CHAPTER 48 : WANT TO KNOW... DON'T WANT TO ASK

885 26 0
                                    

Rei's POV

"Ano ba ang balak mo sa kaibigan ko at palagi mo na lamang siyang inaasar?" mas kinakastigo ko si Uno kaysa nagtatanong. "Halos araw-araw mong pinipikon si Bullet, ah."

Lately naging ka-close ko na siya kahit papaano. Isang factor din siguro na nakilala ko na siya dati although hindi kami naging magkaibigan doon bukod sa magkatapat ang aming nga dorm room noong freshmen. Ako din daw ang una niyang matatawag na kaibigan simula ng mag-transfer siya dito.

Nawirduhan ako ng ngumiti lamang si Uno. Yung ngiti niya ay parang may kahulugan.

"Trip mo bang mambully?"

"No," mabilis pa sa alas kuwartong umiling siya. "Hindi ko siya binubully. I hate bullying..."

"O eh ano ang tawag mo sa ginagawa mo sa kaibigan ko?"

"It's just... It's more of a... Ano kasi..." bumuntong hinga siya. "It's complicated."

Napahinto ako sa pagbabalat at paghihiwa ng papatas. Ibinaba ko ang kutsilyo para tingnan siya ng mabuti.

His eyes were unsettled and avoiding my look.

Nagkukunwari siyang hindi apektado ng titig ko pero batid kong sa loob-loob niya ay kinakabahan siya. It's like he's hiding an emotion that I must not know about.

I want to know but don't want to ask, sabi ko sa sarili ko. May kutob kasi ako na...

"May gusto ka ba kay Bullet?"

"..."

Okay I still asked the question because it raised my curiosity to a higher level when I saw his adam's apple moved a lot as he swallowed.

"Gusto mo siya."

Sigurado kong pahayag. Itinukod ko ang aking siko sa lamesa para magpangalumbaba dahil sa natuklasan ko. Hindi nawala ang namuong ngiti sa aking labi.

"Aish!" naiilang na wika niya. "Ano ba ang pinagsasabi mo dyan? Magbalat ka na lang ng patatas."

Tatawa-tawa akong tumalima. Hindi sa hindi ako makapaniwala, sadya lamang nasorpresa ako sa aking nakumpirma. Ang Ice Prince (as what others called him) ay may gusto sa tahimik at mailap na si Bullet, ang aking kaibigan.

"Kaya pala palagi mo siyang kinukulit," panunudyo ko pa kay Uno. "Sinasabi ko na nga ba eh nagpapapansin ka sa kanya. You got everybody's attention except him, tama? Kaya palagi mo siyang kinukulit."

"Tumigil ka."

"Kaya ba tinanong mo sa akin noong kung ano ang mayroon kina Bullet at Choi?"

"Rei," he warned.

"Tapos para kangnanalo sa lotto noong sinabi ko na magkaibigan lang sila?"

"This is my final warning."

"Eto bang niluluto mo para sa kanya?"

"Ang kulit mo! Magbalat ka na lang ng patatas dyan!"

Sa halip na mapapitlag sa lakas ng boses niya ay humalakhak pa ako. Kitang-kuta ko kasi sa mukha niya ang pamumula dahil totoo ang sinasabi ko.

Mas naiintindihan ko na ngayon kung bakit ganito na lamang ang effort niya na makabawi kay Bullet. Ilang araw na kasi ang nakakaraan ay nakita namin sila sa rooftop ng lecture building na magkapatong.

We Are Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon