CHAPTER 59 : THIS TIME

831 23 0
                                    

Rei's POV

Kapwa kami tahimik na naglalakad ni Miel pagkatapos naming unalis sa mansyon. Nang walang paalam sa mga tao doon. Ewan ko ba pero tila nagkaroon na lamang kami ng kasunduan ng magkatinginan kami kanina at sabay na nilisan ang lugar.

Ngunit sa halip na gamitin ang aming mga sasakyan ay natagpuan na lamang namin ang aming mga sarili na binabagtas ang daan papalabas sa lupain ng mga Hendrix.

Hindi namin alintana ang laki o lawak ng lupaing iyon.

Para sa akin ay mas nananig na sundin ang paghakbang ng aking mga paa patungo sa kung saan man.

Ni hindi ko nga batid kung nakalabas na ba kami sa lupain nina Choi.

Iginala ko ang aking tingin sa malaking lupaing iyon na walang hangganan. There's nothing more I could say to describe the view but to say it's beautiful.

Who would have thought that few years back they almost lost everything Choi's family had if it wasn't for aboji.

Marahil nga ay itinakda talaga na maging magkaibigan ang aking ama at ang lolo ni Choi, si lolo Phil, upang maging magkalapit ang kapalaran naming mag-ama.

I guessed, if they didn't become friends, the existence of this place would be unknown to my father and he would have not found me. It's just that we've been though storm first before being reunited. It's all because of Song.

Napailing ako. Hindi ko na dapat alalahanin ang taong iyon. He almost ruined my life including the people close to me.

Awtomatikong lumitaw ang imahe ni Choi sa aking isip.

Bago ako umalis kanina sa gazebo ay nakita ko ang hindi matawarang ngiti niya kay Beatrice kasabay ng pagyakap dito. Muli kong naramdaman ang sakit ng kirot na nadama ko kanina sa eksenang iyon.

But what's the point of aulking and feeling hurt, Rei? pagkastigo ng isang bahagi sa aking isip. She was his first love after all. Doon pa lang talo ka na.

I know, konslusyon ko sa aking sarili.

Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay ni Miel sa aking balikat kaya napatingin ako sa kanya.

"Ayos ka lang ba, pinsan?" tanong niya.

"Ah—oo naman," sinikap kong ngumiti. "Bakit naman ako hindi magiging okay? At saka ako dapat ang nagtatanong sayo niyan. Ayos ka lang ba?"

Sa halip na sumagot ay sinabi nitong, "you're smiling but your eyes ain't lying, Rei. Mahal mo pa rin si Choi, hindi ba?" He shrugged. Hindi ko na dapat tinatanong yun dahil alam naman nating parehas ang sagot."

Muli niyang tinapik ang balikat ko. "Alam kong wala ako sa posisyon para sabihin ito pero sa nakita ko mahal ka din niya."

I smirked.

"Smirk all you want, Rei, but that won't change the fact that you're happy to heart it... somehow, I guess."

Umiling na lamang ako at nagpatuloy na naglakad.

Subalit ayaw yatang paawat ni Miel. "Alam mo bang sinundan ka nya sa Korea noong bakasyon?"

Bigla akong napahinto.

"Bigla kang nagbakasyon sa bahay ng tatay mo kahit sinabi mong hindi ka aalis ng Pilipinas dati dahil kay Choi, di ba? You thought he has a girlfriend and realized you have to move on."

I swallowed hard. Pinilit kong maihakbang ang mga paa ko para itagong interesado ako sa naririnig ko.

"Pero hindi mo alam na sinundan ka niya." Biglang napatawa si Miel. "Ang kaso natorpe ang mokong at ayaw magpakita sayo. Sunod lang ng sunod kung saan ka magpunta ng patago. Isinama pa yung kaibigan nyong si Bullet para daw may alibi. Well, trchnically, para may pumigil sa kanya kapag selos na selos na siya dahil kasama mo si Felix. Pagkatapos naman sa gabi nandoon lang siya sa labas ng bahay ng papa mo at nakatanaw. Kung hindi pa siya nahuli ng papa mo hindi namin malalaman na nandoon sya sa Korea. But Choi begged your father not to tell you that..."

We Are Not In LoveWhere stories live. Discover now