CHAPTER 51 : THE GOOD NEWS AND THE NOT-SO-GOOD ONE

835 25 0
                                    

Rei's POV

Mayroon akong dalawang ibabalita.

There's a good news... and a mysterious news. -_-"

Alin ang dapat kong unahing idetalye?

Ah yung good news na lang.

Ang magandang balita ay nagbunga ang menudong niluto ni Uno para kay Bullet. Joke! Hindi lang yun dahil sa menudo kundi sa pangungulit— este, effort ni Uno para kay Bullet.

May mutual understanding na silang dalawa. Nagsimula iyon pagkatapos noong magbilad sa araw si Uno at pagkatapos ay nagpakabasa sa ulan habang hinihintay si Bullet para magkausap sila. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong pinag-usapan nila.

Ang sigurado ko lang ay nagkaaminan na sila ng feelings. It's just a hunch though. Ayaw ko kasing maging usyusero at chismoso kaya hindi ko tinatanong si Bullet. Pero oviois naman (at least the way I see them together) na may mutual understanding na sila.

Basta nag-oobserba lang ako.

Ang inaasahan ko nga ang hindi titigil sa pagtatanong ay sina Calix at Felix dahil dati pa nila gustong maka-witness ng boys love in real life—considering that Choi and I didn't work out.

But to my surprise, they didn't asked anyone between Uno and Bullet on what's happening. They teased but didn't turn nosy.

Ako naman ay pinagkasaya ko na lang ang aking sarili sa kasabihang,"what you see is what you get."

Sa nakikita ko ay may mutual understanding na talaga sila.

Hindi katulad dati na halos umusok ang ulo ni Bullet sa asar kapag nagpapansin sa kanya si Uno, aba eh hindi na siya napipikon. All right, I have to say that he was still showing irritation, especially when Uno was being too sweet...

...pero maniwala kayo acting lang yun na kunwari ay napipikon si Bullet. Sarap nga nitong batukan eh.

Well, kidding aside, h makumbinsi na nga din ako na walang nagbago sa sitwasyon nila kung hindi ko lang nakita ang mga palihim nilang kilos.

Madalas ay magkalapit na sila ng upuan (sa umpisa ng klase ay hindi pero basta bago matapos ang klase ay magkalapit na sila) at kapag walang nakatingin ay palihim nilang hinahawakan ang kamay ng isa't-isa. Pagkatapos kapag magkaiba sila ng klase ay inaasahan ko na na isa sa kanila (kung kaninong klase ang unang matapos) ay tatakbo patungo sa classroom ng isa pa para maghintay at sabay silang bumalik sa dorm.

Kapag naman vacant period around 90% sure akong nakatambay sila sa rooftop ng building o kaya nasa isang sulok ng library.

Pero para malinaw hindi sila naglalandian. hahaha
(╹◡╹)"

Basta magkatabi lang sila tapos may kanya-kanyang ginagawa (katulad ng pagbabasa ng libro ni Bullet at paglalaro ng games ni Uno sa kanyang smartphone). Except for the fact that they're either holding hands and one of them was leaning his head to the other's shoulder as they're doing their own stuffs.

Para ngang isang eksena sa pelikula.

Paano ko nalaman ito?

Para malinaw hindi ako usyusero ha. I just happened to see it when Calix and Felix dragged me to find Bullet for a favor. Nagpapa-tutor kasi minsan yung dalawa sa isang subject na kulelat sila.

Tinuturuan ko naman sila kaya lamang ay loaded din ang schedule ko lalo pa at kumuha ako ng ilang extra (elective) subjects at sumali ako sa ilang volunteer works. Sa madaling sabi ay busy ako lately.

We Are Not In LoveWhere stories live. Discover now