CHAPTER 33 : JEALOUS

1.1K 34 4
                                    

Rei's POV

[PRESENT DAY]

"Sobra ka naming na-miss, hijo."

Mahigpit ang pagkakayakap sa akin ni tita Tasha hababg sinasabi iyon. Si tito Ped naman ay tinapik ako sa balikat.

"Masaya ako na nakabalik ka na, Rei... At sana hindi ka na umalis."

"Salamat po, tita, tito." Sinikap kong huwag malungkot. "Yun nga po ang gusto kong gawin. Sana ay makaya ko po na manatili."

"Rei," tawag sa akin ni tito Ped. "Kung anuman ang nangyari ay kalimutan mo na sana. Wala kang kasalanan."

"Wala nga po ba?" Hindi ko na napigilan ang malungkot. "K-kung hindi po dahil sa akin ay—"

"Shhh... Hijo, hindi ka namin sinisisi sa nangyari at ni minsan ay hindi namin inisip na kasalanan mo iyon. Ang mahalaga ay ligtas kayo pareho mula sa kapahamakan. Let the past be in the past."

"But do you think, tita, he would hate me once he found out the truth?"

"That we cannot answer but I am sure that if our son, Choi, would remember about you, he would never hate you," pangongonsola sa akin ni tito Ped.

Tumango ako. "Sana nga po."

"Rei, ngayon ka pa ba panghihinaan ng loob? Heto at bumalik ka na. Hindi ba at sabi mo nga sa mga kaibigan mo na handa ka na?"

"Akala ko din po... pero kanina ng makaharap ko na siya ay saka lang talagang nag-sink in sa akin na hindi na siya ang naging kaibigan ko."

"We understand," ani tita Tasha. "Kahit kami ng tito Ped mo ay nag-a-adjust pa din hanggang ngayon. At sa totoo lang nami-miss namin ang dating anak namin."

"I have to agree with my wife. Hindi sa inaayawan ko ang bagong katauhan ni Choi because I am really thankful that he's alive and well... Pero hindi na siya katulad dati na kahit nagkaroon kami ng di pagkakaunawaan ay kalmado pa din siya lalo na kapag nakikita ka niya. Now, he's always seeking for attention and gets truly jealous."

"..."

"Sana ngayong bumalik ka na ay bumalik na sa dati lahat... pati ang memorya nya. Basta, hijo, magpakatatag ka. Pasasaan ba at magiging ayos din ang lahat. Ipinagdadasal namin iyon ng tita Tasha mo. Hiling din namin na sana maging malapit uli kayo ng anak namin. Whether it's friendship or more than that, tandaan mo na tanggap ka namin. You're like another son to us, you know that, right?"

Tumango ako.

Ilang sandali pa ang lumipas ay tuluyan ng umalis ang mag-asawa para umuwi sa probinsya. Inihatid ko sila ng tingin hanggang sa makaalis ang sinasakyan nila.

I somehow felt relieved to hear from them that they didn't blame me about what happened in the past. Isang bagay na gusto ko mang kalimutan ay sadyang bumabalik pa rin sa akin. Subalit kagaya nga ng sabi nila hindi ko daw dapat sisihin ang sarili ko tungkol sa nangyari.

Eksaktong pagkadating ko sa palapag kung nasaan ang aking silid ay biglang may humila sa akin paakyat pa ng isang palapag.

Grabe ang kabang naramdaman ko at akala ko ay sisigaw na ako dahil sa takot. May ilang hindi kanais-nais na alaala ang biglang sumagi sa aking isip.

We Are Not In LoveWhere stories live. Discover now