YEAR 2018

8.2K 208 65
                                    

I graduated yesterday. Now I am a Master's Degree Holder. Magsisimula na rin ako ng trabaho sa Airline company ni Lolo. Hindi nga lang sa Pilipinas.

Ngayong araw may dumating na sobre para sa akin. Walang sulat. Only a picture of Aurora Borealis. It was a beautiful photo. Parang professional ang kumuha. Pero pamilyar sa akin ang istilo ng photographer 'non.

Kumabog ang dibdib ko. I felt my stomach flutter. As it always do for the past two years everytime I think of her and that short time we spend together when we were twenty.

Binaligtad ko ang picture. May handwritten note pala roon.

A scientist once said that all living things are composed of the atoms from collapsed stars. That stars are inside us. Isn't it amazing? Gin, we are made of stardust.

Sa ibaba noon may nakasulat na address at cellphone number. Nagulat ako. Then napangiti hanggang matawa. Kaya pala nakunan niya ang Aurora Borealis.

May kumatok sa pinto ng kwarto ko. Paglingon ko pumasok sa loob si Mama. "Tapos ka na ba mag empake?"

"Yes, 'Ma." Nakalagay na sa dalawang malaking maleta ang mga gamit ko. Iyon at isang hand carry bag lang ang dadalhin ko.

"Ang Lolo mo naman, nakakainis. Saang bansa ka ba niya balak ipadala para sa negosyo ng pamilya?"

Bumalik ang tingin ko sa note ni Kira. Hinaplos ko ang nakasulat na pangalan ng bansa kung nasaan siya ngayon. Napangiti ako. My heart is swelling with happiness and excitement. Itinaas ko ang picture at pinakatitigan ang Aurora Borealis. Next time, makikita ko na 'yon ng personal. Kasama si Kira.

"Eugine? Saan ka nga magtatrabaho?"

Hindi ko inalis ang tingin sa picture at nakangiting sumagot, "Canada."

~WAKAS~


A/N: opo, tapos na po ang LOST STARS. at hindi tulad ng ibang stories ko na ipinost dito, wala akong tinanggal na eksena sa story na ito. Opo, open ended po ito. It has been my dream to write something with an ending like this. I blame Rainbow Rowell's Eleanor and Park for my desire to end a story this way. Anyway, salamat po sa mga nagbasa. At gusto ko lang po sabihin na may companion novel ito na ang title ay STARS WITHIN US. point of view po iyon ni kira at may maiksing continuation ng story nila sa dulo. pero hindi ko na po iyon ipopost dito sa wattpad sa kadahilanang kelangan ko rin po bumenta ng libro para mabuhay hehe. out na po ang dalawang libro na ito sa mga bookstore. meron din sa online store ng preciouspages at sa pagkakaalam ko meron ding ebook. paki-visit na lang po ang mga link na nasa profile ko. maraming marami pong salamat. :)

LOST STARSWhere stories live. Discover now