CHAPTER 15 : LUCKY CHARM

1.4K 45 2
                                    

Rei's POV

"Ready ka na?" tanong ni Choi sa akin.

Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o seryoso ang kanyang pagtatanong sa aking ng mga sandaling iyon. Hindi ko tuloy alam kung sisimangot ba ako o sasagutin ko ang tanong niya. Eksakto namang kakahinto lamang ng GMC Yukon Denali na sinasakyan namin sa tapat ng airport.

"Wow! Talagang sa Nam College ka na mag-aaral," ani Moi bago pa man buksan ng driver ang pintuan.

"Oo nga," pag-sang ayon nina Vio at Von.

"Mami-miss ka namin, Rei," sabi ni Chi. "Ikaw din Choi. Sayang kung bakit hindi ka namin kaagad naging ka-close noong high school. Kunsabagay, masyado kang focus kay Rei noon sa pagbibigay ng chocolate bar ng palihim."

Bumungisngis siya.

Nanlaki ang mga mata ni Choi.

"Ano'ng sabi mo?"

"Whoa!" Biglang lumitaw si Ton sa harap namin mula sa upuan nito sa likod. "Sinasabi na nga ba at si Choi yun eh."

"Sweet! Mukhang taeng-tae noon si Rei habang kinikilig dahil sa mga chocolate bars na yon. Yun pala kay Choi galing!"

"Gago ka, Zed!" Pinitik ko ang tainga nya. "Sino'ng mukhang natatae?! Hindi ako yun."

"Kinikilig lang," tudyo ni Vio.

Nagtawanan ang grupo habang si Choi ay namumula ang mukha. Ako naman ay pilit lang nakitawa pero ramdam ko din ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa nalaman ko.

"Ewan ko sa inyo! Puro kayo kalokohan," sabi ko na lang sabay ngiti.

Umakbay si Moi sa akin mula sa upuan niya sa likuran. "Paano ba yan, pare. Paano kapag naging totohanan kayo ni Choi?"

"Eh di magseselos sayo si Choi," si Von ang sumagot. Nakaupo siya sa tabi ng driver. "Inakbayan mo si Rei. Sa kanya si Rei, pare."

"Oo nga," tumango si Moi saka bumitaw.

Nagtawanan sila.

Itinaas niya ang dalawang kamay na parang sumusuko.

"Choi, pare, huwag mong mamasamain talagang ganito lang kami ni Choi. Walang ibig sabihin ang pag-akbay ko sa kanya."

Piningot ni Chi ang tainga ng kasintahan. "Kayo talaga binubuyo ninyo yung dalawa."

"Aray ko, mahal ko!" angal ni Moi. "Sorry na, mahal ko."

"Sorry na, mahal ko!" nanunudyong sabay-sabay na ginaya nina Vio, Von, Ton at Zed ang sinabi ni Moi. "Sorry na..."

"Mga Letse!" ani Moi sa pagitan ng pagtawa.

Pagkakuwan ay bumuntong hininga ako nang makalabas na kami sa sasakyan. Tinawag ko ang atensyon nila.

"Mga pare, Chi, mami-miss ko kayo. Basta walang limutan ha?"

Tumango si Chi. "Oo naman. Basta kapag walang pang-text mag-message lang sa Facebook. Ingat kayo d'on."

Gumanti ako sa yakap niya sa akin. "Salamat."

Maghihiwalay na sana kami sa yakap nang umeksena sina Vio, Von, Ton at Zed na kunwari ay pinaghiwalay kami.

"Pare, tama na," ani Ton.

"Oo nga," dgdag pa ni Von. "Baka maghurumentado si Moi. Alam mo namang apat na taong nagtitimpi yan sa selos sa iyo kasi akala nya ikaw ang gusto ni Chi.

Tumango-tango naman sina Zed at Vio na humawak kay Chi. Pagkabitaw dito ay si Moi naman ang hinawakan para pigilan ng akmang susugod sa direksyon namin.

We Are Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon