CHAPTER 19 : DRUNK

1.3K 45 2
                                    

Rei's POV

"Dude, magaan ang loob ko sa'yo."

Lakas loob kong pahayag nang nang makabalik ako sa upuan namin ni Bullet. Mukha namang hindi niya ako napansing umalis kanina dahil nagbabasa pa din siya ng kanyang libro.

Hindi naman siya natinag at hindi ako pinansin.

"I hope we can be friends." Bahagya kong nilakasan ang aking tinig kaya nakuha ko ang kanyang atensyon.

"Ano yun?"

"Dude, magaan ang loob ko sa'yo. I hope we can be friends." Mas confident ko nang pahayag.

Pilit kong iwinaksi ang nakita at narinig ko kanina. Ayaw kong mabahiran ng ibang ibig sabihin ang sinabi ko kay Bullet.

Gusto ko naman talaga siyang maging kaibigan sa paglapit pa lang niya kanina. At isa pa ay iyon din naman ang goal ko kaya nagpunta ako sa party na ito—para magkaroon ng mga bagong kaibigan.

Tumingin siya sa akin, nagtataka. "Ako?"

Itinuro niya ang kanyang sarili kaya tumango ako.

Para hindi lang si Choi ang mayroon ako, pag-amin ko sa aking sarili.

"Iisa pa lang ang kaibigan ko dito eh. Si Choi." Halos pabulong kong dagdag.

"Ah, yung sabi nila valedictorian nung high school?"

Tumango ako. "Siya nga..."

Rumehistro ang pag-aalangan sa mga mata niya saka sumulyap sa may isang parte kung nasaan ang aking tinutukoy. Napatingin din ako doon.

Masaya pa ring nakikipagkuwentuhan si Choi doon sa mga bago niyang kaibigan. Akala ko ba mas gusto niyang kami lang dalawa? Akala ko ayaw niyang pumunta sa party na ito? Bakit siya nandito? Bakit hindi niya ako nilalapitan?

Nang muli kong sulyapan si Bullet ay nakatingin pa din siya sa grupong kinasasamahan ni Choi.

Doon ko mas lalo naalaala si Bullet. Tahimik siya sa klase at palaging mag-isa. Ayaw niya ng maingay at maraming tao. Wala sa hitsura niya ang pagiging introverted pero mukhang mas pinipili niyang mag-isa.

"Nand'on si Choi o," aniya.

Tumango ako. "Siya nga. Nakilala ko siya noong maglipat ako sa dorm. School mate ko din siya noong high school kami..."

Sa hindi ko malamang dahilan ay kusang lumabas iyon sa aking bibig habang naaalala ko noong sinabi ni Choi ang kaparehas na mga salita sa mga bago niyang kaibigan.

"We just became close recently... dito sa campus... nagkakilala... Magkaibigan lang kami."

"So friends?" tumikhim ako para ibalik ang huwisyo ko sa kasalukuyan.

Marahan tumango si Bullet.

Ngumiti siya ng ngumiti ako.

"Nice! Fist bump tayo." Itinaas ko ang kamao ko. "Fist bump."

Bullet was puzzled.

"Ganito lang... Yang kamay mo isara mo. Yan. Tapos... Ipagtama natin yung mga kamao natin. Fist bump."

"Ok."

Walang babalang bumalik sa aking isipan noong unang beses na tinuro iyon sa akin ni Choi.

We Are Not In LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant