“Ser Steve??” pinakiramdam ko muna kung sasagot sya pero wala akong naririnig kaya binuksan ko nalang ang pinto ng dahan dahan. Nagulat pa ako dahil sobrang dilim ng loob pero nakita ko sya pumasok dito eh kaya alam ko nandito lang sya. Nakailang hakbang palang ako para sana buksan ang ilaw ng may biglang tumulak saken at malakas akong sinandal sa pader. Napadaing ako sa saket kasabay ng malakas na pagkabasag ng baso. Kahit sobrang dilim ay ramdam ko ang presensya ni Steve sa harapan ko.

“Sir Steve” sabi ko at bigla nyang hinila ang kamay ko at hinapit ako sa bewang kaya sobrang lapit na namin sa isa't isa. Napalunok pa ako ng ilang beses dahil dahan dahan nya akong tinulak ulit sa pader at kasunod nun ang pagbukas ng ilaw pero yung dim light lang kaya medyo madilim paren. Naiwas ko ang tingin sa kanya at napako ang tingin ko sa sahig na sobrang dami ang nagkalat na beer in can. Binalik ko ang tingin sa kanya at napalunok ng ilang beses dahil alam ko na kung bakit ganito ang kinikilos nya.

.

Lasing si Steve. . Pero bakit sya naglasing?

“Ser uhm..” hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng ilapit nya bigla ang mukha nya saken at konti nalang mahahalikan na nya ako.

“You” mahinang sabi nya at ngayon amoy na amoy ko na ang alak sa hininga nya. Pinagmasdan nya ang kabuuan ng mukha ko. Alam ko nakadisguise ako bilang panget na maid kaya nagtataka ako ng hindi sya nandididri sa ginagawa nya.

“Bakit ser?” nag aalangan kong sabi.

“Don’t call me sir Im your master” sabi nya at bigla pa syang natawa nagmukha tuloy syang baliw.

“Master” sagot ko at napatitig sa mata nya.

“Good”

How I miss this man so much. Napangiti ako dahil kahit sa sandaling ito sobrang lapit nya ng hindi ako sinusungitan.

Yung kwintas ko kaya na nilagay ko sa diary nya nakita na kaya nya?
Eh yung Wedding picture na nilagay ko sa drawer?

Nanlaki ang mata ko ng bigla nalang nya akong halikan ng mariin kaya hindi ko alam anong irereact ko.

Nagsimula na nyang igalaw ang labi nya kaya mabilis ko syang natulak. Kahit gustong gusto ko na syang halikan pero hindi ito ang tamang panahon.

“Master lasing po kayo” sabi ko at inalalayan sya papunta sa kama nya.

Hindi naman sya pumalag at nahiga na sya pero nagulat ako ng sinama nya ako pahiga kaya napadapa ako sa ibabaw nya. Kung yung babae pala kanina ang naghatid sa gamot nya baka may nangyare na sa kanila mabuti nalang naagapan ko tss.
Sinubukan kong umalis sa ibabaw nya pero nahawakan nya ang likod ko at hindi ko kayang tumayo dahil kahit lasing sya ang lakas nya paren.

“Master Steve” mahina kong bulong at nanlaki ang mata ko ng sya naman ang nasa ibabaw ko habang yung dalawa nyang kamay nasa magkabila kong side. Napalunok ako ng ilang beses at ang lakas ng tibok ng puso ko habang nakatitig sa mga mata nya. Nalipat ang tingin ko sa mapupula nyang labi na medyo basa pa dahil siguro sa laway nya. Napakagat ako sa ibabang labi dahil nalilinlang ako sa mga mata nya. Napapikit nalang ako ng unti unti ko ng maramdaman ang labi nya sa labi ko. Nagsimula ulit nyang igalaw ang lips nya kaya I kissed him back.

Bigla nalang nagflashback saken yung time na hinalikan nya ako noong lasing din sya at nilalagnat noong inalagaan ko sya. Yung time na paalis na ako sa school dahil nalaman nilang isa akong babae. Yun na ang huling beses na hinalikan nya ako. Pero this time he kissed me again kahit hindi nya ako maalala. Naramdaman kong tumulo ang luha ko sa mata habang nakapikit. Huminto sya sa paghalik at naramdaman ko ang bigat ng pagbagsak nya saken kaya napaaray ako.

Rage of Death (On going) Where stories live. Discover now