CHAPTER 26 : DIVERSION

1.1K 35 0
                                    

Rei's POV

[FLASHBACK]

Si Felix na naman ang kasama ko dahil as usual ay may kanya-kanya naman talaga kaming buhay kahit nasa iisang kolehiyo kami kahit pare-parehas kami ng course. May mga klase pa din kaming hindi magkakasabay.

Si Calix ay walang klase pero busy siya bilang bagong nember ng Archery Club. Dagdag points daw iyon sabi niya para lalo siyang dumugin ng mga babae. Hindi na naman ako nagtaka dahil may mga babaeng natutulog talaga sa labas ng campus para masilayan lamang siya. Ilan lamang iyon sa fans club na meron din ang iba pang sikat dito sa campus.

Isa siya sa mga kino-consider na celebrity sa social media dahil halos milyon na ang followers niya sa twitter at instagram.

Okay din naman dahil naambunan ako ng followers at fans dahil kaibigan niya ako.

Si Bullet naman ay parang multo. Mamaya nandyan pero pag nalingon ka lang sa ibang direksyon ay wala na. Dalawa lang daw ang tinatambayan niya sa library at sa secret place niya. Hindi ko alam kung saan yun. Hindi ko na itinanong kasi secret nga daw.

At saka medyo nailang ako sa kanya dahil kapangalan niya si B. Alam kong ang childish ko dahil doon. But what can I do when his name kept on reminding me of hers? Sorry, but that's how I really felt.

Kaya ang ending ay ang palabirong si Felix ang kasama ko. Pero kahit puro biro siya ay marunong din naman siyang magseryoso. Kagaya na lamang ng mga sandaling ito.

Matiyaga siyang nakinig sa aking kuwento tungkol sa mga bagay-bagay.

Pero joke lang yung bagay-bagay kasi hindi naman bagay si Choi. Kung bagay siya dapat bagay din ako para bagay kami. Eh kaso hindi.

Nasa eco-park kami sa campus kung saan kakaunti ang tao dahil na rin sa oras ng klase. Nagkataon na wala kaming klase kasi wala ang professor namin. Doon maayos kong naikuwento sa kanya ang nararamdaman ko.

"Rei, alam kong hindi kita mapipigilang umiyak kasi masakit naman talaga ang pinagdadaanan mo pero sana tumahan ka na kasi hindi ako sanay na malungkot ka."

Tinapik niya ang balikat ko para aluin ako.

"Hindi naman yung pinagdadaanan ko lang ang iniiyakan ko, Felix."

"Eh ano?"

"Nyemas! Kanina pa pala ako pinapapak ng langgam masyado lang akong naka-focus sa pagkukuwento."

Ipinakita ko sa kanya ang pulang-pula kong braso na may mga pantal.

Ang sakit-sakit talaga. Yung mga maliliit na pulang langgam pa naman. Pero bakit hindi ko naramdaman kanina? Dahil ba naka-focus ako masyado sa pagkukuwento o talagang manhid lang ako?

Pero kung manhid ako bakit nasasaktan ako sa nangyari sa amin ni Choi?

At saka nahihirapan ako sa sitwasyon namin lalo na kapag nakakasalubong ko siya. Ipinagpapasalamat ko na lang at hindi kami magka-homeroom. Mas mahihirapan ako kung ganoon. But there were instances that's still uncomfortable for me especially when we have the same classes.

"Aish! Tayo," sabi ni Felix.

Inalalayan niya ako na makatayo. At saka pinagpag ang damit ko at braso na may mga langgam. Sa palagay ko naman sa ay hindi ako ginapangan sa katawan.

Lumipat kami ng puwesto. At kinuha niya ang lalagyan niya ng tubig na namamawis sa lamig.

"Akin na yang braso mo. Makakatulog ang malamig para hindi mangati ang kagat ng langgam sayo." Idinampi niya ang lalagyan niya ng tubig sa balat ko. "Bakit hindi mo sinabi na kinakagat ka na pala ng langgam?"

We Are Not In LoveDove le storie prendono vita. Scoprilo ora