CHAPTER 42 : AFTERMATH

948 30 0
                                    

Rei's POV

[FLASHBACK]

Kung may isa mang totoo sa sinabi ni Song at kung bakit ganoon na lamang ang galit niya sa akin ay dahil totoo nga pala na ang kanyang ama-amahan ay ang biological father ko.

Kinumpirma iyon sa akin ng aking tiyahin nang magkausap kami ng masinsinan at isinantabi ang ibang bagay noong nasa ospital kami pagkatapos ng nangyari.

Totoo palang ampon lamang ako. Musmos pa lamang daw ako ng matagpuan ako sa lansangan ng asawa ni tita Cru na sumusunod sa mga batang namamalimos sa Maynila. Subalit batid daw ni tito Mike (asawa ni tita) na hindi ako katulad ng mga namamalimos dahil hindi ako gusgusin.

Iniuwi ako ni tito Mike sa probinsya dahil ayon kay tita Cru ay giliw na giliw daw sa akin si tito. Gusto ni tito na ampunin ako pero ayaw ni tita. Mariin siyang tumutol.

Kaya ang kapatid ni tita Cru, si Anita at asawa nitong si Reynaldo ang kumupkop sa akin. Sila ang kinagisnan kong mga magulang. At ang nagbigay ng pangalan at apelyidong Andrei Sebastian.

Ipinaliwanag din sa akin ni tita Cru ang tunay na dahilan kaya hindi siya nagpramdam ng pagmamahal sa akin. Nagsimula daw iyon sa selos dahil nga sa pagkagiliw ni tito Mike sa akin ay nakadama si tita ng awa para sa anak niyang si Miel na halos hindi pinapansin ni tito. Ipinagtapat niya sa akin na hindi pala si tito ang ama ni Miel kaya malamig ang pakikitungo nito dito. At ang ikinakasama niya ng loob ay kung bakit giliw na giliw sa akin si tito habang kay Miel ay hindi samantalang ako man ay hindi nito kadugo.

Bukod pa doon ay kasama pala sa aksidente si tito Mike. Hindi ko na matandaan na kasama namin ng mga magulang ko ito ng mangyari ang aksidente. Sumama si tito sa pamamasyal para tuparin ng aking mga magulang ang pangako nila na pagpunta namin sa amusement park.

Subalit nangyari ang aksidente na ikinasawi ng aking mga magulang... at ni tito Mike. Ako lamang ang nabuhay.

Sabi sa akin ni tita Cru ay ako ang buhay na alaala ng masaklap na sinapit ng kanyang asawa.

Pero hindi lang pala iyon ang pinaghuhugutan ni tita ng sama ng loob kundi sa huling habilin na iniwan ni tito. Na bago pala ito malagutan ng hininga ay hiniling niya sa asawa (kay tita Cru) nito na alagaan ako. At dahil mahal ni tita si tito ay ginawa pa din niya ito kahit labag sa kanyang kalooban.

Ayon kay tita ay sa pagkupkop niya sa akin ay doon niya unti-unting nakita kung bakit ganoon na lamang ang pagkagiliw ni tito at ng mga kinagisnan kong mga magulang ang pagkagiliw sa akin.

"Bukod sa masiyahin kang bata noon ay madali kang mahalin at kagiliwan dahil sa mga ngiti mo. Ang bait mo din. At sa kabila ng pang-aalila namin ng anak ko sayo habang lumalaki ka ay hindi mo ako winalanghiya o nilabanan kahit minsan. Doon pa lang ay nauunawaan ko na sila kung bakit nga ba ang dali mahalin ka kahit noong bata ka pa."

Sabi pa ni tita ay mas galit siya sa sarili niya dahil nahihirapan siyang kamuhian ako pagkatapos ng sinapit ng asawa niya.

Humingi ng tawad sa akin si tita at pinagsisishan daw niya ang mga nagawa niya. Isang malaking karma daw marahil ang nangyari sa kanilang mag-ina nang pinagpanggap niya siya Miel bilang ako.

Isang araw daw kasi noong simula ng huling taon ko sa high school (may isang taon na ang nakakaraan) habang nasa eskuwelahan ako ay may dumating na lalaki. Nagpakilala daw ito sa kanya bilang Mr. Kim.

We Are Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon