CHAPTER 31 : YOU'RE DIFFERENT

1K 34 7
                                    

Rei's POV

[PRESENT DAY]

Yung pakiramdam noong musmos ka pa lamang pagkatapos ay inihabilin ka sa bahay ng kaibigan ng mga magulang mo, ganoong-ganoon ang pakiramdam ko habang naglalakad kami ni Choi ng magkasama.

Hindi ko mawari kung nagpapakiramdaman ba kami o ako lamang ang nakikiramdam sa amin at tinitimbang ang sitwasyon.

Hindi ko kasi mabasa ang isip niya kagaya ng dati. Poker face ang kanyang mukha kaya lalo akong nahirapan.

Nakatutok lamang ang kanyang tingin habang hawak niya ang payong para sa aming dalawa. Hindi naman talagang malakas ang ulan kaya hindi kami mabilis naglalakad.

"A-ako na..."

Sinubukan kong kuhanin sa kanya ang payong para ako na ang maghawak.

Hindi siya nagpatinag at mahigpit ang hawak doon.

"I can manage."

Inglisero pa rin siya.

Naka-strike two na ako na pakiramdam ko ay may mali na naman akong nagawa sa kanya.

Ang una ay kanina noong nabigla ako nang payungan niya ako. Pagkatapos kong makabawi mula sa pagkatulala sa kanya nang magtama ang aming mga mata ay ngumiti ako.

Pero hindi siya tumugon at sa halip ay nag-iwas lang siya ng tingin. Sinabi niyang, "pinapasundo ka na ng mga kaibigan mo. Ang tagal mo daw."

Pakiramdam ko ay ang laki ng kasalanan ko. Wala lang akong ideya kung dahil iyon sa pagkatulala ko sa kanya o dahil sa pagngiti ko. Baka naman pareho?

Tila ba may kumirot sa puso ko dahil sa inasal niya.

Kaya heto kami ngayon at naglalakad. Puno ng awkward silence sa pagitan namin.

Hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Ano ang ikukuwento ko? Hindi naman ako puwedeng umakto kagaya ng dati dahil baka ma-wirduhan siya sa akin. Baka sabihin pa niya ay feeling close ako.

Ano ba yan? Kakadating ko pa lang ay nahihirapan na ako. Babalik na lang ba ako sa South Korea? Makikipagkaibigan na lang ba ako sa Bigbang o hahanapin si Dara gaya ng sabi ni Felix kanina?

Ang gulo ng utak ko.

Kailangan ko yatang mag-general cleaning ng utak.

Hindi ko dapat mapag-mix ang past at present. Kapag ginawa ko iyon ay masira ang future ko.

Ang gulo talaga ng utak ko. Kung anu-ano ang naiisip ko.

Para akong tanga na pasulyap-sulyap sa kanya ng palihim.

Yun ang akala ko. Akala ko hindi niya pansin.

"May dumi ba sa mukha ko at tingin ka ng tingin?" seryosong tanong niya ng hindi ako sinusulyapan.

Lumunok ako ng laway dahil pakiramdam ko ay may bumara sa aking lalamunan.

Aish! Nalunok ko din yata ang dila ko at hindi ako makapagsalita.

Umiling na lang ako.

"Para kang naputulan ng dila."

Tama ba ang narinig ko na tumawa siya ng kaunti? Umiling ako. Hindi. Nililinlang lang ako ng pandinig ko dahil poker face pa rin ang mukha niya nang sulyapan ko.

"It's rude to stare at someone's face, don't you know?" He cleared his throat. "But I guess mas rude ako na hindi ako nagpakilala. Ako nga pala si Choi. Ikaw si Andrei, hindi ba?"

Letse! Kilala kita! Kilalang-kilala.

Marahan akong tumango. "Mas sanay ako sa tawag nila sa akin sa nickname kong Rei."

We Are Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon