CHAPTER 9 : WORRIED

1.5K 57 1
                                    

Rei's POV

Chono Lei Park

Ang malaking arko kaagad ng amusment park ang sumalubong saamin pagkadating namin sa lugar. Dapit hapon na at nag-aagawan ang kukulay kahel at lila sa kalangitan. Mas kita na din ang pagliwanag ng buwan.

Inihinto ni Choi ang motor sa harap ng amusment park. Hindi niya pinatay ang makina. "We're here!" masaya niyang anunsyo. "It's a big place, isn't it?"

Napatango naman ako habang namamangha sa pagtingin. Nasa harap pa lamang kami ay nagagandahan na ako habang tanaw ko ang ibang malalaki at matatas na rides. Subalit hindi umaandar ang mga iyon. Naalaala ko na hindi nga pala buong taon bukas ang lugar na iyon. Tuwing magpapasko lamang iyon nagbubukas sa publiko ng araw-araw hanggang sa ikalawang linggo ng enero.

Kapag karaniwang panahon ay tuwing weekend lamang ito nagbubukas.

"Choi, sarado sila ngayon. Miyerkules pa lang. Kapag weekend lang sila bukas," sabi ko ng may panghihinayang. "Sayang."

"Hindi yan," sabi naman niya.

I felt he tapped my hands. Noon ko lang na-realize na mahigpit pa rin pala ang pagkakayapos ko sa kanyang katawan mula sa pagkakaupo ko sa likuran niya. Masyado yata akong nasanay. At parang ayaw ko ng bumitaw.

Ano ba talaga itong nararamdaman ko?

"Uwi na tayo."

Umiling siya at pinilit sumuyap sa akin. "Ako ang bahala. Makakapasok tayo."

Pagkasabi niya noon ay pinatakbo naniya ang motor. Nagtaka ako nang idiretso niya iyon sa entrance samantalang sa pagkakaalam ko ay hindi nakakapagpasok ng sasakyan sa loob sa ganoong lugar.

Isang may edad na lalaki ang sumalubong sa amin. "Sir Choi, magandang hapon po— este, gabi na pala halos."

"Magandang gabi din po, Mr. Del Rio!" masayang ganting bati niya sa lalaki pagkaalis sa helmet.

Ako naman ay tumango dito at ngumiti ng bahagya. Napadako ang tingin ko sa name plate nito.

Over-All Operations Manager. Iyon ang job title ng lalaki.

Umayos ako ng pagkakaupo sa motor at bibitaw sana sa pagkakakapit kay Choi. But once again he held my hands to stop me.

"Pasensya na po kayo, Mr. Del Rio, at biglaan ang pasabi ko na pupunta ako dito," sabi niya sa lalaki.

Umiling naman ito. "Naku, wala pong kaso iyon. Masaya nga po kami na pumunta uli kayo dito pagkalipas ng mahabang panahon..." Natigilan ito saglit na para bang may mali itong nasabi. "Ah. Anyway, sir Choi, naihanda na po ng lahat ng tauhan ang mga rides. Mag-enjoy po kayo. In a few minutes, magliliwanag na din po base sa timer."

Marahan namang tumango si Choi.

Binuksan ng matanda ang isang pasukan patingo sa loob. "Mag-enjoy po kayo ng kasama ninyo."

"Salamat po!"

Pinaandar na niya ang motor at pumasok kami sa loob. Eksaktong habang binabaybay namin ang papasok ay nagsisimulang magliwanag ang paligid at nasindihan ang mga ilaw. Ang mga puno ay nagliwanag dahil sa mumunting mga ilaw o Christmas lights. Ang mga rides ay nag-ilaw na din at nagsimulang umandar. Huminto kami sa gitna ng munting parke kung saan may fountain na nagliliwanag din dahil sa ilaw.

Namamangha akong bumaba sa motor at iginala ang aking mga mata sa paligid. Para bang pakiramdam ko ay nasa iba akong mundo ng mga sandaling iyon. Sa di kalayuan ay mga establishimento na parang tulad sa ibang bansa. May tugtog din akong naririnig sa paligid.

We Are Not In LoveWhere stories live. Discover now