CHAPTER 40 : THE TRUTH (I)

909 29 0
                                    

Rei's POV

[PRESENT DAY]

"Ikaw lang ang makakapagsabi sa kanya sa tunay na nangyari dahil sa inyong dalawa ikaw lang ang nakakaalam ng totoo. At dahil sa kondisyon nya ay wala siyang maalaala kahit nandoon siya ng mangyari ang lahat."

Bago ko pa maibuka ang bibig ko para muling magsalita at magkomento sa sinabi ni Bullet ay nabigla ako ng may tumabig sa bendsheet na nagkukubli sa amin.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siya.

Choi was intently looking at me. Seryoso ang mukha niya pero nakarehistro ang pagtataka sa kanyang mga mata. Tila ba napakaraming tanong doon na hinahanapan niya ng kasagutan... sa akin.

"Tell me..."

Humakbang siya papalapit sa amin ng hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Ako ang pinag-uusapan ninyo, di ba? Tungkol sa akin? Kilala ba kita, Rei? Pero bakit hindi kita matandaan? Tell me who are you?!"

Napapitlag ako dahil biglang tumaas ang boses niya sa huli niyang sinabi. Napaatras ako dahil nagsimula ng balutin ako ng kaba at takot. Kita ko sa mga mata niya ang frustration.

"Because of what you did to him, he'll gonna hate you for the rest of your life."

Muli na namang nabuhay sa utak ko ang tinig na iyon. Tila ba bumalik ako sa kahapon at aktwual kong naririnig ang tawa ng taong iyon. Tawa na parang demonyo.

Naging malalim ang aking paghinga at tila ba bumabagal. Nagsisimula ng umikot ang aking paningin at lumalabo. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng ulirat kagaya ng dati sa tuwing maririnig ko ang tinig na iyon sa aking isip.

Sa tuwing nangyayari iyon ay hindi ko maipaliwanag ang aking takot. Pakiramdam ko ay katapusan ko na. Nagiging dahilan pati ito para panghinaan ako ng loob.

Tila ba natunaw na ang mga buto ko sa tuhod dahil hindi ko mapigilan ang pangangatog.

Pero hindi iyon napapansin ni Choi. Heto siya sa harapan ko at papalapit sa akin. Sinisikap ko namang umatras.

Pakiramdam ko ay matutumba na talaga ako. Mabuti na lamang at hinawakan ako ni Bullet.

Pumwesto siya sa unahan ko nang hindi ako binibitawan. Hinarangan niya ako mula sa paglapit ni Choi sa akin.

"Choi, tama na. H-hindi ikaw ang pinag-uusapan namin... W-we're t-talking about certain things..."

Umiling si Choi ng mariin.

"Cut the crap, Bullet. Palagi nyo na lang pinagtatakpan ang lalaking iyan. Sino ba siya at ganyan na lang ang concern ninyo sa kanya? Ever since he came here, wala na siyang ibang ginawa kundi kunin ang atensyon nyo!"

"Stop being childish!" bulyaw ni Bullet.

Natigilan bigla si Choi saka tumuro sa kanyang sarili.

"Ako? Ako pa ang childish?"

Napalunok ako dahil muli niya akong pinukol ng matalim na tingin.

"I asked that guy not only once nicely kung sino siya pero hindi niya ako sinagot. Pagkatapos kung makaiwas pa siya sa akin ay parang ako ang pinakanakakatakot na tao sa mundo. Everytime, I ask him ako pa ang nagmumukhang masama. Simple lang naman ang tanong ko but even all of you, my friends, don't want to answer me. 'Si Rei na lang ang tanungin mo' ang palagi nyong sinasabi." So, tell me, Bullet, who's the childish one?"

"Wala kaming sasabihin, Choi..."

"Bakit nga?!"

Humigit ako ng malalim na hininga. Pilit kong pinaglalabanan ang tinig na iyon sa utak ko.

We Are Not In LoveWhere stories live. Discover now