R11: Mae

79 15 10
                                    


Bakas sa mukha ko ang pagkakabigla.

"Ah, ano.” Alangan siyang ngumiti. “That was just an example, h'wag mong seryosohin."

"Ang totoo... wala pa akong nakikitang umiyak dahil binigyan ng panyo. Nasa tao naman 'yon, siguro? Ang alam ko lang, basta mahalaga ang isang tao sa’yo, there’s a possibility na iyakan mo siya."

"Pero may nagsabi sa'kin, iiyakan mo ang taong nagbigay sa'yo ng panyo."

"Kung totoo 'yan, sigurado akong mahalaga sa kanya ang taong 'yon kaya niya iniyakan. May panyo man o wala... as long as mahalaga siya sa’yo, hindi ka mahihiyang umiyak, diba?"

Nakangiting tumango si Eren. "Nice. You really are different."

"Kakaiba ako, bakit?” naitanong ko. “Paano?”

"Basta..."

"Hala, gusto kong malaman!"

Magsasalita na sana si Eren nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nag-excuse siya saglit saka sinagot ang call. Matapos ang ilang sandali ay ibinaba niya na rin. "Zea, sorry. I need to leave. Andrew is looking for his dog..."

"Nawawala na naman?"

He nodded. Wala akong nagawa, kaya pumayag na lang akong umalis siya kahit na ang gusto ko ay makasama pa siya nang mas matagal.

Bakit ba sa tuwing magkausap kami ni Eren, laging may nangyayari sa aso ni Andrew? Isa talaga siyang asungot!

"Arff! Arff! Arff!"

Napalingon ako sa asong tumatahol sa likuran ko. Napangiti ako’t agad siyang nilapitan. "Hello! Ang cute mo naman."

Hindi ganung kalakihan itong Shih Tzu; ilang buwan pa lamang ito sa palagay ko. Ang kulay ng balahibo niya ay black and white na talagang nagpapa-cute sa kanya. Agad ko siyang binuhat at niyakap. "Nawawala ka ba?"

Muli itong tumahol sabay dila sa kamay ko. Tumakas ang ngiti sa labi ko dahil sa sobrang lambing niya. "Ang cute mo! Pwedeng akin ka na lang?"

"Mae!" Mula sa kung saan ay narinig ko ang second name ko. Nanibago ako dahil bihira ko lang marinig na tinatawag ako sa ganoon. Paglingon ko sa likuran, papalapit na si Andrew, malawak ang pagkakangiti. "Mae, ayos ka lang ba?” tanong niya, hinihimas na ang balahibo ng asong yakap-yakap ko. “Tumakas ka na naman."

Panay ang kawag ng buntot ng aso.

"Salamat, nahanap mo si Mae."

Saglit... Kung hindi ako nagkakamali. Talagang may mali. "Ano ulit ang pangalan ng asong ito?"

"Mae!" nakangiting sambit ni Andrew na ikinabilog ng mga mata ko; daglian din silang sumingkit. Tinawanan niya lang ang reaksyon ko.

Inis kong ibinalik sa kanya ang cute na aso.

"Nang-aasar ka na naman!"

"Hindi kita binibiro. Mae talaga ang pangalan nitong aso ko. Kung gusto mo, awayin mo ‘yung tropa kong nagpangalan ng Mae sa Shih Tzu ko."

"Asar ka talaga!"

"Sa palagay ko, gusto rin naman ng aso ko ang pangalan niya. Diba, Mae?" tanong niya sa kanyang aso. Tumahol naman ito at saka kinawag ang buntot.

Napabuga ako ng hangin at kinalma ang sarili. Hinimas ko ang ulo ng aso. "Sige na nga. Kung hindi ka lang cute, hindi talaga ako papayag na Mae ang pangalan mo."

"Narinig mo, Mae?” paglambing niya sa aso. “May mommy ka na.”

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Anong mommy ka dyan!"

"Pumayag ka na. Please, please!" sambit ni Andrew na bigla na lang nagpangiti sa'kin.

Ba't ang cute niyang mag-please? Isa pa, ngayon lang nangyari na nakiusap siya. Ang bait ko yata sa kanya?

"Sige, sa isang kundisyon. Kwentuhan mo ako tungkol kay Eren, sa mga gusto niya at ayaw niya."

Nang sabihin ko 'yun ay bigla na lang nawala ang ngiti ni Andrew. Napalitan 'yon ng malamig na ekspresyon.

Nailang ako nang mas maging seryoso ang tingin niya sa akin. Hinimas niya muna ang ulo ng aso niyang si Mae bago muling nagsalita.

"Bakit ako ang dapat na magkwento?" nakayuko niyang saad habang patuloy sa paghimas sa balahibo ni Mae.

"Syempre, magkaibigan kayong dalawa."

He looked up. Mababakas mo sa itsura niya ang lungkot at pagkainis. "Hindi ba pwedeng siya na lang ang tanungin mo? Kung ano siya o kung sino siya, sa mga bagay na gusto't ayaw niya. Bakit kailangan mo pang alamin sa ibang tao ang pagkatao ni Eren?"

Iniwas ko ang tingin sa kanya. Kumuyom ang mga palad ko dahil sa hiyang nararamdaman. "Nakakahiya kung siya ang tatanungin ko. Baka mamaya isipin niya pang may, may… basta!” Naubusan na ako ng idadahilan. “Gusto ko lang siyang mas makilala. Masama bang sa'yo ko ‘yun alamin?"

"Bakit, hindi ba talaga?"

Lalo akong nahiya nang maisip kong baka alam ni Andrew na may gusto na ako kay Eren. Sandali siyang tumahimik kaya nabalot ang paligid ng katahimikan.

Bumuntong-hininga siya. Kalaunan, ngumiti siya nang tipid. "Sige, sasabihin ko kay Eren na sabihin niya sa'yo ang lahat ng tungkol sa kanya. Walang labis at walang kulang. Sasabihin ko rin na pati sikreto niya sabihin... para naman matahimik ka. Ano, masaya ka na?"

Lalo akong nakaramdam ng kahihiyan sa mga binitawang salita ni Andrew. Sa paraan ng pagsasalita niya parang sinasabi niyang patay na patay ako kay Eren.

Binato ko siya ng masamang titig na ikinaiwas niya lang ng tingin.

"Andrew!" sigaw ko nang bigla siyang tumalikod at maglakad palayo sa'kin.

Hinabol ko siya’t hinawakan sa damit. "Nakakainis ka naman! Ang unfair mo!"

Humarap siya sa'kin. Salubong ang mga kilay niya. Hindi maipinta ang kanyang itsura. Napatingin ako sa aso na karga niya. Nakatitig lang din 'to sa'kin. Hindi na rin kumakawag ang buntot nito.

"Mahirap kasi ang gusto mo, Zea. Kahit magkaibigan kami ni Eren... wala pa rin akong karapatan na ikwento sa'yo ang pagkatao niya o ang buhay niya," mahinang saad ni Andrew na nagpaluwag ng pagkakakapit ko sa laylayan ng kanyang damit.

"Paano kung sabihin kong masama ang ugali niya?” he added. “Lalabas lang na sinisiraan ko siya. Kapag sinabi ko namang mabait siya, paaasahin lang kita kapag biglang naging masama ang pagtrato niya sa'yo. Sa huli, baka maging kasalanan ko pa dahil iba ang pagkatao niya na nakilala mo dahil sa'kin."

"Bakit ka ba ganyan? Maliit na bagay ginagawa mong kumplikado. Ang hirap mong intindihin, Andrew. Ikaw ang unang humingi ng pabor. Bakit parang lumalabas na kasalanan ko dahil humingi ako ng kundisyon? Kainis!"

Padabog akong naupo.

Humarap siya sa'kin at hindi na nawala ang kalungkutan sa mga mata niya. Naaawa lang ako sa kanya dahil pinipilit niyang ngumiti sa harapan ko kahit hirap na siya.

"Hindi ako humingi ng pabor,” seryosong sambit ni Andrew na nagpatigil sa'kin. “Ikaw lang ang humingi ng kundisyon, Zea."

Nakita kong tumingin siya sa aso’t tumalikod na. Ang lakas ng topak ng taong 'to. Nakakagigil!

"Ang ibig ko lang namang sabihin, Zea, mas maganda kung kikilalanin mo talaga siya; malalaman mo ang mga gusto't ayaw niya dahil nalaman mo 'yon mismo sa kanya at hindi sa iba,” saad niya nang hindi humaharap sa'kin.

Sa mga sinabi niya, nakaramdam ako ng konsensya, para bang ang sama ko, eh tama naman siya.

"Kung ayaw mo naman maging mommy ng aso kong si Mae… ayos lang,” dagdag pa nito. “Hindi naman ito sapilitan. Sorry sa istorbo.”

Sunod ko na lang nakita ay ang pag-alis ni Andrew nang tuluyan.

To Be Continued...

RestartNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ