako sa cubicle na nalilito. Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko.

My Savior:

Asan ka na? Ang tagal mo naman. Gusto mo bang sunduin na kita d’yan?

Kapag nainip talaga ako, papasukin kita sa cr.

Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang text ni Andrew, kaya agad akong nag-reply.

Hindi niya ako pwedeng puntahan dito, baka magkita-kita sila. Patay na talaga.

Me:

Wait! D'yan ka lang, pababa na ako.


Nang mai-send ko ang reply ko, lumabas agad ako. Napalingon sa'kin si Xyrille na nagsusuklay sa harap ng salamin.

"Xyrille, ano, ka-kailangan ko ng umalis. Hinihintay na kasi ako ng kasama ko."

"Sige, Ate Zea. Basta asahan kita sa birthday party ko."

RestartWhere stories live. Discover now