DAY 32

2.6K 107 4
                                    

September 8. Thursday

ALAM ko na kung ano ang dapat kong gawin. To tie lose ends. To finally get my closure.

Tinawagan ko si Danica para sabihin na magkita kami sa library ng Richdale University pagkatapos ng klase niya. Wala pang isang oras akong naghihintay, nagmamadali na siyang dumating at nakalapit sa akin.

"Gin. Wala ka namang klase ngayong araw, 'di ba?" takang tanong niya.

Ngumiti ako. "Wala nga."

Umupo si Danica sa katapat kong upuan. Halatang nagtataka pa rin siya habang nakatingin sa akin. Iginala ko ang tingin sa loob ng library. Huminga ako ng malalim saka ibinalik ang atensiyon sa kaniya. "Madalas tayo dito noong first year tayo, remember?"

Si Danica naman ang tumingin sa paligid. Ngumiti siya, halatang bumabalik sa isip ang mga alaala. "Oo nga. Noong una palagi tayo dito kasi gumagawa tayo ng project. Pero after 'non naging tambayan na lang talaga natin ang library. Hindi naman tayo palagi nag-aaral eh. Madalas nagku-kuwentuhan lang tayo."

Our eyes met. Sa totoo lang, wala na ang Danica na una kong nakilala. Wala na ang lungkot at pait sa mga mata niya ngayon. Hindi na rin tulad ng dati na ako lang ang nakakakita ng magagandang katangian niya. Now, everyone can see what an amazing woman she's growing up to be. Ngayon, palagi na siyang masaya. Kahit na hindi ako ang dahilan ng kasiyahan niya.

"This is where I fell in love with you, Danica."

Natigilan siya. Napatitig sa akin. "Gin... nagbibiro ka ba?" nakangiting tanong niya.

Gumanti ako ng ngiti. "No. Seryoso ako. I've been in love with you since we were first year in college."

Nawala ang ngiti ni Danica. Umawang ang mga labi. Mukhang hindi alam kung ano ang sasabihin. "G-gin..."

"Ikaw ang unang tao na hinayaan kong makalapit sa akin. You are the first girl who made me feel like I want to protect something. You are the first person who made me feel so happy and inspired. You... made going to school tolerable for me, Danica."

Namasa ang mga mata ni Danica. I know she's starting to feel uncomfortable. Alam ko hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa confession ko. Medyo na-gi-guilty ako pero nag-decide na ako na sabihin sa kaniya ang totoo. Ayoko na umatras pa.

"Kaya nang malaman ko na nagkakamabutihan kayo ni Thorne during our third year, nasaktan ako. Nagalit ako sa kaniya hindi lang dahil pinaglaruan ka niya. Nagalit ako kasi sobra kitang kilala Danica. I know you too well to know that you are really in love with him. At nang sabihin mo sa akin na buntis ka, na siya ang ama... it broke my heart into pieces. But I still decided to do my part as your bestfriend. Ang suportahan ka at siguruhin na palagi kang may masasabihan ng lahat ng worries mo. Ang protektahan ka para hindi ka masaktan ng kahit na sino, lalo na ng pinsan ko. Ang pasikreto kang mahalin."

"B-bakit ngayon mo lang 'to sinasabi sa akin? Bakit hindi noon?" mahinang tanong ni Danica.

Huminga ako ng malalim. "Nawalan ako ng chance na magsabi sa 'yo. Dapat magtatapat ako ng feelings ko noong third year tayo. I was supposed to invite you again as my date for the dance party. Pero tumanggi ka. Sabi mo hindi ka interesado umattend that year. Kaya nagulat ako nang makita kitang dumating sa party na kasama si Thorne. I'm your bestfriend. I'm supposed to be the closest person to you. Pero kahit isang beses hindi mo nabanggit na nagkikita pala kayo ng pinsan ko. The next thing I know, in love ka na sa kaniya. What else can I do?"

Namasa ang mga mata ni Danica. "Then why now? Bakit kailangan mo sabihin sa akin ngayon?"

Umangat ang gilid ng mga labi ko. Tinitigan ko siya. "I know it's selfish to tell you my feelings now. Pero may nagsabi sa akin na walang masama maging makasarili once in a while. Na kailangan ko raw magtapat sa unrequited love ko kahit alam kong walang pag-asa. Kasi hangga't hindi ko inaamin ang nararamdaman ko, hindi ako tuluyang makaka-move on. That I will continue to have lingering feelings if I don't get a proper closure." Sinalubong ko ng tingin ang mga mata ni Danica. Ngumiti ako. "I was in love with you, Danica. You are my first love. I want you to know that."

Tumitig siya sa akin. Lumunok. Then hindi ko inaasahan ang naging reaction niya. Ngumiti siya. "Thank you."

Gumanti ako ng ngiti. Huminga siya ng malalim. "I feel so lucky that you loved me. I'm sorry kasi hindi ko napansin ang nararamdaman mo kahit na sobrang close tayo."

"Hindi mo napansin kasi hindi tayo pareho ng nararamdaman. Naiintindihan ko, Danica. I am truly happy for you that you found someone you love. Someone that really loves you too."

Ngumiti siya, inabot ang mga kamay ko na nakapatong sa lamesa at mahigpit na pinisil ang mga 'yon. "Kaya ang wish ko sa araw-araw, makakita ka rin ng taong mamahalin mo at mamahalin ka. A kind of love greater than the love you felt for me. Iyong love na ipaglalaban mo. Iyong love na hindi ka makukuntentong ilihim kasi gusto mong ipagsigawan sa buong mundo. Iyong love na hindi ka titigil hangga't hindi napapasayo. Iyong love na hindi ka papayag na maagaw ng iba. I wish for you to find a love that will make you do crazy and reckless things. A love that will make you really, really happy."

Gumanti ako ng pisil sa mga kamay niya. "Thank you."

Matagal na tahimik lang kami. Mayamaya ngumiti si Danica. "Nakuha mo ba ang closure na gusto mo? Sa tingin ko kasi, matagal ka nang naka-move on sa feelings mo para sa akin, Gin. At alam kong alam mo rin kung paano at kung sino ang dahilan kaya ka naka-move on."

Gumanti ako ng ngiti. Nagkatitigan kami. Nagkaintindihan. We are bestfriends after all. Isa 'yon sa mga bagay na hindi mababago kahit kailan. Kaya naging tapat ako sa kaniya.

"Yes. I know."

LOST STARSWhere stories live. Discover now