CHAPTER 8 : THIS CRAZY FEELING

1.7K 54 2
                                    

Rei's POV

"Choi, huwag ako, please. Gusto kitang tulungan, bro... Pero huwag ganito. Ayaw kong masira ako kay Chi."

"Gusto mo si Chi?"

"Oo," sabi ko saka tumango. "A-at balak ko siyang ligawan."

"G-gan'on ba?" He sighed. "Naiintindihan ko. Pasensya ka na, Rei. Akala ko lang kasi matutulungan mo ako dahil may tiwala ako sa iyo noon pa man kaya gustung-gusto kitang maging kaibigan."

"Puwede naman tayong maging magkaibigan. Pero patawarin mo ako... dahil hindi ko kayang gawin ang gusto mo. Kausapin mo na lang ng maayos ang papa mo. Ipaliwanag mo sa kanya na hindi mo gusto ang nais niya. Kung ako nga nauunawaan mo siya pa kaya na tatay mo? Nauunawaan mo ako, hindi ba?"

"Hmmm," he nodded but did not looked me in the eyes. "Sana gusto ka rin ni Chi..."

Kusang nagbalik ang alaala ng huli naming pag-uusap ni Choi bago ako umalis sa mansyon ng kanyang pamilya. Wala akong ideya kung bakit tumatak sa akin lalo na ang huli niyang sinabi sa akin.

"Sana gusto ka rin ni Chi..."

Umalingawngaw ang sinabi niyang iyon sa aking utak.

Noong kausap ko siya ay sigurado ang aking sarili na oo, gusto ako ni Chi.

May unawaan kami.

Sa loob ng mga taon habang high school kami ay palagi akong inaalala ni Chi. Mabait siya sa akin. Palagi niya akong sinasamahan. Pinapangiti niya ako sa mga chocolate bars na ibinibigay niya lalo na kapag nalulungkot ako.

Masya ako kapag kausap ko siya. Hindi din niya nakakaligtaang tanungin ako kung nagawa ko na ba ang mga assignments, projects at kung naka-pag-review ba ako kapag may exam kami. Sinasamahan niya ako kasama ang iba pa naming mga kaibigan kapag nagtatanghalian kapag may pasok.

Sa loob ng halos apat na taon ay sigurado ako na gusto din ako ni Chi.

At sa kabila ng mga nangyari sa akin, gusto ko nang lakasan ang loob ko at magtapat sa kanya.

Ikinokonsidera ko na rin ang sinabi niya sa akin na mag-kolehiyo na lamang ako sa bayan—sa pambayang kolehiyo kasama niya. Kukuha na lamang ako ng ibang kurso. Pagsasabayin ko ang pag-aaral at pagtatrabaho.

Gagawin ko siyang inspirasyon sa buhay kahanay ng aking mga namayapang magulang.

Sigurado ako sa desisyon ko.

Subalit parang bulang naglaho ang kumpiyansa ko para kausapin si Chi nang mga sandaling iyon pagkatapos ko siyang makita kasama si Moi.

"Moi, naman pakinggan mo naman sana ako..." ani Chi habang hawak ang braso ni Moi para pigilan ito sa pagtalikod sa kanya. "Huwag kang umalis."

"Lalaki ako, Chi. Marunong akong magselos. Ano ba talaga tayo?" Humarap si Moi sa dalaga. "Apat na taon na, Chi. Apat na taon na akong nagti-tiyaga na unawain ka. Apat na taon na kitang sinusuyo. Akala ko ako ang gusto mo pero si Rei pa rin ang nilalapitan mo."

"Dahil kaibigan ko siya."

"Kaibigan? Kaibigan lang ba iyon? Magkaibigan lang kayo? Eh halos ikaw ang manligaw sa kanya dahil sa mga chocolate bar na binibigay mo sa kanya. At ang laki ng ngiti mo kapag nakita mo siyang ngumiti dahil doon sa bigay mo! Samantalang ako, sa mga binigay ko sa iyong bulaklak hanggang "thank you, Moi" lang pero hindi ka ngumiti. Hindi ka natuwa man lang kasi binigyan kita ng bulaklak."

Chi held  his hands.

"Moi, naman... Pakinggan mo ako."

Hindi ito nagsalita.

We Are Not In LoveWhere stories live. Discover now