CHAPTER 46 : THEY'RE...FRIENDS

797 28 0
                                    

Rei's POV

"Rei... gusto kita."

"..."

"Simula pa lang noong freshmen tayo ay gusto na kita."

Wala na akong pakialam kung nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi ni Felix. Tinitigan ko ang mga mata niya para hulihin kung totoo ba ang kanyang sinasabi at base doon ay...

"Unang kita ko pa lang sayo noong first year tayo ay may kakaiba na akong naramdaman. It's different and I liked it a lot. Parang kinukumpleto mo ang araw ko kapag nakikita kita lalo na kapag nakangiti ka. Hinihiling ko noon na sana ngumiti ka din sa akin kagaya ng pagngiti mo sa taong gusto mo.

"Pinagkasya ko ang sarili ko sa panonood sayo ng palihim kasi hindi ko alam kung papaano ka lalapitan. This is the first time na nagkagusto ako sa isang lalaki and I was realy confused during that time. Siguro isa din iyon sa nagpahina ng loob sa akin para lapitan ka kasi baka upakan mo ako kapag nagpakita ako ng interes sayo. Kaya sabi ko sa sarili ko na kahit maging kaibigan man lang kita.

"Hindi ako nagkaroon at nakapag-ipon ng lakas ng loob hanggang noong welcome party para sa atin noong freshmen pa tayo. Ikaw yung gusto kong kantahan noon sa stage kaya umakyat ako para kuhanin yung microphone. Gusto din kitang yayaing sumayaw kaya pinakialaman ko ang DJ noon because I was tryingto look for the perfect song. But I guessed it wasn't meant to happen. Kung natatandaan mo naman ay hinabol kami ni Calix ng professor kasi akala nanggugulo kami."

Felix laughed while reminiscing and so did I because I easily recalled it.

Hinding-hindi ko din naman kasi malilimutan ang gabing iyon.

"Pinilit ko talaga si Calix na samahan niya ako noon para makausap ka. Naiinggit din kasi ako kay Bullet na kakuwentuhan mo noon. Ang akala ko kasi noon ay ang hirap mong lapitan lalo pa at si Choi ang palagi mong kasama.

"Seeing you sitting alone at that table before Bullet approached was my chance sabi ko sa sarili ko. Wala kasing bumabakod sayo. But then he came... at doon ko napatunayan na hindi lang kayo basta magkaibigan ni Choi. Lalo na noong nakita kong hinalikan ka niya nang sinundan ko kayo. I know it sounds crazy pero nasaktan ako at pilit kong ipinaintindi sa isip ko na may nagmamay-ari na ng puso mo."

Itinuro niya ang dibdib ko.

"Pero itong sa akin"—itinuro naman niya ang dibdib niya saka umiling—"hindi nakinig at patuloy pa ding umasa. But for the record, when I asked to be your friend, sinsero ako hindi dahil lang gusto kita kundi guusto ko rin talagang maging kaibigan mo. However, no matter what, hanggang doon lang talaga ako.

"Pinagkasya ko na lang ang sarili ko na maging mabuting kaibigan sayo kasi umiyak ka man, o masaktan... si Choi lang ang makakagamot ng sakit at makakapagpasaya sa puso mo."

Sinikap niyang ngumiti pero hindi iyon umabot sa kanyang tainga.

"Ang akala ko magkakaroon ako ng tsansa pero sa mga pinagdaanan  nyong mga pagsubok ni Choi ay alam kong hindi ko siya mapapalitan sa puso mo. Gusto ko mang ipagpilitan ang sarili ko ay ayaw kong maging selfish. But I must admit I did try lalo nanoong bakasyon pero kanina ko na-realize na sa paggawa ko pala noon ay nasasaktan kita.

"Mahal kita, Rei, at ayaw kong nasasaktan ka. I want you to be happy and not put you in misery. Parawarin mo sana ako sa ginawa ko. But I hope you'd understand too that I also have the intention to have you open your eyes na hindi na siya yung dating Choi na minahal mo. Aish!"

We Are Not In LoveWhere stories live. Discover now