"Hahaha! Okay lang naman kahit gawin mo 'yon, e. Payag naman kami," wika ng isang lalaking nakatali ang buhok, kapareho ko rin ng department.

"Gusto mo ihampas ko sa iyo tong mop na hawak ko?" pagtataray ko.

"Hey kiddo! Shut up. Matuto ka ngang gumalang. She's your senior," suway ng isang lalaking kalalabas lang sa cubicle.

"L-lander?" I whispered to myself. Omg! Nandito siya!

Tinitigan niyang muli 'yong lalaki bago ulit magsalita, "Fuck off, kid."

Patakbo namang lumabas iyong lalaki at hindi na sumagot.

Seeing that, I smiled at Lander. Nakakakilig, huhu.

"Hehe. S-salamat," pabebe kong sabi sabay hawi ng buhok.

"What the hell are you doing here, Zhavie?"

I scratched my head, "Ah.. ang totoo niyan parusa ko 'to, hehe. Napagbintangan kasi akong nangodigo kaya para magretake ako ng exam, kailangan kong maglinis."

Nakakahiya! Nalaman pa niyang napagbintangan akong nangongodigo!

"Oh, I see. Do you want me to help you?" he shifted his gaze to the floor.

"Ha? H-huwag na, kaya ko na."

"Tulungan na kita, baka bastusin ka ulit dito," aniya saka kinuha ang mop na hawak ko.

"Okay lang talaga, Lander. Huwag mo na akong tulungan baka may klase ka pa."

"Mamayang 12 pm pa next class ko," dagdag niya.

Pinilit kong bawiin sa kaniya 'yong mop na hawak niya, pero agad niya itong hinila. "Ano ba! Ayos nga lang na tulungan kita, Zhavie!" 

Napatahimik ako dahil sa biglang pagsigaw niya.

"S-sorry," mahina niyang tugon.

"Okay lang, hehe. Nahihiya kasi akong tutulungan mo pa ako."

Hindi niya na ako sinagot. Pinagpatuloy lang naming dalawa ang paglilinis. Nang matapos kami, nagpasalamat kaagad ako sa kanya at dumiretso sa faculty upang mag retake ng exam. Napapangiti pa ako habang papasok sa loob dahil kay Lander.

Ayos lang maglinis ako lagi basta nandoon si Lander, hihihi!

"Oh, Ms Fuentes. Napapangiti ha? Madami ka bang nasilipan?" asked the prof.

"Ha? Ano po ang ibig sabihin niyo, Sir?" I asked awkwardly.

"Wala. Sige, mag retake ka na. Ilagay mo na lang diyan sa table ko mamaya," utos niya at sinenyasan ang isang babaeng nasa faculty upang bantayan ako.

Puno naman ng CCTV sa loob kaya wala akong takas kung mandaya man ako. Hindi naman ako cheater, sa online games lang!

Minadali kong sagutan ang examination paper dahil inaantok na talaga ako. Napatingin ako sa wall clock, 12:30 pm na pala. Nilagay ko kaagad sa table ang papel nang matapos ako at nagpaalam sa babaeng naroon.

Pakiramdam ko ay sabog na sabog ako ngayon. Dumiretso muna ako sa isang coffee shop malapit sa dorm ko dahil pakiramdam ko babagsak ako ng wala sa oras. Napansin ko ring ang lalim ng eyebags ko nang mapatingin ako sa malaking salamin sa loob ng shop.

Huhu, mukhang ang pangit kong humarap kay Lander kanina.

Muntik ko nang maibuga ang kapeng hawak ko dahil sa biglang pagchat ni 3rd sa akin. Nananaginip ba ako?

Alex Alex
Is this me?

Alex Alex
Why am i saying these things to you?

Alex Alex
The heck!

Alex Alex
Baliw na ba ako?

Zhavie Fuentes
wow himala. Napachat pero hindi sure kung siya ba yan.

Zhavie Fuentes
masarap ba iseen ang chat ko ha?

√Seen11:43am

Zhavie Fuentes
wow seen nanaman!

Zhavie Fuentes
hoy 3rd. Gaguhan lang ganun?

Alex Alex
Stop chatting me.

Zhavie Fuentes
Excuse you? Ikaw kaya ang unang nagchat sa akin. Nagreply lang ako. Basahin mo yung mga dating chat natin.

Zhavie Fuentes
para naman magising ka sa katotohanan.

Alex Alex
I said stop chatting me.

Alex Alex
hindi ka ba marunong umintindi?

Zhavie Fuentes
Ba't mo ko pinapatigil?

Zhavie Fuentes
Ha, ano? Sagot!

Alex Alex
Because i don't want to talk to you.

Zhavie Fuentes
namo!

Alex Alex
Namo?

Zhavie Fuentes
Namo = pangit mo.

Alex Alex
Lol. I'm handsome, stupid.

Zhavie Fuentes
oo handsome ka, handsama!

Alex Alex
Ha Ha. Funny!

Zhavie Fuentes
Gigil mo si ako 3rd! Akala ko pa naman kung magiging maganda na ang araw ko dahil kay Lander, pero umepal ka pa.

Alex Alex
Lander?

Zhavie Fuentes
Oo 'yung crush ko.

Zhavie Fuentes
Mas pogi 'yun sayo, pangit ka kasi.

Alex Alex
Really?

Alex Alex
k. Dont talk to me.

Alex Alex
Block me if you want.

Zhavie Fuentes
Uutusan mo pa ako?

Zhavie Fuentes
Eh hindi nga kita friend.

√Seen11:47am

Zhavie Fuentes
Hoy sagot.

Zhavie Fuentes
Wag kang seen. Pogi ka ba?

Zhavie Fuentes
Di ka pogi kaya wag mo 'ko seen.

√Seen11:48am

Zhavie Fuentes
hoy!!!!!!

Zhavie Fuentes
Namo!

Alex Alex
Mas namo ka.

Zhavie Fuentes
Ay! Bastos! 

Alex Alex went offline

Group Chat (GC SERIES #1) - currently revisingWhere stories live. Discover now