CHAPTER 5 : WHAT HAPPENED LAST NIGHT?

2K 69 2
                                    

Moi's POV

Nang makatulog si Ton habang nag-iinuman kami kanina dahil sa kalasingan pagkatapos ng mga panggagatong nito kay Rei ay tuluyan ng nagpuyos sa galit ang huli. Hinampas niya ang lamesa sabay tumayo.

Naalimpungatan tuloy sina Vio at Zed.

Si Ton naman ay parang mantika ang tulog.

"Moi," ani Rei habang seryosong nakatingin sa akin. "Pahiram ng susi ng motor mo."

"Ha?" gulat kong tanong ngunit nahipnotismo yata ako at natagpuan ko na lang ang kamay kong inaabot sa kanya ang susi. "A-ano'ng gagawin mo?"

Ngumisi siya. "Road trip lang, dude."

Kahit nakainom ako kanina ay nasa katinuan pa naman ako. Hindi ko gusto ang balak ni Rei subalit kita ko sa mga mata niya na hindi ko siya mapipigilan.

"Rei, dude, lasing ka na. Hindi mo na kayang mag-motor."

"Sus!" Iling niya. "Kaya ko pa."

"Pero—"

"Kaya ko, Moi," tinapik niya ako sa balikat. "Ako pa."

Tumalikod siya at naglakad papalabas ng bahay.

Hinabol ko naman siya.

"Sige... pero sasama ako. Ako ang magmamaneho."

Mariin siyang umiling. "Hindi, dude. Ako ang mag-mo-motor. Kung gusto mong sumama, sige. Pero angkas ka. Okay?"

Tanging buntong hininga ang aking naitugon ko at piping napadasal na wala sanang mangyaring masama sa amin. Bago kami umalis ay biglang sumunod sa amin sina Vio at Zed mula sa loob ng bahay. Sasama daw sila. Hindi ko alam kung papaano kami nagkasayang apat sa motor ko.

Animo ay mga batang sumakay sa roller coaster itong sina Vio at Zed na may pataas-taas pa ng kamay sa ere at humihiyaw habang binabagtas namin ang kalsada.

Sumisigaw pa sila ng "roadtrip!" at "joyride!" saka nagye-yehey.

Tila tuloy ginanahan si Rei na bilisan ang pagmamaneho. Inubos niya ang laman ng bote ng alak saka pinaharurot ang motor.

Sinabihan ko siya. "Rei, huwag mong bilisan ang pagpapatakbo. Lasing ka. Baka madisgrasya tayo."

Subalit hindi niya ako pinakinggan.

"Ngayon lang naman ito, dude. Pagbigyan mo na ako. Ayaw mo n'on sumasaya ako kahit ngayon lang?"

Sa matinding pinagdaanan niya ay ano ba ang pagbigyan ko siya sa kanyang gusto para maibsan naman ang lungkot niya. Ganoon naan dapat ang isang kaibigan di ba? Dapat ay unawain ko siya bilang mabuting kaibigan.

Gusto kong kutyain at tawanan ang aking sarili dahil sa huli kong naisip. Ako? Isang mabutig kaibigan? Noon siguro oo pero magmula nang...

Hindi ko na naituloy ang pag-iisip ko nang mapagtanto ko ang binabagtas naming daan. Iyon ang daan patungo sa mansyon ng mga Hendrix.

"Hoy, Rei, bakit dito tayo pumunta?"

"Aish!" binilisan pa niya ang pagmamaneho. "Tama si Ton. Tama ang mga sinabi niya. Si Choi... Siya ang may kasalanan."

We Are Not In LoveWhere stories live. Discover now