Pinagtinginan naman ako ng mga ibang pasaherong naghihintay ng jeep katulad ko, siguro nawi-weirdohan sa'ken dahil sa bigla kong paghalakhak.

"Wow, that's hella awkward," tumawa siya nang walang pakundangan.

His laughter sounded like heaven to me.

Ilang sandali munang nakalipas bago siya humupa sa pagtawa niya, ngunit ang ngiti sa labi ko ay hindi na 'ata huhupa pang muli. He was the best guy I've ever known, and I was just the ordinary.

"Man, that was awkward." He muttered, catching his breathe.

'Darius, breathe.' I whispered. He was hilarious but he was still in pain.

Naririnig ko mula sa earpods ko ang mahina niyang paghinga, how I wish I was there- na ako na lang sana 'yung nurse na nag-aalaga sa kanya. How I really wish.

"I want to speak in tagalog, Jade." He said in serious tone.

I smiled.

Humagalpak na naman siya sa tawa, "And, please, don't laugh!" He warned- more like begging.

He stopped laughing and heaved a sigh again, I can imagine how frustrated he is right now.

"First of all- wait, I already decided to speak in tagalog! Okay-okay, ulit tayo." The last two words was hilarious but I forced myself not to laugh. Ayokong tuluyan ng isipin ng mga tao dito sa waiting shed area na nababaliw na ako dahil tumatawa akong mag-isa. Tama na ang simpleng pagngiti. Gahd, this record file can make me feel all the emotions I could get.

"I want you- wait, gusto ko, pagpatuloy mo ang buhay mo even if I am not around. Don't prison yourself inside your room, pwede ba 'yun?" I don't know if it was tagalog or english but heck, I know deep inside I am rolling in the floor laughing.

He heaved a sigh, "I know you're laughing now," he scoffed. "But that won't stop me," I can feel that he is stucked his tongue out like a kid, "Jade, baby, gusto ko ipagpatuloy mo 'yung buhay mo katulad n'ung wala pa ako- katulad n'ung 'di mo pa nakikilala ang isang tulad ko. Mahal kita, mahal na mahal. I'm so sorry if I ruined your life. Sana pinigilan ko na lang..."

'No...' I muttered, wiping my tears from my wet cheeks.

"Sana pinigilan ko na lang 'yung nararamdaman ko, sana 'di na lang ako sumusulpot kung nasaan ka after that Boracay incident. Jade, please live your life as if I never existed." Paulit-ulit niyang sabi.

Hindi naman gan'un kadaling malimutan siya, hindi gan'un kadaling ipagpilitan sa sarili kong hindi ko siya nakilala- na wala ang existence niya sa buhay ko. Hindi gan'un 'yun kadali dahil mahal ko siya- hanggang ngayon kahit ikalawang taon na ng kaniyang...

"Kahit na makalimutan mo ako, kahit na 'di mo na ako naaalala- kahit na hindi mo na ako mahal. Mamahalin pa rin kita ng sobra kahit saan pa man ako mapunta pagkatapos ng operasyon ko sa isang buwan. I will always love you like I loved you yesterday." He almost whispered.

The door creaked.

"Darius, are you talking to someone?" It was a sophisticated voice, I bet it was his mom checking on him.

Narinig ko din ang pagkalabog ng tape recorder, siguro ay nahulog ito sa sahig.

"N-No, mom. Actually I'm about to sleep." Medyo utal na sambit niya.

Bago pa ako maiwan ng bagong dating na jeep ay agad na akong sumakay, pinause ko muna ang iPod ko at ipinasok na sa loob ng bag ko ang earphones. Mahirap na- madaming magnanakaw sa panahon ngayon.

Umupo ako sa bandang dulo, medyo marami na rin ang tao- karamihan ay estudyante galing sa iba't ibang unibersidad.

Bahagya kong isinandal ang ulo ko sa sandalan, napagod ako ngayon sa duty ko. Madami kasing pasyente ngayon at karamihan ay matatanda na masyadong demanding kaya madami akong ginawa.

Mabigat na ang mga talukap ng mga mata ko, dala na siguro ng pagod. Hindi ko na namalayan kung ano na ang mga sumunod na nangyari.

"Miss!" Naramdaman ko ang mahinang yugyog sa mga balikat ko kaya pinilit kong idinilat ang mga talukap ng mga mata ko.

"Ano bー"

Heck, I was horrified.

Kumunot ang noo niya, "Kung galit ka dahil ginising ka, aba, mahiya ka naman, Miss. If I wasn't a concerned citizen, wala ka na sanang gamit ngayon at kanina ka pa ninakawan sa squatter's area na 'to." Sabay tingin niya sa paligid kaya napatingin na rin ako sa paligid.

Gabi na pala- at... nasa probinsya ako ng Rizal? Ba't ako nandito? Ba't ako nandito sa dati naming tinutuluyan? Eh papuntang Pasig naman 'yung sinakyan ko kanina?

"Bahala ka nga!" Sabi niya sabay baba ng jeep.

Sumunod ako sa kanya at bumaba na rin ako, napansin kong hindi na 'yung itim na backpack na dala kanina ang dala ko ngayon- pink backpack na (parehas n'ung bag ko n'ung college pa ako) at isang medical bag... Wait? Medical bag?!

Napatingin din ako sa suot ko, all white... napansin ko rin ang logo patch ng dati kong school na pinasukan n'ung college.

Napatingin ako d'un sa lalaking gumising sa akin, kanina pa niya hawak ang mamahalin niyang cellphone at para bang naghahanap ng signal.

"Ugh, why am I even here!" He ranted, sabay nang paglagay niya sa bulsa ng mamahalin niyang cellphone.

Napalingon siya sa'ken.

Napahinto ako, kinabahan ako- hindi ako nakagalaw. Gusto kong kurutin ang pisngi ko para magising na ako sa kung ano mang klaseng panaginip 'to.

"What?" He muttered, in full accent.

I bit my lower lip, pinipigilan kong mapaiyak. "Darius..." I whispered.

Nagulat siya, "Seriously? Pati ikaw?"

I didn't waste any second at agad na tumakbo papunta sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit. "Darius, I miss you!"

Nagulat siya sa pagyakap ko kaya hindi siya agad nakagalaw, it was a straight five seconds (Oo, binilang ko!) bago pa man niya naisip pumiglas sa pagkakayakap ko, "Miss, who the fck are you?! Seriously, you're creeping the hell out of me. Are you one of my stalkers?!"

Natigilan ako pero hindi ko tinanggal ang pagkakayakap sa kanya, "Shut up! Let me enjoy this moment, you moron!" Hindi ko na napigilan ang mga luha kong kanina pa nagbabadiyang tumulo.

He was stunned at the moment. Hindi na siya pumiglas pa, he let me hug him but he didn't hug me back.

But, after a few seconds- hindi ko na naipilit ang sarili kong yakapin siya dahil buong pwersa niya akong inilayo sa kanya.

"Miss, I don't know where the heck did you know my first name but seriously, I have nothing to do with you. Stop stalking me, okay? Bye!" And he walked out.

I was speechless.

I unconsciously looked at my digital watch, it says March 1, 20-- (the day and the year when he first saw Darius Olen de Guzman.)

Is it just a dream?

But it felt so real.

🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶 🎶

Part 2? :)

Vote and Comment.

'Yung katabi ko sa JeepWhere stories live. Discover now