DAY 7

3.2K 120 2
                                    

August 14. Sunday

I forgot to mention that Kira and I exchanged numbers last Friday. We're connected through viber now. Nagkulong lang ako sa kuwarto ko simula kahapon at kahit papaano na-entertain naman ako ng messages na pinapadala niya sa'kin. Hindi nga lang ako masyadong nag-re-reply. Paano ko naman gagawin 'yon eh instead of words, pictures ang pinapadala niya sa 'kin?

And not just pictures but photos na sabi niya siya mismo ang kumuha. Pinadala rin niya sa 'kin ang picture ng bird nest na kinunan niya nang makita ko siyang nasa taas ng puno.

Bago ako matulog nagpadala uli siya ng picture. It was the night sky. Dalawang gabi na niya akong pinapadalhan 'non. Madilim at hindi naman kita ang stars sa picture. Mga white dots lang. But I still know that the stars are there. Kasi sa dalawang beses na pinadalhan niya ko ng picture ng langit, hinawi ko ang kurtina sa bintana ng kuwarto ko at tumingala ako.

Maraming stars. Tonight, and the night before, I know we are looking at the same sky.

LOST STARSWhere stories live. Discover now