CHAPTER 2 : IT'S HIS FAULT

2.8K 76 3
                                    

Rei's POV

[ONE MONTH AGO]

Choi Hendrix came from one of the richest clan in our province. Mayaman sila at kayang-kaya na mag-aral sa mamahalin at pribadong eskuwelahan. Kaya naman hindi ko maintindihan kung bakit sa pampublikong eskuwelahan niya pinili na mag-high school. Sa eskuwelahan kung saan ako nag-aaral.

Noong una ay hindi ko alintana iyon. Wala naman akong problema sa kanya dati dahil hindi naman kami nag-uusap. Kahit magkaklase at nasa iisang classroom kami ay magkaiba pa din ang mga mundo namin. Madalas ay kasama niya ang ibang kaklase namin na sugapa sa pagpapalibre habang ako naman ay kasama ang mga kaibigan kong maituturing at kaklase.

Tahimik siyang tao kaya hindi kami nagka-usap man lang maliban na lang sa school-related matters.

Wala naman akong problema sa kanya maliban na lamang ng makuha niya ang top 1 sa honor role kaya siya naging valedictorian.

It's not fair! palahaw ng aking damdamin.

Hindi makatarungan ang nangyari dahil halatang-halata naman na nadala sa suhol ang pagkakakuha niya sa posisyon bilang valedictorian. Kitang-kita naman sa eskuwelahan namin matapos mag-donate ang pamilya nito ng pera para sa pagpapatayo ng dalawang school building at auditorium noong isang taon na eksaktong natapos naman para sa graduation namin.

Sa huli ay naging pangalawa ako—salutatorian.

Hindi ko nagawang um-attend sa graduation namin dahil sa sama ng loob. Iyon din ang unang pagkakataon na sa loob-loob ko ay nagpasalamat pa ako sa aking tita at pinsan na tinambakan ako ng utos ng araw na iyon. Pinilit kong abalahin ang aking sarili na tapusin ang mga gawaing bahay.

Nakatanggap ako ng text mula sa naghihingalo ko na cellphone. Pinaglumaan iyon ng aking pinsan dahil wala daw pera si tita para ibili pa ako ng bago. Subalit alam ko naman na pinagdadamutan niya ako dahil tatlong beses sa isang taon magpalit ng cellphone ang mag-ina.

Ipinukpok ko ng bahagya sa dingding ang cellphone dahil ayaw umilaw ng screen. Nang magliwanag ang screen ay saka ko binasa ang mga text mula sa aking mga kaklase. Bakit daw hindi ako dumalo sa graduation? Tinatanong pa ba yun?

Napailing na lang ako.

Ang isa pang text ay galing kay Moi na nag-iimbita sa salu-salong inihanda ng kanyang mga magulang. Graduation party daw. Ayaw ko sanang dumalo ngunit nabasa ko sa bandang huli ng text na dadalo daw si Chi.

Napangiti ako dahil doon.

Nang gumabi ay pumuslit ako mula sa bahay para puntahan ang ilan kong kaibigan at kaklase na sa bahay ni Moi. Ito ang first honorable mention (third placer) sa batch namin.

Pagkadating ko sa lugar ay mainit nila akong sinalubong. Tinanong nila kung bakit hindi ako dumalo sa graduation ceremony. Maging ang pabirito kong guro na nandoon din ay nag-alaala din sa akin.

"Sayang at hindi ka nakadalo sa graduation kanina, Rei," malungkot niyang sabi sa akin. "Pasensya ka na wala akong nagawa. Nahihiya ako sa iyo kahit hindi ako ang adviser ninyo."

"Hindi po ninyo kasalanan iyon," sabi ko. "Magiging ayos din po ako. Hindi ko lang talaga matanggap ang nangyari, ma'am Letty."

We Are Not In LoveWhere stories live. Discover now