CHAPTER 11 : REALIZATION

1.3K 52 0
                                    

Rei's POV

Mabuti na lamang at wala ang mga magulang ni Moi kaya walang kaso na hindi ako natulog sa bahay nila kagabi. Nasa ibang probinsya kasi ang mga magulang nito at mga kapatid para magbakasyon. Hindi naman sumama si Moi sa pag-aakala kong dahil sa pagtuloy ko sa kanila—dahil pala kay Chi.

Tinext ko naman siya na hindi ako makakauwi kagabi.

Kakatok sana ako sa pintuan ng bahay nang mapansin kong naka-angat iyon ng kaunti. Nagtaka naman ako kaya dahandahan kong binuksan ang pinto. Napakatahimik ng bahay.

"Moi?" tawag ko. "Moi? Nandito ka ba?"

Walang tao sa salas at sa kusina kaya nakaramdam ako ng kaba. Paano kung napasok ng magnanakaw ang bahay? Binundol ako ng kaba dahil sa bagay na iyon.

Dahan-dahan akong umakyat patungo sa ikalawang palapag ng bahay kung nasaan ang mga kuwarto at pangalawang salas na mas maliit sa salas sa ibaba.

Lalong lumakas ang kaba ko nang makita ko si Moi na nakasubsob sa lamesita habang nakaupo sa sahig. Si Zed naman ay nakabulagta sa sahig at may pulang matsa sa kanyang damit na puti. Si Vio naman ay nakahiga sa sofa padapa. At si Von ay may mapulang likido sa paligid ng bibig habang nakaupo ng patihaya sa upuan.

Napatakobo ako palapit sa kanila dahil sa nakita kong eksena. Malakas ang pagkabog sa aking dibdib ng mga sandaling iyon lalo na sa nakita ko kina Zed at Von.

Dugo ba ang mapulang iyon sa kanila?

Subalit kahit nakalapit na ako ay hindi ko sila magawang lapitan dahil sa takot. Tumingin ako sa paligid at nakita kong hindi naman magulo ang kabahayan.

Pero pinasok ba ang bahay ng magnanakaw? Ano ang nangyari sa kanila? Patay na ba sila? Bakit hindi sila gumagalaw?

May narinig akong ingay mula sa sahig sa may likod ko. Gumulong na boteng babasahin iyon na walang laman. Bote ng alak. Saka ko lamang napagtanto na amoy alak sa paligid.

Sila.

Amoy alak sila.

Eksakto namang nakarinig ako ng mabilis na yabag sa hagdanan. Nang tingnan ko ay si Ton iyon at humahangos paakyat.

"Mga pare, nakita ko si Choi ah. Ang gara ng motor. Galing ba siya dito?" Humahangos na bulalas niya. May dala-dala siyang plastic bag na may lamang chichirya at alak. Pag-angat niya ng tingin ay saka niya ako nakita. "Rei? Nandito ka pala? Ikaw ba ang hinatid ni Choi dito? Close pala kayo? Kailan pa? Bakit hindi mo inaya na pumasok? Nag-iinuman kami kagabi pa."

"Letse!"

"Taigina, Ton!"

"Pahamak ka!"

"Nabuko tuloy kami dahil sa iyo!"

Iyon ang magkakasunod na singhal nina Moi, Zed, Von at Vio habang inaayos nila ang sarili at naupo. Binato nila si Ton ng una nilang nahawakan—plastic cup, tansan, nilamukos na papel at tsinelas.

"Aray! Bakit nyo ako binato?" reklamo ni Ton. "Ako na nga ang pinabili nyo ng dagdag na alak at pulutan tapos gaganituhin nyo pa ako. Grabe naman kayo sa akin. Hindi ako si Superman, tao lang ako marunong ding masaktan."

"Ang drama mo!" Muling binato ito ni Zed.

Nagtawanan naman ang iba.

Ako naman ay nakatulala lamang at pilit pinoproseso sa aking utak ang nangyari.

"Mga letse!" hiyaw ko na ikinatigil nila. "Mga gago kayo, pare. Akala ko kung ano na ang nangyari sa inyo. Akala ko pinasok kayo ng magnanakaw at kung naaano na kayo. May pula pa kayo sa damit at bibig—akala ko dugo. Pinakaba nyo ako! Gago!"

We Are Not In LoveWhere stories live. Discover now