CHAPTER 56 : BETWEEN LOVE AND GOODBYE

752 27 0
                                    

Rei's POV

"We were almost bound to get married..."

Nagbalik sa aking balintataw ang nangyari kanina pagkatapos kong pormal na makilala si Serenity. Ikinuwento niya kung sino siya sa buhay ni Choi.

Of course, I knew Serenity—ang nakbabatang kapatid ni Sydney. Yes, si Sydney na pinupuntahan ni Choi para sa therapy sessions nito. At ang napagkamalan kong girlfriend ni Choi. To make it short, magkapatid sina Serenity and Sydney.

Subalit mas may hihigit pa pala doon.

It's something I wasn't prepared of. Hindi ko inakalang muntik silang ikasal ni Choi.

Hindi ko mapigilan ang aking utak na muling maalaala ang mga sinabi niya sa akin kanina habang nakahiga ako ngayon sa kama at hindi dalawin ng antok.

Marahil dahil nasa ibang lugar ako. Iyon ang sinasabi ko sa aking sarili. Marahil ay namamahay ako at hinahanap ang aking silid sa campus.

Subalit may isang bahagi sa aking ayaw makumbinsi dahil alam ko naman ang totoo. Hindi ako dalawin ng antok dahil sa nalaman ko.

Kahit sa panaginip ay hindi sumagi sa aking isipan ang bagay na iyon.

Choi and Serenity were together behind my back years ago. How did it happen? Why did it happen? It was all under my nose but I failed to see nor feel it.

Was it because I was too in love with him that time?

"It all happened way back when we were freshmen. Hindi naman talaga namin kilala ang isa't-isa. I never heard of his name until my parents told me na magpapakasal daw ako sa anak ng business partner nila. You know, just like in the movies, I was shocked and ultimately protested on the bomb they dropped. Kaka-start ko pa lang mag-college noon at marami akong pangarap sa buhay. Getting married was one of them... pero hindi sa paraang gusto ng mga magulang ko. Hindi naman lihim sa akin na gagamitin nila akong daan para lalong lumago ang korporasyon ng pamilya namin. For my parents, their unica hija's marriage is one of their business deals to expand their business. And I feel disappointed in them for that kahit pa sabihin nilang para sa akin iyon...

"But their words are the law. Kahit anong pagtanggi ang gawin ko at kahit tinangka kong umalis sa poder nila, I ended up following their order kahit na ayaw ko. Nakahanp din sila ng paraan para maipagkasundo nila ako sa pamilya ni Choi noong nagkasakit si tito Ped.

"When they found out that tito Ped had a heart attack and Hendrix's empire is on the edge of falling apart, my parents used the chance to offer their so-called help. Sabi nila ay tutulungan nila ang mga Hendrix kapalit ng pagkakasundo ng mga magulang ko na maikasal ako kay Choi.

"You know what? When I first met him, I knew I didn't like him—I mean like that will bloom into love. You get the idea? Alam ko rin na napipilitan rin lang siya sa sitwasyon. Meeting him was the worst first date I ever had... but it turned out that it would also be a memorable one. Ang akala ko kasi ay magiging bastos siya sa akin, especially when he said that he didn't want to come in the first place. Pero maayos pa rin niya akong kinausap at ipinaliwanag na hindi siya komportable sa sitwasyon. Sinabi niya sa akin na may iba siyang gusto at mahal niya ito.

"Ipinaliwanag niya sa akin na kaya lamang niya nagawang pumayag sa kasunduan dahil mahal niya ang pamilya niya at ayaw niyang mawala ang pinaghirapan ng kanyang papa at lolo. At kung ang pagpapakasal daw sa akin ang solusyon para maisalba niya kung ang ari-arian ng kanyang pamilya."

We Are Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon