CHAPTER 3 : I'LL MAKE IT UP TO YOU

2.1K 71 2
                                    

Choi's POV

"Sir Choi..." sinalubong ako ng family driver namin pagkalabas ko sa lobby ng hotel. "Tapos na po ba ang dinner party nyo?"

Umiling ako.

"Manong Jo, uuwi na po ako. Ihatid nyo na lang po ako sa bahay tapos balikan nyo na lang sina mama at papa."

Tumango ito at pinagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan.

Hindi ako masaya.

Iyan ang isang bagay sa buhay ko ng mga sandaling iyon ang sigurado ako. Hindi ko magawang magsaya dahil alam kong may nasaktan akong iba nang gawin akong valedictorian ng batch namin. It was supposed to be a happy ending of my high school life but what happened was the opposite.

Alam ko naman ang totoo eh. Aminado ako na hindi ako karapat-dapat na maging top 1 sa batch namin na nagsipagtapos sa high school. Subalit dahil sa ginawang donation ng mga magulang ko para sa karagdagang gusali at classroom pati auditorium sa eskuwelahan namin ay nagpakitang gilas ang principal sa nangyari.

Nalulungkot ako para kay Rei. Siya dapat ang naging valedictorian. Alam kong pangarap niya iyon para na din makuha niya ang scholarship sa Nam College. Ngunit dahil sa nangyari ay nahadlangan ko ang plano niyang iyon.

Tinanggalan ko siya ng karapatan na makapag-kolehiyo.

Hindi naman lingid sa akin ang kalagayan niya sa buhay.

Nawalan lalo ako ng pag-asa na maging kaibigan niya.

Napabuntong hininga ako pagkasakay ko ng aming sasakyan para umuwi sa mansyon.

Hindi ko na hinintay matapos ang graduation dinner party na hinanda para sa akin ng aking nga magulang. Ayaw kong maging bastos at layasan ang mga bisita subalit ayaw kong makasagutan ang papa ko sa harap ng mga tao.

Nauunawaan naman iyon ni mama kaya pinayagan na niya ako at siya na lamang daw ang magsasabi sa aking papa.

My father and I were close like friends aside from being father and son. But that was not the case anymore since the start of my last year as a high school student. Dahil iyon sa ginawa niyang pagdo-donate ng pera sa eskuwelahan.

Naputol ang malalim na pag-iisip ko nang magsalita si manong. "Sir Choi."

"Ano po yun, manong?"

"Ah gusto lang po kitang batiin sa pag-graduate mo sa high school. Congratsulasyons din po at balediktoryan kayo." Nakangiti siya nang sumulyap sa akin mula sa rearview mirror ng sasakyan.

Sinikap kong pagsiglahin ang ngiti ko para suklian ito. "Salamat, manong... Pero alam nyo din naman po na hindi naman talaga ako dapat ang valedictorian. Nahihiya nga po ako sa taong karapat-dapat talaga sa title na iyon."

"Alam mo, sir... Natutuwa po ako sa inyo kasi alam nyo sa sarili ninyo ang totoo. Kung ibang tao yan ay baka nagmamayabang pa. Ano po pala ang nangyari sa dapat na balediktoryan dapat?"

Napailing ako. "Hindi ko po alam. Hindi siya pumunta sa graduation ceremony kanina."

"Pasensya na po at pasintabi na rin, sir Choi... Pero kung ako man yung taong iyon ay didibdibin ko din ang nangyari. Ang papa nyo kasi eh— P-pasensya na po." Tinampal ni manong ang labi niya saka itinutok na lang ang atensyon sa pagmamaneho.

Napatingin na lamang ako sa labas ng bintana ng sasakyan at minasdan ang mga nadadaanan naming bahay na may ilaw.

Kung tutuusin ay hindi naman big deal iyong ginawa ng papa ko na pagdo-donate ng pera sa eskuwelahan dahil mayaman ang angkan namin.

We Are Not In LoveWhere stories live. Discover now