CHAPTER 12 : THE TRUTH

1.3K 46 3
                                    

Moi's POV

Para akong nabunutan ng tinik pagkatapos kong makausap si Rei. Masaya ako dahil hindi nauwi sa pagkasira ng aming pagkakaibigan ang pagtatapat ko sa kanya ang tungkol sa amin ni Chi.

Tama nga ang kutob ko na siya ang nakita ko noong kasama ko si Chi. Nakita kami ni Rei nang magtaat kami ni Chi ng nararamdaman namin para sa isa't-isa.

Mahal ko si Chi. At unang kita ko pa lang sa kanya noong first year kami ay nagkagusto na ako sa kanya. At lumalim pa iyon sa paglipas ng panahon. Matiyaga ko siyang sinuyo ng palihim. Ang akala ko nga ay ginagago ko lamang ang aking sarili dahil akala ko si Rri ang kanyang gusto.

Pero ng inamin niya sa akin na ako ang gusto niya ay sapat na iyon oara panghawakan ko. Masaya ako. Sobra-sobra.

Subalit hindi ko din napigilang mag-alaala at malungkot dahil hindi lingid sa akin na may paghanga si Rei kay Chi.

Hindi naman ako tanga at lalaki din ako kaya ramdam ko. Lalo na kapag sila ang magkasama pagpapauwi pagkatapos ng klase namin noon. Nagpupuyos ako sa selos pero sinikap kong palawakin at pahabain ang kanyang pasensya.

Umabot na lamang ako sa sukdulan noong nabatid ko na magtatapat na si Rei kay Chi. Noon kasi kahit papaano ay kampante ako dahil batid kong hindi aabot sa goong punto dahil marami siyang ikinokonsidera sa buhay.

Alam ko lamang na kaya rin siya nagkaganoon ay dahil magmula noong nagkabanggan sila ni Choi sa posisiyon bilang top 1 sa batch namin.

At nasundan pa iyon noong sumugod siya, kasama kami, sa mansyon ng mga Hendrix. Batid ko na may nag-iba pagkatapos ng gabing iyon. May gumugulo sa kanyang isipan. Iyon marahil ang dahilan kaya nag-desisyon siyang magtapat kay Chi.

Aaminin kong naging makasarili ako dahil ayaw kong maagaw niya ang babaeng matagal ko ng gusto. Kaya naman inunahan ko siya.

Pero ang mga sinabi ko kay Chi ay totoo. Mahal na mahal ko si Chi.

Masaya ako ngayon at naayos ang lahat.

Pinatawad ako ni Rei sa aking nagawa at nagpaubaya siya. Malaking ang utang na loob ko sa aking kaibigan.

Hindi ko mapigilan na umabot sa magkabila kong tainga ang ngiti nga makatanggap ako ng text message mula kay Chi.

Chi: Good morning po.

Isang simpleng mensahe lamang iyon pero may haplos sa aking puso. Kaagad ko siyang ni-reply-an.

Moi: Good morning din, mahal ko <3

Chi: Mahal ko? Iyon na ba ang tawagan natin? :) <3

Moi: Oo, mahal ko. Simula ngayon ito na ang tawagan natin, mahal ko. Mag-breakfast ka na po. Kakain na din ako :)

Chi: sige... oo nga pala. nakausap mo na ba si Rei?

Moi: oo, mahal ko :) masaya siya para sa atin.

Chi: talaga, mahal ko? :) Ang saya-saya ko. I love you, mahal ko!

Moi: I love you din, mahal ko! Sobra-sobra! <3 :)

We Are Not In LoveWhere stories live. Discover now