CHAPTER 21 : I LIKE YOU

1.3K 44 1
                                    

Rei's POV

"Sino ba ang hindi maiilang na harapin ang taong gusto mo pero hindi mo masabi sa kanya na gusto mo siya? Umiwas ako... pero mahirap. Ikaw ba kaya mo?"

"Hindi ko alam, Rei," ani Bullet. "Hindi ako nalagay sa ganyang sitwasyon."

"Pero sa sitwasyong gusto mong halikan ang taong mahal mo pero alam mong sa oras na gawin mo iyon ay may kapalit o consequence?"

"Siguro ako... Baka halikan ko tapos bahala na si Batman kung ano ang kasunod na mangyayari."

Tumawa ako. "Talaga lang ha? Sige kapag nangyari sayo yan at hindi mo nagawa tatawanan kita."

"Aish! Wala pa sa isip ko yang mga ganyan."

"Malay mo dumating bukas o makalawa sa school."

"Hindi pa siguro, bro. At saka hindi ko nakikitang mai-inlove ako sa lalaki. Kaya huwag kang mag-alala kasi hindi ako interesado kay Choi."

Napangiti ako. Hindi ko man maipaliwanag ng maayos ay naging comforting ang sinabi ni Bullet.

"Promise!" Itinaas niya ang kanang kamay.

"Panghahawakan ko yan."

Tumango-tango si Bullet. "Ano ba ang ginawa mong pag-iwas kay Choi, Rei, pagkatapos ka niyang halikan?"

Walang babalang bumalik sa aking isipan ang nangyari noon ilang araw pagkatapos na mangyari iyon.

———

[FLASHBACK]

(Setting: Freshmen Year)

"Ganito ang gagawin natin para maiwasn mo siya, Rei," ani Felix habang nakatingin sa writwatch. "The time is 13:00. Gawin mo ang sasabihin ko. Tingin sa kanan. Sa kaliwa— Aish! Rei, gayahin mo ako!"

"Ha?"

"Aish!" Isninuot niya sa aki ang shades na dala niya pati ang sumbrero. "Basic ito. Basic. Ganito ang mga ginagawa ng spy sa napanood kong mga Korean movie para hindi sila makilala."

"Talaga?"

"Oo. Ano ka ba?" Tinapik-tapik niya ang balikat ko. "Magtiwala ka sa akin. Ako pa! Expert ako sa ganitong bagay. Tingnan mo ako."

Kagaya ko ay naka-suot din siya ng sumbrero at shades.

Tumango-tango ako. "Okay."

"Restart tayo, okay? Gawin mo lang ang mga sasabihin ko." Muli siyang tumingin sa kanyang wristwatch. "The time now is 13:10. Tingin sa kanan."

Sumunod ako sa sinabi niya.

"Sa kaliwa... Sa likuran... Ngayon naman sa harap. Everything is clear. Wala ang taong iniiwasan mo sa paligid. Tara na! Baka mahuli pa tayo sa klase natin."

"Okay."

Tumambling si Felix sabay tago sa halamanan. Saka muling tumingin sa paligid para magmanman. Nang walang makitang ibang tao ay tumambling uli siya sa ibabaw naman ng bench saka nagtago sa poste.

Ako naman ay nakasunod lang nang wala akong makitang tao sa paligid. Naramdaman ko ang pagkalam ng aking sikmura. Hindi pa kasi ako nag-la-lunch.

Balak ko naman talagang kunain kanina sa cafeteria kaso nandoon ang taong iniiwasan ko. Hindi naman ako puwedeng lumabas ng campus dahil eksaktong 1:30 ng hapon ay may klase ako. Hindi kakayanin.

We Are Not In LoveWhere stories live. Discover now